Una

23 2 0
                                    


Isang kahariang punong-puno ng nag-gagandahang proklemento. Matatamis na ngiti ang sumilay sa dalagang animo'y nawalan ng sariling bait.

Nag-gagandahang kalalakihan sa kanya ay lumapit, lalong lumaki ang kanyang ngiti.

Pagkat ang pangarap n’yang prinsepe ay narito sa kanyang harapan hindi lang isa kundi tatlong prinsepeng kay kikisig.

Maikukumpara sa bituin sa langit ang kislap ng kanyang mga mata, habang nakatitig sa mga kamay na nakaumang sa kanya upang maalalayan sa paglakad patungo sa kung saan man.

Ngunit isang pangyayari ang hindi inaasahan sa kanya, pagsikip ng dibdib ay kanyang naramdaman, animo’y kinakapos ng hangin.

Pilit mang abutin ang isa sa mga kamay na nakaumang ay wari bang ang hirap gawin.

Isang pagsingkap pa at tuluyan na syang nawalan ng hininga...

----

"Ahhh!"

"Binibini! Binibini!" Isang boses ang nagpabaling ng kanyang pansin mula sa habol na paghinga.

"Ako?"

Isang tango ang ginawa ng lalaki na nasa harapan nya.

"Bakit ka nakabahag?"

Isang naninibagong tingin ang iginawad sa kanya ng lalaking nasa kanyang harapan, na napalitan din agad ng pag-aalala.

"Salamat kay bathala at hindi ka n’ya pinabayaan, maaari bang ’wag ka nang maligo sa parteng may kalaliman ng ilog binibini? Ayoko pang mawalan ng buhay." Nakayukong turan ng lalaki.

"Maligo?" Nagtataka man sa tinuran ay dagli n’yang sinipat ang kanyang sarili, ganun na lamang ang kanyang pagtataka ng iba ang kanyang kasuotan at basa pa. "Sandali, sino ka ba? Bakit ganyan ang suot mo? Pati itong damit ko kakaiba? Nabuhay ako? Pero saan ako napunta? ’Di ba dapat andun ako sa unang panaginip ko? Panaginip ba ’to?"

"Hindi po ito isang panaginip, Paumahin po binibini, pahintulutan n’yo po akong hawakan ang noo mo." Ani ng lalaki.

Isang tango naman ang kanyang ganti.

"Mukhang may sinat ka binibini. Kailangan na nating umuwi."

Nagtataka man sa sitwasyong kinalalagyan ay nagpatianod na lamang sya.

Hindi n’ya maiwasan lumingap sa paligid habang tinatahak ang daan pauwi, ayon na rin sa lalaking kanyang kasama, dahil bago ito sa kanyang mga mata at talagang kakaiba.

Basi sa kanyang pagmamasid, ang klase ng kanyang damit ay kakaiba at mukhang may kaya sa buhay, hindi magarbo ngunit kita mo ang layo ng agwat ng kasuotan ng mga tao sa bawat kanyang maraanan at yumuyuko.

"Narito na po tayo binibini, pumasok na po kayo sa loob ng inyong silid at ikukuha ko kayo ng maisusuot, bago po tayo pumunta sa hapag."

Yumuko ng ilang saglit ang lalaki bago umalis.

Sinuri n’ya ng maigi ang silid na kanyang napuntahan. Mga gamit na kakaiba, may mga purong ginto at pilak na kasangkapan.

                                          ****

Her pov,

"Narito na po ang inyong kasuotan,binibini. Lalabas muna ako ng makapagbihis po kayo. Abisuhan n’yo nalang ako kung kayo’y tapos na at aayusan ko po kayo."
Muling pagyuko ng lalaki bago lisanin ang silid.

Matapos lumabas ng lalaki ay madali naman akong nagbihis. Kanina pa ako tapos magbihis pero may isang tela pa na parang damit na hawak ko pa kanina pa pero hindi ko alam pano isuot.

Almost a fairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon