Chapter 7

22K 953 167
                                    


(Adele Medina POV)


"Isa pang paraan ng pagpaparamdam at pinaka-epektibo rin ay ang pagsitsit, pagbulong at pag-iyak natin."

Ito ang second lesson ni Sandra para saamin. Pero hindi na lang siya si Sadako ngayon, feel na rin niyang mag-Lola Basyang at nag-kwento bilang example.

"Imagine this, maghahatinggabi na, mag-isa ka sa kwarto at nagbabasa ng horror story dahil kunwari matapang ka. Kaso may sumitsit. Impossible namang galing sa labas dahil nasa isang sarado at kulob na kwarto ka. Tulog na rin ang mga tao sa buong bahay niyo kaya naisip mo, baka guni-guni mo lang. Ngunit mayamaya, may mahinang boses kang naririnig sa kabilang tainga mo. Hindi ito gawa-gawa lang ng utak mo. Boses ng babaeng hindi pamilyar sa 'yo. Paulit-ulit lang ang bulong nito, 'Tulungan mo ako, hanapin mo ang pumatay saakin.Tulungan mo ako, hanapin mo ang pumatay saakin. Tulungan mo ako, hanapin mo ang pumatay saakin.' At habang tumatagal, palakas na ng palakas pagsusumamo niya. Lumamig na rin ang paligid. Nagsimulang magpatay-sindi ang ilaw sa loob ng kwarto mo. At nang tuluyang bumalot ang dilim, nanindig ang mga balahibo mo dahil bigla na lang itong humagulgol sabay sabing—"

"Aaaaaaaaah! Ayoko na! Tama na, Sandra!"

Ang sarap hambalusin ni Louie. Damang-dama ko na ang intensity sa kwento ni Sandra kaso bigla siyang sumigaw ng ganun—ay hindi pala sigaw kundi tili ang ginawa niya. Pasalamat siya cute siya!

"See? Kinukwento ko pa lang, nakakatakot na ang dating, 'di ba?"

"May tanong lang ako, Sandra!" singit ko naman. "Eh bakit 'nung pinipigilan ko 'yung kuya nito," tinuro ko si Louie dahil ang tinutukoy ko ay si Xian, "At kahit anong sigaw pa ang gawin ko doon sa mga kasamang magnanakaw at pati na rin sa mga monghe, hindi naman nila ako narinig. I swear, ang lakas na ng boses ko 'nun!"

"Kadalasan kasi, kailangan ng mga tao 'yung mga voice recorder at kung anu-ano pang gadgets para marinig nila ang sinasabi natin. Pero ang totoong technique lang talaga para marinig nila tayo ng mas malinaw ay dapat parang tulad sa pagkanta. Kailangan galing sa diaphragm! It's called diaphragmatic breathing and speaking!"

Wow! Kumu-Kuya Kim naman ngayon si Sandra sa mga terms! Galing dapat sa diaphragm.

Para raw mas lubusan naming maintindihan, kailangan namin ulit ng maghanap ng mabibiktima.

And the best time to perform this ay kapag malapit na raw mag-gabi so hinintay naming lumubog ang araw. Maganda rin daw na sa labas naman kami ng sementeryo maghahasik ng lagim.

Sa aming paglabas, madali ring nakahanap ng target niya si Sandra. Isang sinamang-palad na takatak boy na naghihintay ngayon ng customer at nakaupo sa may gilid ng kalsada ang bet niyang pag-praktisan ngayon.

Bago magsimula si Sandra sa kanyang isa na namang award winning horror scene, nag-warm-up muna siya ng kanyang boses.

Mantakin mong ang pang-warm-up niya pa ay isang hebigat na opera song from Les Misérables! Nagka-goosebumps talaga kami dahil halimaw pala sa ganda ng boses niya. Mapapanganga ka na lang talaga!

May hindi pa ba kayang gawin si Sandra?

And then, she's ready. Kaso hindi naman pala kasing bongga ng warm-up niya kanina ang gagawin niya, "Psst! Psst!" sumitsit lang siya.

Napatayo naman ang takatak boy dahil akala niya'y may customer nang tinatawag siya para bumili. Ngunit nang lingunin niya ang paligid, wala naman siyang nakitang tao. Nagtataka at napakamot na lang sa kanyang ulo ang biktima.

