(Adele Medina POV)
Sa gagawin naming horror act ni Louie, naiimagine ko nang hindi na Chua's Mansion ang itatawag sa bahay nila. Magiging Chua's Haunted Mansion na!
Palubog pa lamang ang araw nang simulan na namin ang palabas. Ang first target place ay ang kusina. Ang first victim ay si Manang El na mayordama daw nila na siyang kasamang nagpalaki sa kanya at sa kuya Xian niya, at ang isa pa nilang maingay na katulong na si Adora.
Habang busy ang mga ito sa paghahanda ng hapunan, isinagawa na rin namin ni Louie ang balak. Pinag-iba-iba namin ang pwesto ng ilang mga gamit na naroon.
Hind nagtagal, napansin na rin nila ang aming mga ginawa.
"Anak ng tokwa! Sinong namang pakelamerang nagbago ng mga pwesto dito!" saka niya tinignan ng masama si Adora. "Pati mga takip ng garapon, nawawala!"
Matapos pa nitong magkanaw ng kanyang niluluto, ipinuslit namin 'yung sandok na gamit niya.
"Anak ng! Adora! Nasaan na 'yung sandok na ginagamit ko?"
"Hala, Manang El naman! Nandito lang ako naghihiwa ng mga sangkap!" naririndi nang sagot ni Adora.
"Naghihiwa? Oh, eh nasaan na 'yung mga gulay na pinahihiwa ko para sa chopsuey?
"Heto lang po... hala!" Sa isang kisap-mata niya, naglaho ang mga gulay na nahati na niya. Ayun, naipuslit na rin namin nang hindi nila namamalayan. "Nasaan na 'yung mga gulay!"
Nagpanic na si Adora ngunit kinaltok naman siya ni Manang El. "Pinagloloko mo ba ako, Adora?"
Walang nagawa ang kawawang Adora kundi hanapin ang mga naglayas niyang gulay. At habang busy sila sa pagti-treasure hunt sa mga bagay na naitago namin, nakahanap naman ng tyempo si Louie na buhusan ng isang bote ng asin ang isa sa mga putaheng niluluto ni Manang El.
Hindi nagtagal, nahanap na rin naman ni Manang El ang mga nawawalang gulay at sandok sa loob ng freezer nila.
"Ito lang pala eh! Paano napunta ang mga 'to rito?"
"Wag niyo po akong sisihin, Manang El. Talagang hindi ako umalis sa pwesto ko mula pa kanina!"
"Ako rin naman!"
Biglang napa-sign of the cross si Adora, "Hindi kaya... hindi kaya nagmumulto po si Sir Lou—"
"Hep!" sinungalngal naman siya ng wagas ni Manang El. "Huwag kang magsasalita ng ganyan! Baka marinig ka nila ma'am!"
Pero parehong hindi nila maitago ang pagkabagag. Tawang-tawa kami ni Louie dahil mission accomplished!
* * *
Ang next target victim namin ay ang head of the family—ang Daddy ni Louie. Nasa home office na niya ito at busy sa mga inaaral na papeles mula sa trabaho.
Kumatok ako sa pintuan at dahan-dahan ko itong binuksan.
Halatang nagtaka naman agad ang Daddy ni Louie dahil bumukas nga ang pinto, wala namang taong pumasok, "Who's there?"
Nang walang sumgot, tumayo na siya at nagpunta sa pintuan. "Hon?" Sinilip niya ang labas ngunit wala siyang naabutan na kahit na sino.
Bago siya muling makabalik sa kanyang pwesto, dahan-dahan namang pinatay ni Louie ang aircon. Agad itong napansin ng kanyang Daddy ngunti bago pa man ito makapag-react ulit, hinawi ko naman 'yung mga papeles mula sa kanyang mesa kaya't nagkalat ito sa sahig.
Nanindig ang mga balahibo nito lalo pa't inakbayan siya ni Louie at saka bumulong, "Dad." Nang mapatulala na lang ito, alam na naming mission accomplished ulit kami ni Louie.
* * *
Ang third target namin ay ang Mommy niya. Nasa living room ito na nagri-relax at patinging-tingin lang sa magazine habang nakikinig sa classical music.
