MCL 5

52 4 0
                                    

Drake's POV







This week ay rest day pa namin and by friday, championship na. Ang bilis ng panahon. Mukhang wala na rin akong napapaiyak ah haha.

Naglalakad ako ngayon patungo sa field. Di rin naman gaano karami ang mga students rito, may mga klase siguro ang iba. Lakad lang ako ng lakad ng uminit na ay nagpasya akong pumunta sa rooftop ng building ng library. Kasi roon, presko at hindi mainit.

Pagbukas ko palang ng pinto ay may narinig na ako ng hagulgol ng iyak. Oy di ako nagpaiyak niyan ha. Dahan dahan lang akong pumasok at dahan dahan na sinarado ang pinto. Tumingin ako sa paligid and napatingin ako sa babae na nakayuko habang nakayakap sa mga binti niya.

"Papa" sambit niya habang humagulgol ng iyak. Tatalikod sana ako dahil doon ako sa kabila tatambay kaso, pagmay naghila ako akin. Pumunta ako sa may gilid niya pero may pader sa gitna namin. Di rin naman niya ako napansin kasi nakayuko siya.

"Papa" sambit niya ulit habang todo na umiiyak. Iyan lang din ang paulit-ulit niyang binabanggit. Nakatingala lang ako sa langit.

Wala akong ibang marinig kundi ang paghagulgol lang niya na walang tigil. Napatingin naman ako sa relo ko ng maglu-lunch time na pala. Grabe, tagal ko rito. Hindi na pala ako nakapasok sa ibang subjects ko. Tumayo na ako ng dahan dahan. Napatingin ako sa babae na ganun parin siya. Wala ba siyang balak na tumigil at tumayo na diyaan? Maglalakad na sana ako ng mapahinto ako. Hinugot ko ang panyo sa bulsa ko tsaka ko pinatong sa may ibabaw ng bag niya na hindi niya namamalayan.

Tinignan ko siya kahit nasa medyo malayo na ako sa kanya at ganon pa rin ang posisyon niya. Di niya parin ako na pansin kaya umalis na ako roon. Bago pa ako lumabas ng pinto ay tinignan ko siya ulit. Umayos na siya ng pagkakaupo at nagtaka siya na makita ang panyo na nasa ibabaw ng bag niya. Kinuha niya ito at nakita ko kung gaano ka pula ng pisngi at ilong niya sa kakaiyak but hindi ko masyado makita ang whole face niya talaga kasi natatakpan ng buhok paghumahangin. Bago pa siya tumingin sa gawi ko ay lumabas na ako at umalis na roon.

Andito ako ngayon sa lunch spot namin. Nagkukulitan ang mga gago pero ewan ko, ito ako iniisip iyong babaeng iyon. Okay na kaya siya? Ano kayang iniiyak niya kanina? Kumain na kaya iyon?

"Oy Hilton tahimik ka ata." Rinig kong tanong ni Arellano. Hmmm, I bet, hindi siya pumasok sa morning class niya.

"Bakit nga ba?" Rinig ko na patanong ni Stanford.

"Natae kaba?" Rinig ko na tanong naman ni Anderson. Binatukan naman siya ni Chen, kita ko kasi nasa harap ko sila pero hindi ko pinapansin.

"Gago ka, nasa hapagkainan tayo ganyan ang lumalabas sa bibig mo."

"Sorry na Chen." sabay peace sign ni Anderson kay Chen.

"Hoy Hilton!" Sabay palakpak ng malakas ni Stanford sa may mukha ko.

Bumuntong hininga ako at umiling. "Wala mga bro" walang ganang sabi ko. Nagkatinginan naman sila.

"Hala napaano ka?" takang tanong ni Anderson sa akin. Tinignan ko lang siya at ngayon ay tinutusok ang cherry tomato sa tinidor.

"You're not the usual Drake Hilton that we used to know." Rinig ko na sabi ni Stanford. Bumuntong hininga naman ako.

"Gutom lang siguro" sabi ko sabay kain.

"Baka nga bro hahah ito saiyo na pagkain ko. Paka energy ka ha." nakangiting sabi ni Anderson. Tinignan ko siya and umiling lang ako, ang ugok talaga nito.







---




Nasa bahay na ako pero iniisip ko parin iyong babae na iyon. Grabe, until now, siya parin iniisip ko. Whole afternoon ay blank space ako kahit naman present ako sa klase.

Oo, natutuwa ako pag may umiiyak na babae pero iyong ako mismo nagpaiyak. I also seen others girls cry especially iyong mga girl na naka attach sa mga gagong kaibigan ko. Yes, naaawa ako and naiinis dahil umiiyak sila sa gagong mga kaibigan ko. But that girl earlier, I didn't even know her or kung bakit siya umiiyak but that feeling na gusto mo siyang i-comfort. Kaso, how?

"Luh tulala ang gago." napatingin naman ako kay Anderson ng pumasok siya sa kuwarto. Welcome na welcome kasi kami sa kanya-kanyang bahay kaya anytime ay pwede na basta basta na pumasok.

"What are you doing here?" takang tanong ko. Gabi na, bakit andito ito?

"Alam mo naman, single kaya bored." sabi niya sabay tabi sa akin ng pagkakahiga.

"Gago kaba, single rin ako pero bored ba ako?"

Tinignan niya naman ako. "Di kaba bored sa hitsura mo na iyan?"

"May iniisip lang." sabi ko sabay tingin ulit sa kisame.

"Luh may isip ka pala bro?" nakangiting tanong niya. Hinampas ko naman siya ng unan.

"Hahah di nga, makikain lang naman ako eh." sabi niya.

"Yan ang lakas ng loob na mag condo mag isa pero 'di naman kayang magluto." sabi ko. Hinampas naman niya ako ng unan pabalik.

"Bakit ikaw? Marunong kaba magluto? Eh kain lang alam mo eh." sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Gago ka, pumunta ka lang rito para makikain tapos ganyan ka pa." sabi ko. Ngumiti naman siya.

"Sos, gaya gaya ka kay Chen eh hahah di bagay sa iyo Hilton."

"Umalis kana nga." pagtataboy ko sa kanya. Ayun lumabas na ng kuwarto ko pero sa kusina iyon pupunta. Gago iyon eh, pagkain pinunta non kaya di iyon aalis na hindi busog, hehe parang ako.









----








Keith's POV







Nakabihis na ako. Chine-check ko lang baka may nakalimutan ako. Napatingin naman ako sa panyo na kulay black na may initial letter na D.H at naka embroidery ito gamit ang kulay dilaw na sinulid.

Kanino kaya ito?

Nakita ko lang ito kahapon nakapatong sa ibabaw ng bag ko. Impossible naman na may tao roon sa rooftop eh wala naman akong napansin.

Kinuha ko na ito at nilagay sa loob ng bag ko. Ibang bag ang dala ko ngayon sa school.

Andito na ako ngayon sa klase ko.

DH? Sino namang kaklase ko na may initial name na DH. Tinignan ko naman ang mga kaklase ko.

Hmmm, wala naman eh.

Natawa naman ako dahil sa naisip ko. Baka hindi name initial ito noh. Baka sign ito na DH means Dear Husband?

Oy! Ayaw ko pang mag asawa hahah wala nga akong boyfriend o manliligaw eh hahah. Natatawa ako sa isip ko pero sa personal, hindi ko kayang matawa. Ang bigat parin sa damdamin.

My Crying LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon