CHAPTER 59

439 8 0
                                    

Yra Zianah Guiliani

Things changed between us as time went on. I kept my word to Red and kept things strictly professional. I stayed focused on my job , only contacting him when necessary.

Nag inat inat ako at sumimsim sa mainit na kape na nakapatong sa mesa ko't isinandal ang likod ko sa swivel chair, nitong nakaraang araw ay madalas na akong antukin, tamarin at sumakit ang ulo ko, ewan koba! Siguro kailangan kolang ulit mag unwind dahil sunod sunod akong natatambakan ng trabaho ko.

Napangiti ako nang mabasa ang isang mensahe mula kay Hanz, agad naman akong nagtipa ng sagot sa kanya

From: Doc

Hi beautiful, wanna date?

To: Doc

Kinda busy rn :<

From: Doc

Oh come on , beautiful, kailangan mo ring mag unwind

Natawa na lamang ako dahil sa naging tugon niya,he never failed to make me laugh by his childishness, pinatay ko ang telepono ko at humikab.

"Red, what's my schedule for today?" tanong ko kay Red nang hindi siya tinitingnan, rubbing my eyes sleepily.

"You have a 9 am appointment with Mr. Makawa and at 3 pm, you have..." he paused, shuffling through his papers.

"Cancel my appointment with Mr. Makawa," I interrupted quickly
Siguro nga tama si Hanz na kailangan ko ring mag unwind

He raised an eyebrow, clearly puzzled. "We can't cancel it. It might be important?"

"I have a date," I blurted out, kataka takang nag iba ang reaksyon niya ngunit isiniwalang bahala kona iyon marahil ay guni guni kolang iyon
He muttered something under his breath, but I was too tired to catch it.

Nagising ako sa masarap na pagkakatulog ko dahil sa mahinang pagtapik sa braso ko, kahit na inaantok pa ay pinilit kong imulat ang aking  mga mata  at ang unang bumungad sa paningin ko ay ang nakangiting pagmumukha ni Hanz, nilibot ko ang paningin ko upang hanapin si Red ngunit lumaylay ang aking balikat nang hindi siya makita ng aking mga mata.

Tila tuluyang nagising ang diwa ko dahil sa kurot ni Hanz sa aking pisngi.

"Still sleepy?"  nakangiting tanong niya ngunit inikutan ko lamang siya ng aking mga mata at tumayo at pagpagan ang damit ko upang maunat ang mga gusot nito.
Sabay naming tinahak ang daan palabas at habang naglalakad kami ay nakakapit lang ako sa braso ni Hanz dahil pakiramdam ko ay mabubuwal ako dahil kanina pa ako naduduwal sa mabahong amoy na hindi ko malaman kung saan nanggagaling.
Laking pasasalamat ko na manhid ang kasama dahil kung hindi ay hindi nanaman ito magkamayaw sa kakatili na para bang isang babae,  daig pa ang babae sa sobrang OA, Kung hindi kolang talaga siya kilala ay aakalain kong isa siyang binabae.

Bago pa namin narating kung nasaan ang kotse ay agad akong humiwalay kay Hanz at marahas siyang tinulak saka dali daling tumakbo kung saan habang hawak hawak ang bibig ko upang pigilan ang sariling sumuka

Halos mailabas kona ata ang lahat ng kinain ko, mabuti't nahimasmasan ako matapos kong isuka ang lahat, naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Hanz sa likod ko at inabutan ako ng bottled water, kita ko sa mga mata niya ang pag aalala ngunit nginitian ko lamang siya upang iparating na ayos lang ako

"Are you okay? should we go to the hospital?" natatarant niyang tanong at dinukot sa bulsa niya ang kanyang telepono at nag dial ng numero ngunit kaagad kong inagaw sa kanya ang telepono.

"I'm fine, I'm just stressed, tambak talaga ako nitong nakaraang linggo" sagot ko at inimumog ang tubig saka ito idinura sa gilid.

"Ayan! Ayan na nga ang sinasabi ko e! Kailangan mona talagang mag unwind! Puro ka kasi trabaho akala mo naman talaga maraming anak na binubuhay e!"  panenermon niya saakin at inalalayan akong pumasok sa kotse.

 Love In The Midst Of The Storm (Squad Series #1)Where stories live. Discover now