(Adele Medina POV)
Nang iwanan kami ni Sandra, sa isang convenience store na bukas 24/7 kami nagpunta ni Louie. Hatinggabi na so bihira na lang ang mga customers. Tanging mga inaantok na empleyado na lang din ang nasa paligid.
Nagwawala na kami sa loob ng store kaso walang nangyayari. Pilit na binubuksan ni Louie 'yung refrigerator pero tumatagos lang ang kamay niya. Ganun din ako sa mga naka-display na chichirya kaso wala namang nangyayari.
Kahit anong pilit namin sa pagko-concentrate, hindi namin ito magawa. Siguro nga ay inabot na kami ng halos isang oras.
"Ang hirap naman nito! Paano kaya ito nagagawa ni Sandra?" parang batang nagmumukmok si Louie na lumapit saakin. "Ikaw ba, may progress na?"
Umiling ako, "Wala pa rin eh." At saka ko pilit na pinagsisipa ang mga naka-display na products sa store pero lumusot lang ako patungo sa kabilang section. "Argh! Nakakainis na 'to!"
Napasalampak ako sa sahig. Lumusot rin si Louie para silipin ako at nang makita niya ang pwesto ko, tinabihan niya ako.
Pareho kaming natahimik. Medyo awkward, kulang na lang tunog ng kuliglig. Hindi rin naman nag-effort na magsalita si Louie so ako na lang ang unang bumasag ng katahimikan.
"Naka-ilang girlfriend ka noong buhay ka pa?"
"Bakit mo naman natanong?"
"Wala lang. Masama magtanong?"
"Masama magtanong na namimilosopo pa."
"Eh kung sinasagot mo na kasi agad ang tanong ko. Pabitin effect ka pa!"
Napailing siya pero hindi niya alam na napansin kong palihim din siyang napangiti.
"Isa lang." sagot niya. "High school pa ako 'nun at matagal na ring kaming break."
"Anong feeling?"
"Masaya. First love eh."
"Eh bakit kayo nag-break?"
"Kasi masakit din dahil hindi naman true love. Masyado pa kasi kaming mga bata 'nun." aniya na may kasamang titig saakin.
Hindi ko nga alam kung bakit bigla akong na-conscious sa tingin niya. Iba talaga ang dating kapag chinito. Alam mo na kahit parang ang talas ng tingin, may nakikita kang lambing. O baka feeling lang ako!
"Eh ikaw?" bigla naman niyang tinanong. "Sinong boyfriend mo?"
"Never akong nagka-boyfriend."
"Manliligaw?"
"Zero din."
"Pinagloloko mo ba ako?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Sa ganda mong—" bigla siyang napaubo. "I mean, weh? Wala kahit isa?"
"Wala talaga kasi bawal."
"Ah! Strict siguro sina tito at tita, noh?"
Wow! Tito at tita na agad ang tawag niya sa parents ko!
"Kasama na rin 'yun." sabi ko, "Pero bawal din kasi sa heart condition ko noon."
"May sakit ka sa puso?"
"Iyon ang dahilan ng pagkamatay ko."
Biglang naging seryoso ang paligid. Nakita ko na parang medyo nag-alangan si Louie pero ako na mismo ang nagkusa na mag-open up tutal ay palagay na rin naman ang loob ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Match Made After Life ✔
Romance[PUBLISHED UNDER PSICOM: Available at all leading bookstores nationwide] ‘Where there is love, there is life.’ Pero paano makakahanap ng LOVE kung maagang nawalan ng LIFE?