Drake's POV
Andito ako ngayon sa bahay niya pero parang hindi talaga ako welcome. Nakaupo lang ako rito sa sofa habang siya ay nakatayo ngayon sa harap ko. Nakabihis na siya ng pambahay at ang sama ng tingin sa akin.
"Hindi talaga ako welcome noh?" tanong ko.
"Sino ba kasi nagpapasok saiyo?"
"Sarili ko." inirapan naman niya ako.
"And, hindi ka talaga umalis?"
"Why would I? Pinapaalis mo na ako?"
"Oo, actually, kanina pa kita pinapaalis."
I smile. "Sorry, ayaw ko. Dito na muna ako."
"Nakakainis ka!" Sabay upo niya sa tapat ng inuupuan ko.
"Laki naman ng bahay niyo pero parang ang boring dito." sabi ko habang tumingin-tingin sa paligid.
"Boring nga kaya makakaalis kana."
"Tinataboy mo ba ako?"
"Hindi, pinapaalis lang kita"
"Magkatulad lang iyon."
"So?" tinaasan niya ako ng kilay. Pinipigilan ko lang ang tumawa.
"Are you joking me?"
Tumingin ako sa kanya. "Cut it out, hindi bagay saiyo ang magtaray at magsungit."
"Ano?"
"Hindi ka marunong magtaray at magsungit kaya don't force yourself." Sabay iling ko and tumayo na ako tsaka lumapit sa kanya. "Aalis na ako." sabi ko.
Tumayo siya and pinagbuksan pa ako ng pinto kaya mas lalo akong napangiti.
"Next time, ako ang papuntahin mo rito para hindi ka boring." Sabi ko at nilampasan na siya.
Nakalabas na ako ng bahay nila at sumakay na ako sa kotse sabay kaway sa kanya.
-----
Nakarating na ako sa kanila and nagpark ako ngayon sa harap ng bahay niya. Bumaba na ako ng kotse and nagulat naman siyang makita ako dahil eksakto kakalabas lang niya ng pinto. Wala naman kasi silang gate hehe.
"Ganyan ba ako ka gwapo para magulat ka?"
Umirap siya sa akin. "Yuck! Your face."
"Aba't--"
"Where are you here?" takang tanong niya.
"Sabay na tayo papunta sa University." sabi ko. Umiling naman siya.
"No, may taxi naman and--"
"Magta-taxi ka habang ako na ang nagpresenta na sunduin ka?" inis na tanong ko.
"Galit ka?"
"Hindi, naiinis lang." sabi ko at sumakay na sa kotse ko. Nakita ko naman na umirap siya.
"Hindi naman kasi kita sinabihan na sunduin ako." sabi niya. I look at her ng nasa driver seat na.
"I said, ako mismo ang nagpresenta sa sarili ko na sunduin ka, gets mo?" sabi ko.
"Bakit kaba galit?" tanong niya.
"See you sa campus." sabi ko at nagmaneho na. Bakit nga ba ako galit? Gutom lang itom
Pagkarating ko sa university. Nagpark na ako and bumaba na ng kotse ko. Naglalakad ako ngayon dahil papunta sana ako ng cafeteria ng may babaeng bumangga sa akin.
