Chapter 2

25.9K 1.1K 204
                                    


(Adele Medina POV)


Sa Manila Memorial Park, araw ng aking libing.

Kumpleto ang mga kamag-anak namin. Narito rin ang ilang sa mga family friends, co-workers ng parents ko at ilan sa aming kapit-bahay para makiramay at ipagdasal ang kaluluwa ko.

Matapos mag-alay ng tig-iisang puting bulaklak at kanya-kanyang dasal, binasa na ng pastor ang kanyang huling sermon mula sa Banal na Biblia: 1 Corinthians 15:42 - 15:44. 

"Ang katawang inilibing ay mabubulok, ngunit 'di mabubulok kailanman ang katawang muling binuhay. Ang pangit at mahina nang inilibing, maganda't malakas kapag muling nabuhay. Ang inilibing na katawang panlupa, muling mabubuhay bilang panlangit. Kung may katawang panlupa, mayroon ding katawang panlangit."

Yumuko na ang pastor at saka nag-alay ng huling dasal at pagkatapos noon ay binasbasan na niya ng holy water ang kabaong ko. "Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa, Adele Medina."

At sinundan ito ng lahat, "Sumalangit nawa."

Kung alam lang nila. Kung isa lang sana sa kanila ang may bukas na third-eye, malalaman nilang hindi pa rin ako sumasalangit. Umaasa ako na isa man lang sa kanila ang makatulong saakin na malagay na sa tahimik. Pero walang nakakakita o nakakarinig saakin. Wala silang kamuwang-muwang sa presensya ko.

Ibinaba na nila ang kabaong sa hukay at sinimulan nang tabunan ito ng lupa. Kasabay ng mas lumalakas nilang iyakan, napaisip naman ako.

Naging masama ba ako noong nabubuhay pa ako? Marahil nga dahil pinahirapan ko ang buong pamilya ko sa pag-aaruga nila saakin. Halos ubusin ko na nga ang pera namin dahil lang sa pagpapagamot ko.

Pero kung hindi sa langit, bakit kaya hindi rin ako bumagsak sa impyerno? Bakit kailangan kong maiwang mag-isa dito sa lupa na malungkot at nag-iisa?

* * *

Sumapit ang gabi. Nag-iisa na lang ako ngayon dito sa sementeryo. Hindi ko maiwan ang libingan ko. Iniisip ko rin kung ano na kayang lagay ng bangkay ko sa ilalim ng hukay. Nagsisimula na kaya akong maagnas? Ginagapang na kaya ako ng mga insekto?

I can check it and pass through this ground, kaso ayokong gawin. Naiisip ko kasi na baka sa pagsilip ko sa bangkay ko, bigla naman itong dumilat at tumingin saakin. Dyusme!

Biglang umihip ang malakas na hangin. Sinabayan pa ito ng creepy na tunog na ginagawa ng mga halaman at puno sa paligid. May poste ng ilaw sa may 'di kalayuan ang biglang nagpatay-sindi. Nang titigan ko ang direksyon na ito, nakakita ako ng isang puting pigura ng babae. Ang haba pa ng buhok nito na sadyang tumatakip sa kanyang buhok.

Napalunok na ako ng hangin. Napansin kong hindi nakatapak ang mga paa niya sa lupa at lumulutang na patungo sa direksyon ko. At habang papalapit siya ng papalapit, naririnig kong umuungol pa siya.

Mama ko po! Pwede pa ba akong matakot sa kapwa ko multo? Napakapit na nga lang ako sa damong inuupuan ko lalo na nang umangat ang kamay niya at duruin ako. At napapikit lang ako sandali pero bigla siyang naglaho sa hangin.

"Na—nasaan na 'yun?"

Kinakabahan ako kahit wala naman nang kumakabog na puso sa dibdib ko. Lumingon ako, kaliwa't kanan pero hindi ko siya matagpuan.

Nagtaasan na lang ang mga balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. "Uy! Bagong salta ka?"

Napagapang talaga ako palayo nang lingunin ko siya at magkatitigan kami ng nakatirik nitong mga mata. Kung buhay pa ako, malamang kanina pa ako inatake ulit sa puso! Kamukha niya si Sadako!

