Ashong
Pasipol sipol akong nakaharap sa basag na salamin sa lumang aparador habang panay ang pacute ko at patuloy na pagsuklay ng kulay tsokolate kong buhok na kakakulay kolang limang araw na ang nakalipas
Unang araw kasi ng klase namin ngayon sa isa sa malaki at pribadong eskwelahang papasukan namin ngayon, Nakatanggap kasi kaming magkakaibigan ng scholarship kaya hindi na kami nagpaka choosy pa,Guiliani High iyan ang pangalan ng sosyal na eskwelahanNag pogi sign ako sa harap ng salamin at inayos ang kwelyo ng magandang uniporme ko, sa wakas!bago at mabangong uniporme na ang masusuot ko hindi yung kupas at nag didilaw dilaw na ang kulay
Napailing iling ako habang nakatitig sa repleksyon ng sarili ko sa salamin
Ang gandang lalaki ko talaga!
Kung tao lang itong salamin ay matagal na itong inlove saakin
Ikaw ba naman makakita ng gwapong nilalang araw araw?
"Tabi nga dyan!di hamak na mas gwapo ako sayo ulol!" ani kinakapatid kong si Nat at malakas akong itinulak at halos masubsob ako sa lupa mabuti na nga lang naitukod kopa ang kaliwang kamay ko
Sya naman ngayon ang nakaharap sa salamin at nagpapacutePinagpagan ko ang sarili ko at inambaan ng batok ang gago!
Humalakhak lang ang loko at ipinakita sakin ang gitnang daliri nya.
Embryo palang yata ay magkaibigan na kami nitong si Nat at halos hindi na kami mapaghiwalay, hanggang ngayon sa iisang kama parin kami nakahiga ganun namin kamahal ang isa't isa, corny mang pakinggan pero totoo yun
Parehas na magkaibigan ang mga ermats namin, friendship goals ang mga ermats namin e parehas silang nagpabuntis sa walang kwentang lalaki kaya ang ending pagkaluwal saamin iniwan nalang kami kay Tandang Karding ang erpats ni ermats, ang Sabi ay magtratrabaho lang sila pero halos magbinata na kami miski isang sulat wala kaming natanggap, matagal naman na naming tanggap na inabando na kami ng mga magulang namin
Swerte nalang kami kahit gano kami kapilyo ay napag tyatyagaan parin kami ni Tandang Karding na syang nagsilbing magulang namin
Maswerte si Nat dahil matapos ng ilang taon biglang nagpakita ang ermats nya samantalang ako eto nganga!"Tangina sakit amputa! muntik mapuruan tong gwapo kong mukha!pag to nagkaroon ng gasgas lagot ka sakin!" singhal ko sa kanya at niyugyuyugyog ang balikat nya
"Tangina pag tong uniform ko nagusot burado yang mukha mo!" aniya na patuloy pagsalag sa ginagawa ko
Sinamantala nyang malapit ako sa kanya saka ako inambahan ng batok pero bago nya pa magawa ay may nauna na sa kanya
Parehas kaming nakatanggap ng malalakas na batok mula sa tigre este kay Mikay na kadadating lang
Halos malakas kopang narinig ang pagkalatok ng ulo namin ni Nat
"Tangina nyo!anong oras na putcha daig nyo pa babae sa bagal nyo kumilos" nakapamewang na bungad nya at sinuri kami mula ulo hanggang paa
Napatayo ako ng maayos ewan ko kung bat ako nakaramdam ng pagkailang sa titig nya
"Sarap naman ng agahan namin madam!piniritong batok malutong lutong pa" ani Nat nang makabawi sa pagkabatok ni Mikay
Napamura naman ako sa isip dahil sa kumento netong isa
Tangina!damay nanaman ako nyan! pinansin pa kasi ampota
Nanlaki ang mga mata ni Mikay sa narinig
"Baka gusto mong dagdagan ko yan ng unli sapak with crispy sampal?" matapang na sagot nito
" Wag mokong panlakihan ng mata madam di mo bagay nagmumukha kang tarsier hhahahha---aray aww a-awwww joke joke l-lang naman Mikay pogi ka este maganda ka" maluha luhang sigaw ni Nat matapos makatanggap ng tatlong sunod sunod na tadyak sa mukha
YOU ARE READING
Love In The Midst Of The Storm (Squad Series #1)
General FictionYra Zianah Guilliani is your typical badgirl with a high standards She's playful , she loves ruin everyone's peace Until she met Raven Nathaniel, the probinsyanong hampaslupa, ungentleman, at walang galang who will break her wall of standards a...