Muli na itong naupo at nagsindi na lang ng isa sa mga itinitinda nitong sigarilyo. Saktong paglapit ni Sandra sa kanya, nagbuga ito ng usok.

Napikon yata si Sandra kahit alam naman niyang hindi siya nakikita 'nung tao. Nagdilim ang paningin nito at biglang bumulong na may garalgal na boses, "Manong... manong..."

"Si—sino ba 'yan!"

At dahan-dahang kinantahan ni Sandra ang biktima niya to the tune of 'Mamang Sorbetero', "Mamang takatak boy, anong ngalan mo? Tinda mong yosi, gustung-gusto ko. Wala ng buhay, binugahan mo. Sama ng loob, kaya nagmumulto!"

Pero matikas si takatak boy. Hindi siya papatalo at hindi basta-bastang magpapasindak.

Ngunit mas lalong hindi papatalo si Sandra. Nang maging seryoso na ang mukha niya, nagsilutangan ang kanyang mga buhok at kapansin-pansin ang paglamig sa buong paligid.

Kahit kami ni Louie na nanonood na lang, kinilabutan na nang magsimula siyang umiyak. Mahina pa nga noong una pero habang tumatagal, palakas na ng palakas ang pag-ngawa niya. Hindi na lang basta nakakatakot kundi nakakabingi na rin.

At lalong hindi namin in-expect ang biglang pagbabago ng boses niya. Naging malalim ito na para bang may sapi, "MANONG! KUNG AYAW MONG MAGBENTA NG YOSI, KALULUWA MO ANG KUKUNIN KO!!!"

Kumaripas na sa pagtakbo ang kawawa niyang biktima. Hala at naihi pa ito sa salawal niya at halos magkadapa-dapa na rin!

Humahalakhak si Sandra sa achievement niya. Pero nang  muli na niya kaming lingunin, "Adele? Bakit nag-iisa ka na lang? Nasaan na asawa mo?"

Aba'y walang hiyang duwag! Ngayon ko lang napansin na kumaripas na rin pala ng takbo si Louie dahil sa takot! "Hoy! Louie!"

"Ako nang bahala, girl!" mungkahi ni Sandra at siya na ang nag-prisintang maghabol. "LOUIE BOY!" gamit niya ulit ang may-sapi voice siya.

Mas lalo yatang natakot si Louie dahil sa mabilis na paggapang na ginawa ni Sandra habang hinahabol siya. Akala mo centipede na pumipitik-pitik pa ang mga buto!

"Gusto ko nang bumalik sa langit!" umiiyak na sigaw na lamang ni Louie.

* * *

Tinalian ni Sandra sa leeg si Louie gamit ang buhok niya para hindi na ito makatakas pa.

"Oha! Yan ang nagagawa ng nagvo-voice lesson muna bago manakot! Mayroon ba sainyo na sintunado o tone deaf? Baka mahirapan kayo sa lesson na ito!"

"Sabi ng Ate ko, pwede akong mag-audition sa The Voice kung wala lang sana akong sakit noon!" kampanteng sagot ko.

Napilitan namang sumagot din si Louie kahit hindi pa siya nakaka-recover sa trauma. "Ma—mataas din po ang nakukuha ko sa mga karaoke."

"O ganun naman pala! Sisiw na lang sa inyo ang lesson natin! Pero para ma-test talaga ang inyong vocal skills, 'wag kayong mag-practice dito sa tahimik na lugar."

Muli kaming isinama ni Sandra kung saan maraming tao at samu't sari ang ingay na maririnig mo. Hindi sa palengke, hindi sa kalye at lalong hindi sa classroom na wala ang teacher niyo—sa peryahan.

"Ang problema niyo sa lugar na ito, maingay, masaya at busy ang mga tao. Gawin niyo ang inyong makakaya upang magpapansin at maipaabot ang inyong mensahe kahit pa abala sila sa kani-kanyang gawain."

Infairness kay Sandra. May additional challenge na ring nalalaman. Pero nagkatinginan na lang kami ni Louie.Ipaparinig namin sa buong peryahan ang aming mga munting boses! Naks!

Pero seryoso, gagawin namin 'to? Sa peryahan talaga? First time ko lang nakarating sa ganito eh!


Match Made After Life ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon