Pang siyam

10 1 0
                                    

”Patawad po, Binibini!” lahat ay lumuhod ng makarating na sila sa loob ng kanilang bakuran.

”Para saan?” tanong ng dalaga.

”Dahil po sa amin nagkagulo kayo ng mga asawa ng Datu,”

”Labas kayo sa gulo namin, sila ang gumagawa ng gulo kaya ’wag kayong mag alala, magsitayo na kayo at magpahinga,” turan ng dalaga.

Agad namang tumalima ang lahat.

”Kumain na muna kayo bago magpahinga, nakaligtaan na natin maghapunan dahil sa nangyari, walang matutulog hanggat walang kumakain, maliwanag?” habol pa ng dalaga.

”Opo Binibini, maraming salamat po, ipaghahanda na din namin ang inyong hapunan.”

”Hindi na kailangan, at pakibigyan na din ng makakain ang mga kawal sa tarangkahan, humayo na kayo.” sagot ni Raskreia.

”Binibini, ipaghahanda na kita ng makakain?” tanong ng kanyang lalaking dama.

”Mamaya na, gusto ko munang magpahangin.” sagot ng dalaga.

”Ipaaalala ko lang po Binibini, hindi ito ang tribo natin kung saan pwede kang magliwaliw sa kagubatan sa tuwing ikaw ay naiinis o nalulungkot.” turan ng kanyang dama.

Napangiti ang prinsesa dahil sa tinuran ng kanyang dama na matagal ng hindi nasisilayan nito, kaya ganun na lamang ang pagkatigalgal ng kanyang dama sa nasaksihan.

”Kilalang-kilala mo nga talaga ako, diyata’t nakaligtaan ko na may isang tao pa palang nakakakilala sa akin.” turan ng dalagang hindi maalis-alis ang ngiti sa labi.

”Nakakagalak kang pagmasdan Binibini sa tuwing may ngiting nakasilay sa iyong mga labi, matagal-tagal na din simula ng masilayan ko ang mga yan.” napapangiting saad ng kanyang dama.

”Sa nakikita ko, napakasaya n’yo kahit may komosyong naganap kanina sa pagtitipon, at ikaw hamak na dama mukhang lumagpas kana sa guhit na itinakda na nararapat lamang sa isang katulad mo.” bungad ng Datu.

Dahil sa hindi ito napansin ng dalawa kaya nagulat ang mga ito, ang masayang pag uusap ng dalawa ay napalitan ng mununting pagkagulat, hindi lamang sa pangungusap ng Datu kundi sa asal nito.

”Tila naipagkamali ng Datu ang aming..”

Agad na itinaas ng Datu ang kanyang kanang kamay hudyat na pinapatigil ang lalaking dama sa pagsasalita.

”Wala kang karapatan na sumagot at magpaliwanag sa akin, lalong-lalo na kung ikaw ay nasa mababang posisyon, ni wala ka nga sa kalingkingan ng aking mga kawal.” turan pa ng datu.

”Tila yata nakakaligtaan mo rin Mahal na Datu, na ang bawat pagbukas ng aking labi ay para lamang sa Binibini, kung papano ko ito gagamitin bilang pagprotekta sa iyong pagbibintang, at kahit ikaw pa ang pinakamapangyarihan sa tribong aming kinaroroonan ay tanging ang Binibini lamang ang aking pakikinggan, dahil kahit sa anong libro nang alinmang mga tribo ay wala doong nakasulat kung papaano ko gagampanan ang aking tungkulin para maprotektahan ang aking Binibini....”

Agad namang kumilos ang mga kamay ng dalaga para hawakan at awatin na ang kanyang dama.

”Magtigil kana aking dama, pumaroon kana sa iyong silid mukhang mahaba-haba ang sasabihin ng Datu.”

At dahil  na rin sa tinuran ni Raskreia, napatigil ang dama sa gitna ng pagsasalita. At isang pagyukod patungkol sa dalawa bago umalis.

Agad na binalingan ng dalaga ang Datu, na tila nahipnotismo ng ilang saglit.

”Sumunod ka sa akin,”turan ng Datu.

Walang kibo namang sumunod ang dalaga.

***

[DATU]

Napipilan ako ng ilang saglit sa tinuran ng lalaking dama,  alam kong kalapastanganan ang kanyang ginawang pagsagot sa akin ngunit kung pagbabasehan sa kanyang gawi ay nararapat lamang iyon, sapagkat ang tungkulin n’ya ay protektahan ang kanyang Binibini. Maging sinuman ang nais saktan ito, pisikal man o sa damdamin.

Tila naipagkamali ko ang aking nasaksihan, nakapagtataka ang inasal ko kanina. Dala marahil ito nang init ng ulo dahil sa naganap kanina sa pagtitipon. Ito ang unang pangyayari na nagkagulo na may ipinakilala akong kabiyak sa aming tribo. At ito rin yata ang unang beses na hindi magkakasundo ang limang babae.

Kailan nga ba ako huling bumisita sa apat na iyon? Mukhang matagal-tagal na din pala.
Hindi ko na nga maalala.

Isang pagtikhim ang pumutol sa paklalakbay ng aking diwa sa kung saan, nakaligtaan kong kasama ko nga pala ang aking ika-limang asawa.

”Diyata’t nakaligtaan na ako ng Mahal na Datu at pati na rin kung ano ang kanyang pakay, kung ganon ay maaari na akong umalis.”

Isang pagyukod ang iginawad ng dalaga at bago pa man makasagot ang Datu ay nakalayo na ang dalaga at sumuot sa kakahuyan.

Dahil sa nangyari, agad na napabalik sa katinuan ang Datu at agad namang napasunod sa daang tinahak ng dalaga.

Samantala...

”Punong Babaylan, wala po ang Mahal na Datu sa kanyang silid ayon sa kanyang taga-bantay, tila nasa isa sa kanyang mga asawa ito at doon magpapalipas ng gabi.” anunsyo ng isa sa babaylan.

”May problema po ba Punong Babaylan?” tanong ng isa.

”Malaki! At kasama dito mismo ang Mahal na Datu.” sagot ng Punong Babaylan.

Mga pagsinghap ang maririnig sa lahat. Mga nangagkatakot sa maaaring maganap kung hindi malulunasan kaagad.

”Kailangang ipagbigay alam kaagad ito sa Mahal na Datu!” sigaw ng ilan.

”Tama!” sang-ayon ng lahat.

”Isang babae—

"Ang?” nakakapagpigil-hiningang tanong ng lahat

”Isang Babae ang tatapos sa buhay ng ating Mahal na Datu.” sagot ng Punong Babaylan.

”Sino s’ya Punong Babaylan? Nakita mo ba ang kanyang wangis? Nagpakita ba ito sa iyong persepsyon?

”Hindi,” sagot ng Punong Babaylan.

----

*kinjoe👊

Almost a fairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon