CHAPTER 36

151 24 0
                                    


Two days had passed since the dreadful incident, pumapasok narin si Drake and that's great, sa loob ng dalawang araw ay madaming nagbago, me and Drake become distant to each other, I must say that our friendship started falling apart

Ashong tried to engage him in conversation, but his responses were cold
I watched him from afar, my heart heavy with sorrow and confusion. The Drake I knew seemed like a distant memory, replaced by a cold and distant figure. His eyes, once filled with warmth and kindness, sending shivers down my spine whenever our gazes met.
Drake's aura grew darker with each passing day, as if a shadow had enveloped his very soul.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng kung ano ano nang bigla na lamang akong nakaramdam ng may pumitik sa noo ko, tila nabalik naman ako sa ulirat dahil doon

I looked at Raven and gave him a death glare, he was smirking.

"Arat na?" pag aaya niya

Inirapan ko lang siya at padabog na tumayo, lihim naman akong napangiti dahil doon
Sa loob lang din ng dalawang araw ay mas lalo kaming naging malapit ni Raven sa isa't isa though I still find him annoying, mas lalong lumala na ngayon ang pang aasar niya

"Drakeskieee you're not coming with us?" inosenteng tanong ni Sheki at kumapit pa ito sa braso ni Drake
Tila wala pa itong nalalaman tungkol sa nangyari

Drake just gave him a cold stare, iniwas niya ang tingin kay Sheki saka ito tumingin saakin

"Sure let's go?" pag aaya niya ngunit habang sinasambit niya ang mga salitang iyon ay saakin siya nakatitig, naputol ang pagtititigan namin ni Drake dahil may isang malapad na likod ang pumagitna saamin dahilan para mawala siya sa paningin ko.

"Yown!!" masayang sigaw ni Ashong at inakbayan si Drake "libre mo ba?"

Drake just noded.

"Bitch let's go!!!"sigaw ni Sheki, nauna ng lumabas si Ashong habang akbay akbay si Mikay, ngayon kolang din napagtanto na ako nalang ang hinihintay

"H-ha?" iyon nalang ang tanging nasagot ko.

"Raven, bitch let's go" muling sigaw ni Sheki while looking at us confusedly

"Ah-" before I could finish my words ay naramdaman ko nalang na may umakbay na saakin, it was Raven

"Una na kayo, may gagawin lang kami" ani Raven, napangisi naman si Sheki at binigyan ako ng mapang asar na tingin, she shrugged her shoulders and dragged Drake with her, bago pa sila mawala sa paningin ko ay kita ko ang pagdilim ng aura ni Drake ngunit hindi kona ito binigyan pa ng pansin
Katahimikan ang bumalot sa buong paligid ngayong kaming dalawa nalang ang naiwan

We both cleared our throat.

"Ano???" pagsisimula ko para naman kahit papaano ay hindi mapanis ang laway ko sa lalaking ito!

"huwag mo'kong maano ano dyan! Banatan kita diyan e" sagot niya pabalik at isinukbit sa kanang balikat ang itim na jansport niyang bag

I crossed my arms against my chest.

"Alam mo para kang sunrise, masyado kang pasik-" pagsisimula ko, ngunit hindi kona itinuloy ang balak ko, knowing Raven baka barahin lang niya ito

Napatingin naman siya saakin habang nakakunot ang noo kalauna'y biglang napangisi, swabe niyang hinawi ang buhok niya at nag pogi pose sa harap ko

"dahil ba every time you see me, your world lights up?" sagot niya at patuloy parin akong binibigyan ng mapang asar na tingin, natampal ko nalang ang noo ko dahil sa naging sagot niya

I gritted my teeth at nakasimangot na nagmarsta palabas, mula sa likod ko ay rinig ko ang malalakas na yabag ng paa niya

"Hoy san punta??" sigaw niya at hingal na hingal na humabol saakin ngunit hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko namalayang sa nasa parking lot na ako nadala ng mga paa ko, narating ko ang sasakyan ko at kinalkal ang bag ko upang hanapin ang susi ng sasakyan ko, ngunit halos itaob kona ang buong bag ko ay hindi ko parin ito mahanap, sinubukan kona ring kapkapin ang bulsa ng skirt ko ngunit hindi ko talaga ito mahagilap
Nakarinig ako ng mahinang tawa mula sa gilid ko, napataas ang kilay ko nang mabungaran si Raven na nakasandal sa sasakyan ko na animo'y isang maimpluwensiyang tao

 Love In The Midst Of The Storm (Squad Series #1)Where stories live. Discover now