[Datu]
Nanghihinang napaupo ako sa lapag habang pinagmamasdan ang dalagang nakahiga na sa aking kama.
Matapos kong sagipin sa ilog ay dinala ko dito sa aking silid, dahil hindi ko alam kung saan ang kanyang tinutuluyan at masyado ng gabi para mang-abala pa ng mga bantay, kung kaya’t dito ko na lamang napagpasyahan na dalhin.
Binalot ko ng kumot ang kanyang katawan, ayokong dungisan ng kalapastanganan ang binibining walang kamalayan.
Base sa kanyang wangis, ito ang binibining gumambala sa aming pagpupulong. At nakatakdang parusahan ng kanyang amang sultan.
Sa mga naririnig kong mga usapan, sa lahat ng sultan sa aking nasasakupan ay ang ama ng binibining ito ang nangunguna sa pagiging istrikto at walang puso.
Maaari ko na ngang ituring na maging berdugo ng aming angkan.
Walang pinipiling estado kapag nakagawa ng kasalanan ay kanya agad papatawan ng kaparusahan.
Marami na rin akong nababalitaan ukol sa mga gawain ng sultan, ngunit wala akong kakayahan pigilan ang pamumuno sa kanyang nasasakupan para baguhin ang batas na ako rin mismo ang naglatag para sa bawat angkan.
----
Nagising ako sa ingay ng paligid, sabayan pa ng sigaw sa aking silid.
Pumaling ang aking tingin sa binibining nakaupo na nakayapos ang kumot sa buong katawan, na nagugulumihanan sa nangyayari.
”Bakit ako nandito?”nang mahimasmasan ay kanyang tanong.
”Magbihis ka, nariyan ang iyong bagong damit, pag-usapan natin ’to pagbalik ko, tila may kaguluhang nangyayari sa labas.” matapos kong sabihin ay lumabas na ako ng aking silid.
Agad na sumalubong ang aking mga kawal ng ako’y lumabas at nagbigay pugay.
”Anong nangyayari? Tila nagkakagulo ang lahat? Ngayon ang ating pag-alis papunta sa ating tribo diyata’t nakalimutan ninyo?” may otoridad na turan ko.
Lahat ng aking kawal ay lumuhod, humihingi ng kapatawaran. Bagaman nakaluhod, isang kawal ang nagbigay ng balita kung bakit nakaligtaan nila.
”Napag-utusan po kami ni Sultan Reino na suyudin ang kagubatan at hanapin ang bunsong prinsesa, diyata’t tumakas para sa kanyang kaparusahan.” anang kawal.
”Nakikinita ko nang mapait na kaparusahan ang haharapin ng bunsong prinsesa Mahal na Datu.” turan ni uno isa sa aking kanang kamay.
”Tama po kayo, dahil sarili ngang kapatid ng sultan ay pinatawan ng parusang kamatayan dahil lang sa nagkamali at kinuwesyon ang pamamalakad ng sultan sa kanilang tribo. Kaawa-awa.” susog naman ni dos.
”Kung may magagawa sana tayo para matulungan ang prinsesa, makabayad man lang ng utang na loob sa kabutihan n’yang nagawa sa atin kahit na isa tayong alipin.” tinig mula sa isang aliping naglalakad may kalapitan sa amin.
”Hindi pa man, naiiyak na ako at nakakaramdam ng awa para sa kanya.”turan pa ng kanyang kausap.
”Kamahalan nakahanda na po ang lahat para sa ating pag-alis.” napabaling ang aking pansin sa kawal na nangusap sa aking harapan, at nawalan ng kibo nang ilang segundo.
Nakagayak na ang lahat maliban sa akin na nananatiling nakatayo.
Isang humahangos na boses ang nagpabalik nang aking diwa. Ang dama ng binibining naroon sa aking silid.
”Mahal na Datu!” sabay luhod sa aking harapan, na animo’y humalik na sa lupa. ”Nakikiusap po ako tulungan mo po ang aking Binibini, parurusahan po s’ya ng kamatayan dahil sa pagtakas.”

BINABASA MO ANG
Almost a fairytale
Historical FictionAng pangarap ko talaga sa susunod kong buhay ay maging prinsesa, makapagasuot ng magagarang damit at mamahaling alahas. Pag aagawan ng duke at prinsipe, katulad ng sa nababasa kong mga novela. pero bakit pagmulat ng mata ko nasa isang tribo ako napa...