Chapter 6

22.5K 1K 210
                                    



(Adele Medina POV)


Nag-umaga na. Ganitong oras ay may mga pamilya at kamag-anak nang nagsisidalaw sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Para sa unang lecture ni Sandra, nagpasya kaming mag-hunting—hindi pa haunting—sa buong sementeryo. Feeling tour guide ang kaloka-like ni Sadako habang nili-lead niya ang way sa best tourist spot.

Hindi nagtagal, nakatagpo na rin kami ng pagpa-praktisan—o bibiktimahan. Isang pamilya sila na nasa isang mausoleum ng mukhang pang-mayaman.

"Ang first lesson natin, ipapakita ko sa inyo kung paano ipapaalam sa mga buhay na nandito tayo. Ipararamdam natin sa kanila ang ating mga presensya."

Nag-'eenie meenie miney mo' pa muna siya upang piliin kung alin sa mga myembro ng pamilyang iyon ang una niyang bibiktimahin. Isang dalagang mukhang walang pakialam at kilig na kilig pa sa ka-text nito ang kanyang napiling pam-buena mano.

"Landi pa more, bruha ka. Yari ka saakin."

Lumapit si Sandra sa tinawag niyang malanding bruha na 'yun at biglang nag-Power Ranger pose!

"O kayo dyan, watch and learn!"

Akala ko may gagawin na siyang ritwal na dadaig 'dun sa ginawa ng mga mongheng nagkasal saamin ni Louie. 'Yun pala, katutubo dance lang ang gagawin niya habang ang kamay ay unti-unting lumalapit para himasin ang braso ng biktima.

Habang pinapanood siya, sabay na kami ni Louie na napatakip ng bibig dahil sa pagpipigil ng tawa. Nakaka-suffocate, grabe! Pang-horror-comedy rin 'tong si Sandra eh! Wagas talaga!

Pero kapansin-pansin naman ang epekto ng ginagawa niya. Naramdaman ng biktima ang kanyang paghimas at nanindig ang mga balahibo nito. Ngunit mas pinili lamang nitong ipagpatuloy ang kalandian sa pagti-text kaya hindi niya masyadong pinansin ang nangyari.

Mas lalong lumapad ang ngiti ni Sandra. Level one pa lamang 'yun.

Bigla niyang pinuno ng hangin ang bibig at halos magkandaduling-duling nang hipanin niya sa bandang batok ang biktima. At ang panapos niyang move, animo'y nag-dive siya sa hangin upang tumagos sa katawan ng dalaga.

Sa pagkakataong iyon, iba na talaga ang naramdaman ng biktima. Halatang nagulat at napatayo na lang sa takot, "Oh my gosh! Naramdaman niyo ba 'yun? Biglang... biglang lumamig!"

Inirapan naman siya ng mga kasama niya, "Weh! Nananakot ka pa eh!"

"Hindi talaga! Nagtaasan nga balahibo ko oh! Gosh! Nakakakilabot!"

"Baka dahil dyan sa malandi mong ka-text!"

"Oo nga. Sino bang hindi kikilabutan sa ganyan!"

Sobrang na-elibs naman kami ni Louie sa ginawa ni Sandra. Napapalakpak talaga kami at kulang na lang, sabugan namin siya ng confetti. Pakaway-kaway naman siya with her imaginary audience, akala mo nanalo talaga ng award.

Tuloy sa lecture, "Tayong mga kaluluwa, dahil wala naman na tayong pisikal na katawan, tanging enerhiya na lamang ang nailalabas natin. At dahil sa enerhiya natin kaya nagagawa nating impluwensyahan ang lamig ng paligid!"

Saka siya sumayaw ng Macarena in slow-mo version para ipakita ang bawat indayog ng mga kamay at kembot niya. May kasabay pa itong malalim na paghinga kaya namumukhang goldfish na ang itsura niya.

 "The more na feel na feel mo ang ginagawa mo, the more na mas maiimpluwensyahan mo ang paligid! Keber lang ano mang maging itsura mo! Ang mahalaga, effective!"

Match Made After Life ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon