Maagang nagising ang berdugo, lumabas ng silid at hinanap ang babaeng tinulungan ni Raskreia sapagkat hindi n’ya ito nasilayan nung nakaraan.
Nahinuha n’yang binigyan ito ng sariling silid ng prinsesa habang nagpapagaling.
Inabutan ng berdugo na kumain ang babae nang almusal, at pagkatapos pinainom ito ng gamot.
Bantay sarado din dahil may mga guwardya sa labas at loob ng silid.
Nagulat man ang mga damang nag asikaso sa babae dahil sa biglang pagdating ng berdugo ay nagawa pa rin nila itong batiin at bigyan ng mainit na maiinom.
Matapos magpasalamat ng berdugo ay naupo may kalapitan sa hinihigaan ng babae.
Maging ang babae ay nagugulumihanan kung bakit andito ang tinatawag nilang berdugo.
Simula ng magising s’ya at makita ito, madami na s’yang narinig na kwento ukol dito at talagang nakakapanindig balahibo.
”Pano ka napadpad sa aming tribo?” tinig na bumasag sa katahimikan ng silid.
”Kasi ho....
Ngunit bago pa man matapos ang sasabihin ng dalaga ay may ipo-ipong agad pumasok sa silid.
”Naku! Nakaligtaan kita kahapon, Hindi man lang kita nabisita, paumanhin munting binibini.” agarang bungad ni Raskreia na mahihinuha mong kagigising pa lamang dahil hindi pa nakakapagpalit ng kanyang kasuotang damit pantulog.
Umupo ito sa kamang kinahihigaan ng dalaga, at maingat na hinawakan ang mga kamay.
”Kamusta na ang pakiramdam mo? Nakapag almusal kana ba?” Tanong ni Raskreia.
”Oo, tapos na at nakainom na din ako ng gamot, maayos na din ang pakiramdam ko, maraming salamat sayo, Binibini.”
Madamdaming turan ng dalaga.”Walang anuman!”sagot ng prinsesa.
”Ugali mo ba talaga ang ganyan? Lalabas ng silid na hindi alintana ang kasuotan? Turan ng berdugo, Habang papalapit at inilalagay ang balabal sa katawan ni Raskreia
Agad na natigilan ang prinsesa sa narinig. At ganun na lamang ang pagkapahiya na naramdaman dahil sobrang nipis nga naman ng kanyang damit pantulog. Agad n’yang nayakap ang kanyang sarili.
Mabuti na lamang at simula ng pumasok ang dalaga sa silid at mamatan ng berdugo ang kasuotan ng dalaga ay agad n’yang binigyan ng hudyat ang mga guwardya na tumalikod.
Bago pa makakilos ang prinsesa at may mamutawing kataga ay binuhat na ito ng berdugo palabas ng silid, para ihatid sa sariling silid ng dalaga.
Ngunit bago pa man makarating doon ay nagpupumiglas na ang dalaga.
”Ibaba mo ako! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Alam mo bang kapangahasan ito? Naatim mong hawakan ang pagmamay-ari ng Datu?”
Turan ng prinsesa.Ibinaba naman ito ng berdugo, na tila walang narinig. At lumakad patungo sa sarili nitong silid.
...
Matapos makapagbihis, dala ang palaso at punyal, lumabas ang dalaga patungo sa kakahuyan.
Ni walang nakapansin sa kanya kahit na ang kanyang dama.
Dahil na rin sa inutusan n’ya ang bantay saglit sa tarangkahan na wala sa hinuha ng mga iyon na lalabas s’ya ng kanilang tahanan.
Sa kagubatan ibinuhos ng dalaga ang inis patungkol sa berdugo, iniisip nito na kung walang pahintulot ang Datu hindi ito magdadalawang isip na hawakan s’ya.
Lahat ng makita n’yang prutas na may kataasan ay kanya itong pinatatamaan ng palaso na walang mintis naman kung kanyang tamaan.
Magtatakip silim na nang maisipang bumalik sa kanyang tahanan ang prinsesa.
Inabutang n’yang nagkakagulo ang lahat, waring may hinahanap.
Nawala sa isip ng dalaga na baka s’ya ang may kagagawan ng malaking kaguluhan.
Pagbungad n’ya palang sa tarangkahan ay agad na pumanaog ang kanyang mga dama pati na ang mga kawal, mga nag aalalang mukha na mangiyak-yak pa ng bumungad sa kanya.
”Mahal na prinsesa!”sigaw ng lahat.
”Binibini! Ayos ka lamang ba? May sugat kaba?” Tanong ng kanyang dama, habang sinisipat kung may sugat ito sa katawan.
Alanganing ngiti ang ibinigay ng prinsesa sapagkat nahinuha n’yang s’ya nga ang may kagagawan ng munting kaguluhan.
”Ayos lamang ako, pasensya na kayo, pinag alala ko kayo. Nalingat ako sa kagubatan dahil na din sa kaaya-ayang kapaligiran.” turan ng prinsesa.
”Naiisip mo ba ang ginawa mo? Buhay mo ay katumabas ng buhay ng mga taong naririto, ganyan mo ba mahalin ang sinasabi mong nasasakupan mo?” may halong galit ang tinig ng berdugo.
Isang sulyap lang ang ibinigay ng prinsesa sa tinuran ng berdugo.
Nilapitan ng prinsesa at niyakap ang mga babaeng dama saka inayang tumayo.
”Tahan na! Pasensya na nawala sa isip ko na kayo ang mananagot kapag may nangyari sa akin sa labas ng tribo. Kahit na kaya ko naman ang sarili ko.” usual pa nito.
Mga tapik naman sa balikat ang ibinigay n’ya sa mga kawal maging sa kanyang lalaking dama.
”Salamat sa pag-aalala sa kapakanan ko, hayaan n’yo hindi na ito mauulit, magsasama na ako kapag aalis” habol pang turan ng prinsesa.
”Nga pala paki hugasan ang mga prutas na ito, aking dama at paghatian n’yo, bigyan n’yo nalang ako ng ilang piraso at pakihatid sa silid ko, salamat!”
”Masusunod, Binibini.”
....
Malalim na ang gabi nang maisipan ng prinsesa na lumabas ng silid para magpahangin.
”Saan ka na naman tutungo mahal na prinsesa? Malalim na ang gabi para saiyong kaalaman.” bungad ng berdugo sa gilid ng pinto.
”Uno o Dos?”
Tila nawalan ng sasabihin ang berdugo sa sagot ng dalaga, dahil malayo sa sagot nito sa kanyang katanungan.
Ilang segundo pa ang lumipas bago pa nito mawari kung anong nais ipahiwatig ng dalaga. Ang kanyang ngalan.
”Dos.” agarang namutawi sa kanya.
”Diyan lamang sa may hardin magpapahangin, kung gusto mo sumama ka, naiinis ako kaya wag mo akong pigilan kung ayaw mong tayo mismo ang magkagulo.” sagot ng prinsesa.
Tiwala naman ang berdugo na hindi na magliliwaliw pa ang prinsesa, Lalo pa’t muntik nang mapahamak lahat ng kanyang dama dahil sa kagagawan n’ya kanina.
Hinayana n’ya na lamang itong lumabas.
----
*Kinjoe👊
BINABASA MO ANG
Almost a fairytale
أدب تاريخيAng pangarap ko talaga sa susunod kong buhay ay maging prinsesa, makapagasuot ng magagarang damit at mamahaling alahas. Pag aagawan ng duke at prinsipe, katulad ng sa nababasa kong mga novela. pero bakit pagmulat ng mata ko nasa isang tribo ako napa...