Unti unti kong iminulat ang mga mata ko, as usual, puting kisame agad ang bumungad saakin, napadaing ako dahil hanggang ngayon ay masakit parin ang tahi ko
Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at bumungad saakin ang isang nars at madalian akong in-examine, ilang sandali lang ay nagpaalam nadin siyaNahilot ko ang sintido ko dahil muli itong nanakit
Napabalikwas ako ng bangon maalala ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay, nanginginig ang mga kamay kong inabot ang cellphone ko para kontakin si Yra, gusto kong ipaliwanag sa kanya ang lahat, ngunit bago kopa siya matawagan ay sunod sunod na text at tawag ang natanggap ko mula kay Ashong.
At heto nanaman ang kakaibang nararamdaman ko, bigla bigla nalang kumakalabog malakas ang dibdib ko.Halos gumuho ang pagkatao ko nang mabasa ang nilalaman ng text message mula kay Ashong
Naihilamos ko nalang ang palad ko sa mukha ko dahil sa labis na galit pero kahit ganon ay nangingibabaw parin ang sakit"AHHHHHHH" hindi kona mapigilang sumigaw at inihagis nalang kung saan ang hawak kong cellphone, galit ako, galit na galit ako sa sarili ko, sising sisi ako, kung hindi ako pinanghinaan ng loob sana nahabol ko siya, walang ibang pwedeng sisihin kundi ako lang
Gusto kong magwala, sirain lahat ng bagay na nasa harapan ko ngunit may mababago ba kapag ginawa ko yun?maililigtas koba si Yra kapag ginawa ko yun?
Bumaluktot ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko, napaka walang kwenta ko! Hindi manlang magawang iligtas ang taong mahal ko, nangako ako sa ama niyang hindi ko siya papabayaan, nangako akong mamahalin siyaNangako?
Napatigil ako sa pag iyak nang pumasok ang salitang iyon sa utak ko, tila nabalik ako sa ulirat nang dahil doon, kaya naman pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo, inayos ang sarili at tinungo ang pinto
tama!nangako ako!
Huminga muna ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko
Ngunit bago pa ako makatapak palabas sa pinto ay isang tao ang humawak sa pulso ko dahilan para hindi matuloy ang balak ko"Where do you think you're going?" mababahid sa tono ng boses niya ang galit
Napaatras ako dahil sa matinding takot, Hindi ko maipaliwanag pero hindi ko gusto ang nakikita kong awra sa kanya, madilim,napakadilim
"K-kuya" utal na sagot ko at pilit na kinakalas ang pulso ko sa mahigpit niyang hawak
"You're not going anywhere Raven" dugtong pa niya, mabuti nalang ay medyo mahinahon na ang pagkakasabi nya, habang mas lalo kong pilit na kinakalas ang pulso ko ay mas lalo pa nitong hinihigpitan kaya naman hindi kona maiwasang mapadaing.
"bitawan mo'ko, kailangan ako ni Yra" sagot ko at tinapatan ang nakakatakot niyang awra
Tumawa siya na parang baliw.
"I told you to stay away from her, napakatigas talaga ng ulo mo" pangangaral niya saakin ngunit hindi ko siya pinakinggan, ginamit ko ang isa kong kamay upang itulak siya, desidido akong iligtas si Yra
Mahahalata sa mukha niya wala siyang balak na hayaan akong umalis, sa pagkakataong ito ay wala akong maisip na ibang paraan para makaalis dahil masyadong mahina ang katawan ko para makipagsuntukan sa kanya, wala akong choice kundi gamitin ang nag iisang alas ko
Napapikit ako bago ko ito gawin, ito ang unang beses na gagawin ko ito sa tanang buhay ko, para kay Yra handa kong gawin ang lahat
Nag ipon na muna ako ng sapat na lakas bago lumuhod sa harap niya, nagulat siya dahil sa ginawa ko at lumambot ang eskpresyon ng mukha niya"kuya parang awa mona, hayaan mo akong iligtas si Yra, hayaan mo akong iligtas sya pagkatapos nito ay susundin ko lahat ng gusto mo" pagmamakaawa ko, hindi kona rin mapigilang umiyak habang sinasambit ang mga salitang iyon
YOU ARE READING
Love In The Midst Of The Storm (Squad Series #1)
Fiksi UmumYra Zianah Guilliani is your typical badgirl with a high standards She's playful , she loves ruin everyone's peace Until she met Raven Nathaniel, the probinsyanong hampaslupa, ungentleman, at walang galang who will break her wall of standards a...