Pinatay ni Louie ang kanyang tugtog. Nagulat ang Mommy niya ngunit hindi agad naghinala.
Lumapit ako sa kanya at saka bumulong, "Mommy ni Louie."
Napatili ito ngunit napahiya rin dahil wala siyang nakitang ibang tao. Nagpasya na lamang siyang tumayo at i-on ulit ang music pero...
"Hindi namin kayo patatahimikin." bumulong ulit ako.
At kusa nang nag-on ulit ang music—but this time, 'yung favorite nang rock song ni Louie. Dala na ng matinding takot dahil sa kababalaghang ito kaya napatakbo na lang ang Mommy ni Louie.
* * *
Our last but not the least target, si Xian. Tahimik itong nakahiga ngayon sa kanyang kama at busy na nakaharap sa kanyang phone. Napangiti ako dahil ang cute lang niya habang seryoso siya pero nang tignan namin ang ginagawa niya, nagki-Candy Crush lang pala ito!
"Pareho sila ni Ate G na mahilig sa larong 'yan. Ano na kayang level niya?"
"Ehem! Adele, may misyon tayo, 'di ba?"
Minsan ang KJ din nitong si Baby Lou. Pero wala naman akong magagawa kundi hayaan siyang simulan ang pananakot sa kuya niya.
Nag-aparisyon si Louie sa may gilid at agad din naman itong napansin ni Xian. Napabangon nga ito ng wala sa oras. Halata sa nakakunot nitong noo ang pag-iisip niya kung guni-guni lang ba ang lahat.
Nagtungo kami sa walk-in close niya saka kami nagpalitan ng pagsitsit ni Louie. "Psst! Psst!"
Malakas pa ang loob ni Xian na sumilip doon, "Sino ba 'yan!" pasigaw nitong.
Itinulak ko siya papasok sa loob at si Louie ang nag-lock sa kanya sa loob. Nagsimula nang mangalampag ni Xian. "Hoy! Ano ba! Hindi magandang biro 'to ah!"
Pero hindi talaga biro ito! Lumutang si Louie upang luwagan ang bumbilya sa kisame upang kahit in-on ulit ito ni Xian ay hindi ito gumana.
Nagsimula na akong humagulgol. "Magnanakaw ka... magnanakaw ka ng katawan..." nanginginig-nginig pa ang boses ko.
Hindi na nakapagsalita pa si Xian. Ang cellphone na lang niya ang ginamit na ilaw sa madilim na kwarto. Pero dahil sa ginawa niya, mas naging creepy pa ang eksena.
Nang saktong maitapat niya ang ilaw sa salamin, doon ako nakuha ng tyempo para mag-aparisyon. Tumayo ako sa kanyang likuran at kunwari'y nanlilisik ang mga mata, "Magnanakaw ng katawan!" ibinulalas ko.
Nagsisigaw na siya sa takot. Sinira na rin niya ng tuluyan ang pinto ng walk-in closet niya para makatakbo palabas.
"Hwaaaaaaah! Aaaaaaaaaaaaaah! Multo! Multo!"
Pero parang ako yata 'yung mas na-shock sa nangyari. Magkasing-tinis sila ng tili ni Louie! Hindi maipagkakailang magkapatid nga sila!
"Ang galing natin!" papuri sa akin ni Louie. At makikipag-apir sana siya pero kailangang maibanat ko muna ito.
"Hindi na ako nagtataka kung bakit ang duwag mo," sabi ko sa kanya. "It runs in your family pala." saka ako nakipag-apir.
"Basag-trip ka rin, alam mo 'yun?" napipikon naman niyang sabi.
But wait! Hindi pa tapos ang lahat! Papunta na tayo sa climax ng horror show namin! Tamang-tama dahil siguradong sa mga oras na ito, nagsama-sama na ang buong pamilya Chua sa isang lugar!
BINABASA MO ANG
Match Made After Life ✔
Romance[PUBLISHED UNDER PSICOM: Available at all leading bookstores nationwide] ‘Where there is love, there is life.’ Pero paano makakahanap ng LOVE kung maagang nawalan ng LIFE?