Labing-Isa

15 1 0
                                    


Napabalikwas ng bangon ang Binibini nang maalala ang mga naganap kagabi, mataas na ang araw mula sa siwang ng kanyang bintana.

”Tinanghali ako ng gising?!” agad na lumabas ito ng silid at tinakbo ang silid ng babaeng kanyang tinulungan kagabi, at hindi alintana ang kanyang kasuotan.

Nang makarating sa pakay na silid, agad n’ya itong tinulak para makapasok sa loob ng walang pakialam sa dadatnan.

”Kamusta na ang pakiramdam mo? Ok kana ba?” agad na tanong ni Raskreia, sinalat nito ang kanyang noo kung meron lagnat.

Sa kabutihang palad ay wala naman.

”Salamat naman at wala kang lagnat! Kumain kana ba?” isang tango na may halong pagkalito ang isinagot ng babae sa kanya.

”Maaari ko bang malaman ang ngalan mo? At kung napano ka? Malay mo matulungan kita/namin pala.” hindi maawat sa pagtatanong ang Binibini, nang isang tikhim ang gumulantang sa kanya.

Agad namang napalingon ang Binibini, para magulat lamang sa kanyag nasaksihan.

”Kalasag? Bakit nandito ag Berdugo?” sa mahinang tinig ay turan ni Raskreia, sapat lamang na tanging s’ya ang makaririnig.

Napabaling din ang tingin ni Raskreia sa dalawang kawal ng Berdugo at agad naman ito tumalikod ng tindig.

Nagtataka man ay ipinagwalang bahala naman ito ng dalaga.

”Ni hindi ka pa nga nakakapagpalit ng kasuotan, nagtungo kana agad dito?” may mumunting galit man ay hindi na ito alintana ni Raskreia sapagkat natuon ang kanyang atensyon sa balabal na inilagay ng Datu sa kanyang kabuuan.

”S-salamat at pasensya na, sige, munting Binibini magbibihis lang ako maya na tayo mag-usap.” turan ni Raskreia na tumatakbo na palabas ng silid.

Kung gaano kabilis na nakapasok si Raskreia sa silid ng babae, s’ya ring bilis din itong nakaalis.

Hindi pa man nakakatugon ang mga nasa loob ay
napagpasyahan ng Datu na sundan ang dalaga.

Naiwang natitigilan sina uno at dos, maging ang tatlong damang babae.

----

Inabutan ni Raskreia ang kanyang damang lalaki na inilalagay ang kanyang pamalit na damit sa kanyang kama.

”Umalis lang ako saglit para kumuha ng iyong makakain, gigisingin na sana kita pero pagbalik ko wala kana dito, saan ka na naman ba nagsusuot Binibini?” turan ng kanyang damang nag-aalala.

”Doon lang ako sa kabilang silid nagpunta, tiningnan ko yung babaeng ipinagamot ko sayo kagabi,”sagot ng kanyang Binibini.

”Ah, ngunit andun ang Berdugo, nauna pa nga s’yang pumunta doon at may kasamang pang dalawa. Nakita mo pa ba sila doon Binibini?” mahihinuha mo ang pag-aalala sa tinig ng kanyang dama habang binabanggit ang mga katagang iyon, bakas din ang takot sa boses nito.

Ang tanging alam ng kanyang dama ay isa itong utusan ng Datu, isang mamamatay tao. Wala sa hinagap nito na ang Datu ay ang Berdugo.

Tanging si Raskreia lamang ang nakatuklas ng sikreto ng Datu.

”Oo, nagkita kami.” sagot ni Raskreia.

Masusi s’yang pinagmasdan ng kanyang dama nang may matanto ito.

”B-binibini.... Ang balabal na yan? S-sa B-berdugo yan ah?! Bakit mo suot yan? Ano na naman bang kalokohan ang naisip mo Binibini?!” sa nagugulat na tinig ay anas nito.

”Kumalma ka aking dama, pinahiram ito sa akin ng Berdugo, wala akong ginawang kalokohan.”

Hindi pa man nakakasagot ang kanyang dama ay pumasok na sa silid ng Prinsesa ang taong kanilang pinag-uusapan.

Almost a fairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon