(Author's POV)
Hinati-hati na ng pamilya Medina at pamilya Chua ang mga kailangang trabahuin para tuparin ang inaasam na dream date ni Adele. Wala na silang sinayang pang oras at nagtungo na sa mga dapat nilang puntahan.
Naisip naman ni Louie na kailangang siya ang magbantay sa mga gagawin nilang paghahanda. "Maiwan ka na kasama ng Ate mo habang nag-aayos siya. Susundan ko lang sina Kuya."
"Eh pero kinakabahan ako sa gagawin kong pagsanib mamaya."
Iniangat naman ni Louie ang kamay niya upang ipatong sa balikat ni Adele. "Kaya mo 'yan! Ikaw pa! At tsaka kailangang magbantay ako sa mga gagawin nila para siguruhing walang magiging abirya 'to."
Bumuntong-hininga na lang si Adele, "Salamat ulit, Louie. Salamat sa pagtulong mo."
Napangiti na lang din si Louie ngunit hindi pareho ang ipinapakita ng kanyang mga mata. Napansin naman ito ni Adele ngunit hindi niya mapuna dahil rin naman siya sigurado.
At noong inakala niya na yayakapin siya nito, isang tapik lang sa balikat ang ibinigay ng binata.
"O sige na! Susundan ko na sila!" iyon ang huling sinabi ni Louie bago sila naghiwalay.
* * *
Ayon sa plano, magkasama ang mga ina nina Adele at Louie upang kumausap ng party planner.
"Mahilig si Adele sa mga lanterns at Christmas lights!" wika ni Mrs. Medina. "At tsaka bulaklak. Maraming-maraming white and pink flowers. Kaya niyo bang i-provide agad 'yun kahit mamayang gabi na?"
"Yes, ma'am. Kaso dahil rush po ito, medyo mapapamahal po kayo."
"Don't worry about the expenses!" sagot naman ng Mrs. Chua. "We just want this to be perfect for her daughter and my son."
"Paano nga pala ang venue? May nahanap na ba na katulad 'dun sa scrapbook?"
"Don't worry, for sure magagawaan na 'yun ng paraan ng asawa ko."
Samantala, ang magkasama naman ay ang mga ama nina Adele at Louie. Habang nagda-drive si Mr. Medina, may kausap naman sa kanyang phone si Mr. Chua.
"Yes, kumpadre. Sorry for the sudden notice but we really need to reserve the whole restaurant and then your hotel's rooftop." hiling ni Mr. Chua sa taong nasa kabilang linya ng telepono. "Yes? Yes, this is very important. Thank you, kumpadre!"
At nang matapos ang kanilang pag-uusap, animo'y nanalo sa lotto si Mr. Chua, "Okay na raw ang venue!"
"Mabuti naman." Laking tuwa rin ni Mr. Medina at ilang sandali pa ay natigil na rin siya sa pagda-drive. "Nandito na rin pala tayo."
Pagbaba nila pareho ng sasakyan, tumambad sa kanila ang isang tindahan ng mga fireworks. Nag-akbayan ang dalawa na akala mo ay mag-kumpadre na rin talaga.
* * *
Sa mansyon naman ng mga Chua, inisa-isang halughugin ni Louie ang bawat sulok ng bahay nila para hanapin ang isang mahalagang bagay. Kahit pa nagdulot ito ng panibagong lagim sa mga wala pa ring kamuwang-muwang na sina Manang El at Adora, patuloy na hinanap ni Louie ang bagay na iyon.
Nakarating siya sa kwarto ng kanyang mga magulang. Wala siyang pinatawad at kinalkal ang lahat ng drawers na makita niya hanggang sa wakas ay makakita na siya ng isang maliit na red box.
Binuksan niya ito at napangiti na lang, "Nandito ka lang pala."
Binitbit na ito ni Louie at saka pa lang nagtungo sa kwarto ng kapatid niyang si Xian. Inaasahan na nga niyang tapos na itong mag-ayos ngunit naabutan pa rin niya ito na nakatayo sa harap ng salamin at hindi pa rin nakakapag-bihis.
BINABASA MO ANG
Match Made After Life ✔
Romance[PUBLISHED UNDER PSICOM: Available at all leading bookstores nationwide] ‘Where there is love, there is life.’ Pero paano makakahanap ng LOVE kung maagang nawalan ng LIFE?