"Lumayas ka masamang espiritu! Layas! Layas!" nagsisigaw ako habang sumusuntok sa hangin. Hindi ko magawang tignan siya dahil malay ko ba kung biglang bumaliktad ang ulo niya!

"OA ka naman, girl! Pareho lang kaya tayo!"

Saka niya hinawi ang nakaharang na buhok sa mukha para hindi na ako matakot. Pero parang hindi naman nabawasan ang nakakatakot niyang aura! Nangibabaw ang maitim na kulay ng mga mata at eyebags niya tapos sobrang puti pa ng kanyang balat.

"Ayon nga sa kasabihan, birds of the same feather, flock together. That's why we should flock together dahil pareho na tayong multo, girl!" Sabay ngiti niya ng malaki... kaso may tumulong dugo mula sa bibig niya na agad din niyang pinunasan. "Ako nga pala si Sandra. Ikaw?"

"A—Adele Medina."

Sinilip ni Sandra ang lapida ng puntod na binabantayan ko. "Ikaw 'yan? Ang bata mo pa pala! Anong ikinamatay mo?"

"Sakit sa puso."

"Heart-broken? Tapos nag-suicide? Ganun?"

"Hindi! May congenital heart defect ako."

"Oww! Ano 'yun?"

Kanina medyo natatakot ako sa kanya pero ngayon, tuluyan nang nawala. Ikinuwento ko sa kanya ang tungkol sa sakit ko and in an instant, nagkaroon ako ng ghost friend sa katauhan niya.

"Naging mabuting bata ka naman pala at dahil lang sa sakit kaya ka namatay. Pero bakit hindi ka pa tumatawid sa langit?" tanong niya.

Napayuko naman ako, "Hindi ko rin alam... wala akong nakitang liwanag."

"Ay! May unfinished business ka, girl!"

"Eh ikaw? Bakit mukhang pakalat-kalat ka rin sa sementeryong ito?"

"Unfinished business din!" aniya. Kunwaring pinagpagan niya ang damo para tabihan na ako at siya naman ang sunod na nagkwento, "Alam mo kasi noong buhay pa ako, kamuntikan na akong maging artista. May talent agent na kumukuha saakin bilang white lady para sa isang movie! Kaso minalas at na-chugi ako bago nangyari 'yun. Dahil sa nabigong pangarap na 'yun kaya heto ako ngayon. Tinutupad ko lang ang na-udlot kong movie role!"

Natahimik ako sa kanyang kwento. Pero tingin ko mas maswerte pa rin siya. Alam niya kasi ang dahilan kung bakit nandito pa rin ang kaluluwa niya sa lupa samantalang ako, clueless pa rin kung bakit hindi ako makatawid sa kabilang-buhay.

Ano nga ba ang posibleng unfinished business ko? Ano ba ang hindi ko nagawa noong buhay pa ako?

Nag-isip ako ng mas malalim at mas lalo akong na-depress. Ang dami ko palang hindi nagawa noong nabubuhay pa ako dahil sa sakit ko. Kung nakakayaman siguro ang unfinished business, milyonarya na ako.

"Ang mabuti pa, sumama ka na lang saakin, Adele!"

"Saan?"

"Kung saan-saan! Gumala tayo tayo at tuturuan kitang manakot!"

"Hindi ko yata kayang gawin 'yun."

"Madali lang 'yun! At ang saya kaya!"

Napatingin ako sa puntod ko. Parang gusto ko ngang maranasan ang gumala pero hindi pa nga lang muna ngayon. "Hindi na muna siguro," pagtanggi ko. "Sa ngayon, babantayan ko na lang muna ang puntod ko."

"Wala namang magnanakaw dyan sa katawan mo ah!"

"Alam ko... pero sa susunod na lang ako sasama sayo."

Dahil alam ni Sandra na hindi na magbabago ang isip ko, "Psh! K, fine! Ikaw rin! Pero basta kapag nabagot ka na, just call my name and I'll be there!"

Dahan-dahang lumipad palayo si Sandra. Muli niyang iniharang ang buhok sa kanyang mukha at unti-unti ay naglaho na siya sa dilim.

Ang creepy niya. Pero sa pag-alis niya, muli kong naramdaman ang pag-iisa. Dapat siguro sumama na lang ako sa kanya na manakot.




Match Made After Life ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon