(Adele Medina POV)
Dahil na-master na rin namin ang paggamit ng willpower para galawin ang mga bagay-bagay sa paligid, muli na naming hinanap si Sandra. Natagpuan namin siyang mukhang high sa kalsada.
"Grabe, ang kisig niya. Those abs! Those chocolate abs! Ahihihi!" ang landi ni Sandra. Mukhang matindi ang nagawa niyang pag-chansing 'dun sa poging nakita namin sa kalsada. Pero imbes na maglaway siya, dugo 'yung lumalabas sa bibig at ilong niya.
"Uy Sandra!" Kinailangan na naming putulin ang kanyang pagpapantasya.
"Kayo pala, my favorite ghost couple! Kumusta ang pag-eensayo?"
"Nagagawa na namin!"
Upang magpakitang gilas, pumitas si Louie ng isang bulaklak sa may tabi. Tapos ibinigay niya ito saakin at nagawa ko naman itong hawak. Pagkatapos 'nun, ngumiti kami pareho at naghintay ng reaksyon niya.
"Wow! So hindi lang pala kayo nag-practice, nagligawan na rin kayo? May pabigay-bigay na ng flowers oh! Ahihihihihi!"
Seriously, kailan kaya magsasawa si Sandra sa panunukso sa amin? Pero kung noong umpisa, nahihiya kami, ngayon medyo nasasanay na rin. Napailing at natawa na nga lang kami.
"Ano nang next lesson natin?"
"Oo nga! Excited na kami!"
Mali yata na sinabi naming na-eexcite kami sa next lesson niya. Bigla kasi siyang yumuko at mahinang humagikhik, "Ahihihihihihihihi!" tapos may sariling buhay talaga ang buhok niya! Kusa itong tumakip sa kanyang mukha pero nakasilip pa rin ang isang mata niya. "Tara't bumalik na sa sementeryo!"
Naramdaman kong napakapit na naman saakin si Louie. Binulungan ko na lang siya para parehong palakasin ang loob namin, "Tatagan mo ang loob mo, Louie. Mairaraos natin 'to."
* * *
Tumuloy na kami pabalik sa sementeryo. Espesyal raw ang susunod niyang ituturo dahil kumbaga sa exams, ito ang finals namin. Kung sa boxing match, ito ang main event. Kung sa mga kwento, ito ang climax.
"Ang fourth and last lesson natin ay apparition. Ito rin ang favorite ko sa lahat!" excited na saad ni Sandra.
Ang hindi lang namin ma-gets, bakit kailangang nakapatiwarik siya sa ere? Isa na naman sa mga pauso niya?
"Tulad kung paano mo hahawakan o pagagalawin ang isang bagay, kung malakas ang willpower mo na magpakita sa mga tao, magagawa mo. Kaso mas nakakapagod rin 'to. Kaya nga kung mag-a-aparisyon ka na, dapat 'yung bigay-todo na! 'Yung pinaka-nakakatakot mong pose para maihi talaga sa takot ang biktima mo!"
"Paano namin malalaman kung nagiging visible na kami sa kanila?"
"Makakaramdam ka ng init mula rito." saka niya itinuro ang dibdib niya. "Parang mararamdaman mo ulit na buhay ka kahit sa sandaling segundo lang."
Pagkasabi niya 'nun, parang mas lalo nga kaming na-excite ni Louie. Kahit na ilang araw pa lang naman ang nakakalipas nang mamatay kami, nakakamiss ang pakiramdam na buhay ka.
"Anyway, gusto niyo ng sample?"
"Ay hindi na!" pinangunahan na agad ni Louie. Ang bilis sumagot!
"Sigurado ka, Louie boy?"
"Okay na kami ni Adele, 'di ba?" saka niya ako tinitigan, may hint ng pagmamakaawa na um-oo ako sa sinabi niya. "Willpower lang ulit at makakapag-aparisyon na kami!"
Bago pa man ako makapag-react, hinawakan na niya agad ang kamay ko at nagmamadali na sa binabalak niyang pagsibat!
"Let's go! Mag-practice na tayo ulit!"
BINABASA MO ANG
Match Made After Life ✔
Romance[PUBLISHED UNDER PSICOM: Available at all leading bookstores nationwide] ‘Where there is love, there is life.’ Pero paano makakahanap ng LOVE kung maagang nawalan ng LIFE?