Nagngingitngit ang kalooban ng dalaga habang sakay ng sedang upuan katabi ang Datu.
Ilang oras ding tumagal ang kanilang byahe bago huminto.
”Magpahinga muna tayo at magmiryenda.” turan ng Datu.
Sa isang hudyat ay nagsitigil ang lahat para kumain. Tumuloy sila sa isang kainan na sapat para sa lahat,
Magkasama sa isang silid ang Datu at ang Binibini, iyon ang lugar na pinili ng Datu para sila ay makapag-usap habang nagpapahinga at kumakain.
”Ihahatid kita sa iyong magiging silid kapag nakarating na tayo sa aming tribo,” anang Datu.
Walang sagot mula kay Raskreia, mataman n’ya lang pinagmamasdan ang pagkain sa kanyang harapan.
”Kumain kana at mamaya lalakad na tayo” turan pa ng Datu, ngunit gaya ng nauna wala pa ring sukli ng pagsang-ayon o ano pa man ang dalaga.
Isang hampas sa hapag ang nagpagulantang sa dalaga, senyales na malapit ng sumabog ang kanyang kaharap.
”Ano bang problema mo Mahal na Datu?” nagulat man ay tanong ng dalaga.
Isang nagbabagang tingin naman ang sukli ng Datu, kasabay na konting pagtitimpi.
”Bakit kasi isinama mo pa ako? Maari ka namang umalis nalang sa aming tribo na hindi mo na kailangang pang pumagitna sa problema namin ng aking ama hindi ba?” pabalang na sagot ng dalaga.
”Binibini, baka nakakalimutan mo kung sino ang taong kausap mo?!”agarang sagot ng isa sa dalawang bantay ng Datu.
”Ipagpaumanhin mo po kamahalan!” sabay luhod ng dama ni Raskreia, ”Mangyari po na nabagok po ang ulo ng aking Binibini ng s’ya po ay muntik ng malunod sa ilog nung unang beses s’yang nawalan ng malay habang naliligo.”
Isang nagdududang tingin ang sukli ng Dàtu.
”Kumain kana lang mabuti pa.” sabay alok ng mangkok sa dalaga na puno ng gulay, ngunit sa kasamaang palad tiningnan lamang ito ng dalaga.
Itinaas ng kaonti ang kanyang panakbong.
At sa klase ng titig n’ya dito, waring sinabi na ’pagkain ba yan?’ na agad na nakuha ng Datu.
”Ano bang problema mo, babae?!” sigaw ng Datu, na nakaagaw na ng pansin sa karamihan.
”Mawalang galang na po kamahalan, ngunit hindi po kasi nakain ng ganyang pagkain ang aking binibini. Kahit noong bata pa lamang ang aking Binibini malimit po s’yang kumain ng gulay at pili lamang, sa agahan po ay tanging gatas at tinapay lang ang kanyang kinakain.” mahabang turan ng dama.
Isang nagbabadyang tingin ang pinakawalan ng Datu. Na ano mang oras ay maaari ng sumambulat ang kanyang inis.
”Kumuha kayo ng gatas at tinapay, dalhin n’yo agad dito.” utos ng Datu., agaran namang nangagsipagsunod ang mga dama, ang ilan ay natataranta pa.
Mamaya pa dumating na ang mga pagkain kasama na ang natatanging almusal ng Binibini. Pumilas agad ng karne ang Datu at agad na isinubo ito, ngunit ganun na lamang kung itulos sa kanyang kinauupuan ang Datu nang masilayan na nakapikit ang dalaga , tila ba’y nagdarasal.
At gaya nga ng kanyang hinuha nagdadasal nga ng pasasalamat para sa pagkain ang prinsesa.
Agad naman nabitawan ng Datu ang piraso ng karne, at mga mumunting tinig ng hagikhik mula sa kanyang taga bantay ang kanyang narinig, agad na binalingan ng nagbabadyang tingin ang kanyang mga taga bantay na ’wag lumikha ng ingay, hinintay na matapos ang panalangin ng dalaga bago dumulog ulit sa hapag.

BINABASA MO ANG
Almost a fairytale
Tarihi KurguAng pangarap ko talaga sa susunod kong buhay ay maging prinsesa, makapagasuot ng magagarang damit at mamahaling alahas. Pag aagawan ng duke at prinsipe, katulad ng sa nababasa kong mga novela. pero bakit pagmulat ng mata ko nasa isang tribo ako napa...