Chapter 16

16.1K 846 96
                                    


(Adele Medina POV)


Nagbalik na nga si Louie. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap habang nagbubunyi naman sa may gilid namin si Sandra.

"Yehey! Welcome back, Louie boy! May continuation pa ang love story ng ghost couple!" At bumunot pa ito ng sangkaterbang damo para gawing confetti na isinabog sa amin! "I'm so happy! Magpapa-horror party ako!"

At masaya rin naman ako. As in super! Kaso hindi ko mapigilan na hindi mapatanong. Naitulak ko palayo si Louie, "Bakit nagbalik ka?"

"Ha? Um... hindi ka ba masaya?"

"Sagutin mo 'yung tanong ko!" tumaas na ang boses ko, "Pinalayas ka ba sa langit?"

Hindi agad nakasagot si Louie. Ginawa namang shield ni Sandra ang sariling buhok. "Ow, galit si misis. Sinayang mo raw kasi ang luha niya. Lagot ka, Louie boy."

"Luha? Iniyakan mo ako, Adele?"

"Hindi lang iyak! Hagulgol! Lupasay! Ganoong level!"

"SANDRA!"

"Oopsie! Wala na nga akong sinabi! At dahil away mag-asawa, aalis na muna ako para bigyan kayo ng space! Babush!" saka unti-unting naglaho sa hangin si Sandra para bigyan na kami ng pribadong oras.

Dahan-dahan namang lumapit sa akin si Louie, "Adele..."

Pero tinignan ko lang siya ng masama. "Ano na? May ginawa ka bang kalokohan kaya ka pinabalik dito?"

* * *

Ayon sa kwento ni Louie, napadpad na siya sa isang lugar na purong puti lang ang lahat. Alam niyang nasa langit na ulit siya dahil naririnig niya ulit ang mga anghel na nagkakantahan at hinahalina siya patungo sa isang tulay.

Tinahak niya raw ang tulay na ito. At pagdating niya sa dulo, isang nagliliwanag na imahe ang sumalubong sa kanya.

Noong mga oras na iyon, napaluhod at napaiyak na raw dahil alam niya na ang Diyos na ang kanyang kaharap. Pinapapasok na raw siya nito sa kanyang kaharian. 'Yun nga lang, bigla niya akong naalala.

Gustuhin man niyang tumawid na at malagay sa tahimik, hindi niya magawa dahil naiisip niya raw ang bawat minuto na magkasama kami. At naalala niya ang pangako niya sa akin.

"Humingi ako ng palugit kay Lord na makabalik dito para matupad ko ang pangako ko sa 'yo-ang sabay tayong makatawid."

Na-touched ako sa dahilan niya pero hindi ko rin naiwasan na malungkot. "Pero alam mo naman ang sitwasyon ko, 'di ba? Mayroon akong unfinished business na hindi ko kayang tuparin."

"Kaya nga nagbalik ako para tulungan kita."

"Pero Louie, ni hindi ko rin alam kung ano ang unfinished business ko. Nag-aalok ka na agad ng solusyon sa problemang hindi pa nga natin alam kung ano."

Biglang napabuntong-hininga si Louie, "Sigurado ka bang hindi mo alam o ayaw mo lang alalahanin?"

"Anong ibig mong sabihin?"

Naging seryoso ang ekpresyon ng kanyang mukha. "Natatakot kang alalahanin kasi ayaw mong mabigo."

Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko alam ang sasabihin. Natatakot nga ba ako?

Maraming beses na humiling at nagdasal ako noon sa Diyos ng mga bagay na gusto kong mangyari. Pero ni isa sa mga iyon, walang natupad. Hindi Niya dininig. Kaya nga marahil tama siya. Natatakot ako.

Natatakot akong aminin kung ano ang unfinished business ko dahil baka kapag hiniling kong mangyari 'yun, hindi pa rin tuparin ng Panginoon.

"Adele..." muli kong narinig ang boses ni Louie. Sa pagkakataon iton, naramdaman ko ang pagpatong ng kanyang kamay sa akin balikat. "Hindi mo na kailangang matakot. Nandito ako. Pinabalik ako ng Diyos para siguruhin na matutupad na kung ano man ang bagay na pinaka-gusto mong gawin noong nabubuhay ka pa."

Match Made After Life ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon