[Raskreia]
Hindi sa takot akong malaman ng Datu ang mga naging karanasan ko noon, iyon ay dahil sa ayaw kong kaawaan n'ya ang kalagayan ko.
Pero ang pinag uusapan dito ay ang Datu, ang berdugo na walang awa, kaya sa tingin ko naman ay hindi s'ya marunong maawa.
Ngunit, ano pala ang rason kung bakit pumagitna s'ya sa problema namin ni ama? Kung hindi awa ano? Alangan namang pagmamahal? Nakakaloko kung iyon ang iisipin ko. Isa lang ang natatanging rason, ipinapakita lamang niyon kung sino ang may hawak ng mas mataas na katungkulan at kapangyarihan. At s'ya iyon.
Ang Datu,
Ang Berdugo.
---
Dahil sa lalim ng aking pag iisip ay hindi ko napansin na andito na kami sa kanilang tribo. Nagulat na lamang ako ng alalayan ako ng aking dama sa pagbaba ng sedan sapagkat nauna na ang Datu sa pagbaba.
"Maligayang pagbabalik Mahal na Datu!" Masayang pagbati mula sa kanyang nasasakupan ang aking narinig.
"Aking Bana! Maligayang pagbabalik! Halika at nang makapagpahinga sa ating silid." hindi lang isa ang tinig ang umabot sa aking tenga, apat ata kung tama ang aking hinuha.
"Mahal na Datu gaya po ng ipinag uutos n'yo, nakahanda na po ang magiging tahanan ng bago n'yo pong kabiyak."
"Maghanda para sa pagtitipon mamayang gabi!" tanging turan ng Datu, at agad ng tumalikod.
Ako na hindi alam ang gagawin o kung saan pupunta.
Nagulat na lamang ako nang may kamay na humila sa akin at ang tanging magagawa ko lamang ay magpatianod.
Tumuloy kami sa isang bakuran base sa amoy ng mga bulaklak, at pumasok sa loob ng isang silid.
Agad na nawala ang panakbong na nasa ulo ko, gawa mismo ng taong nasa harapan ko.
Pumaling ang aking tingin sa telang nasa kanyang mga kamay, unti-unting umangat ang aking mga mata papunta sa kanyang mukha na masusing nakatingin sa bawat kilos ko. Walang kataga ang namutawi sa aking mga labi.
Ilang minuto din ang lumipas na walang kumikilos sa aming dalawa. Sinamantala naman niyon ng aking mga mata, naglakbay sa kanyang matipunong dibdib na natatakpan ng kalasag,
Kalasag?! Tila kaligtaan kong Berdugo nga pala ang kaharap ko.
"Tapos ka na bang inspeksyunin ang kaanyuan ko? Nakapasa ba ako?"
"tss! 'wag kang mangarap!" mahinang anas ko.
"Makinig ka sa sasabihin ko Binibini, Andito ka sa aking tribo, kaya matutu kang sumunod sa batas ko, Alam kong kilala mo ang isa sa katauhan ko, ngayon kung ayaw mong malasap ang kamatayang parusa ko, umiwas ka sa gulo. Hindi ibig sabihin na isa ka sa aking mga kabiyak ay malulusutan mo na ang bawat parusa."
"Huwag kang mag alala Mahal na Datu dahil hindi kita itinuturing na kabiyak, simula ng matapos ang ritwal na ginawa natin sa aming tribo, maparusan man ako sa lahat ng aksyon na magagawa ko, sinisiguro kong ako lang ang mapaparusan at walang madadamay, ngunit kung ako man ay mahahatulan ng parusang kamatayan
na ang may pakana ay isa sa iyong nasasakupan, ipinapangako kong sabay kaming mamamaalam sa mundo." taas noong turan ko.Ilang segundo ding napipilan ang Datu. Kung iyong naunang prinsesa ang andito sa katauhan ko ngayon malamang nangingnig na sa takot.
"Gawin mo kung ano ang nais mo sa iyong tahanan, ikaw ang batas sa sarili mong tirahan, wag ka lang lalagpas sa guhit. Magpahinga kana at may pagtitipon mamayang gabi. Ipasusundo kita."
BINABASA MO ANG
Almost a fairytale
Fiksi SejarahAng pangarap ko talaga sa susunod kong buhay ay maging prinsesa, makapagasuot ng magagarang damit at mamahaling alahas. Pag aagawan ng duke at prinsipe, katulad ng sa nababasa kong mga novela. pero bakit pagmulat ng mata ko nasa isang tribo ako napa...