Chapter 15

16.3K 926 138
                                    


(Adele Medina POV)


Tapos na ang ritwal. Hiwalay na kami ni Louie. Nasa langit na siya ngayon. At naiwan na akong mag-isa.

Sobrang bilis ng mga pangyayari at ngayon nga, dapat na nilang ibalik ang bangkay ko sa aking tunay na libingan.

"Tatawagan ko na 'yung body-snatchers," suwestyon ng Mrs.Chua pero...

"No, mom!" pinigilan ito ni Xian. "Sa akin bumulong si Adele. Ako ang dapat na magbalik sa kanya." Saka siya lumapit at narinig ko ang pagbulong niya ng, "I'm really sorry. I'll make this right."

Dahil kampante naman na akong ibabalik ni Xian ang katawan ko doon sa sementeryo, nagpasya akong mapag-isa na lang muna. Parang gusto kong magmuni-muni. Mag-isip kung ano nang susunod kong gagawin ngayon bilang isang kaluluwa.

Lagpas hatinggabi na. May mangilan-ngilang tao pa rin sa paligid ngunit hindi naman nila ako nakikita. Gayon pa man, alam kong ramdam nila ang presensya ko dala na rin ng aking kalungkutan.

Nang mapadaan ako sa kalye kung saan nag-practice kami noon kasama si Sandra, nag-flashback sa utak ko ang eksenang nag-holding hands kami at nagkahiyaan.

"Pre, nakita mo ba 'yun?" isang tambay ang biglang namutla sa takot. "May dumaang babae tapos biglang nawala!"

"Putek! Sabi na nga ba, hindi ako namalik-mata lang!"

"MULTO!!!" sabay silang napatakbo paalis.

Sunod kong dinalaw ang convenience store kung saan kami ng nag-practice din ni Louie. Nagpunta ako doon sa spot kung saan nakapag heart-to-heart talk kami at mas lalo akong nalungkot. Hindi ko na nga alintana na nabubunggo ko na ang ilan sa mga paninda na naroon.

"Ma'am, may nagpaparamdam na naman sa store niyo!" ika ng bagong cashier. "Magre-resign na po ako!"

"Hindi na kailangan! Ipapasarado ko na talaga ang store na 'to!" bulalas naman ng store manager.

At noong mapadpad naman ako sa peryahan kung saan si Louie ang nagsilbing vocal instructor ko noon, mas lalo akong nalungkot. Nakaka-bitter pa na lahat ng mga tao rito ay masaya samantalang ako ay nalulumbay.

Pinatay ko nga ang main switch sa buong peryahan at pinanood ko silang magsigawan sa takot. Pero kahit ganun, hindi naman nabawasan ang lungkot. Hindi masayang manakot kung mag-isa lang ako.

* * *

Hanggang sa pagbabalik ko sementeryo, mga alaala ko kasama si Louie at naiisip ko. Nagfa-flashback sa akin ang lahat ng mga kalokohan namin sa puntong akala ko ay nakikita ko na ulit siya-pero guni-guni lang pala ang lahat.

Nahiga na lamang ako sa damuha. Madilim pa at kitang-kita ang nagkikislapang mga bituin sa langit.

'Ano na kayang ginagawa ni Louie ngayon sa langit?' naitanong ko sa sarili. 'Nakikita niya kaya ako ngayon? Naiisip pa kaya niya ako?' at napabuntong-hininga na lang ako.

Sandali akong pumikit dahil pakiramdam ko may tutulong luha na sa mga mata ko. Pero sa muli kong pagdilat, may mukhang nakaharap na sa akin.

"Adele!"

Napabangon ako sa gulat at nagka-untugan tuloy kami. "Sandra naman! Bakit bigla ka na lang sumusulpot!"

Tinawanan naman niya ako, "Ang ganda naman kasi ng emote mo rito, girl! Pang-music video lang ang peg! Pero bakit ka mag-isa? Nasaan ang asawa mo?"

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib dahil sa tanong niya. Naiiba ang kirot na ito na hindi ko maihahalintulad sa naranasan ko noong buhay pa ako. "Hindi ko na asawa si Louie. Hiwalay na kami," malamya kong sagot.

Match Made After Life ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon