MCL 13

48 5 0
                                    

Drake's POV





Nagmamaneho ako ngayon habang siya ay nakatulog dahil sa kakaiyak niya kanina. Nakarating na ako sa amin pero hindi na ako pumasok sa loob ng gate dahil nakita ko na andiyaan ang kotse ni Mom and mukhang may bisita na naman siya dahil may ibang kotse na nakapark.

Kaya ito, nagmamaneho ako patungo sa Hawks Hotel. Tinawagan ko si Hawkins kanina na magche-check in ako and sinabi ko na kasama ko si Keith. Gago, inakala pa na may gagawin akong hindi mabuti kay Keith. I'm a good guy and hindi nanammantala ng isang iyaking babae.

Wala akong ibang mapuntahan kaysa naman makitulog ako sa ibang Lions tapos may babae akong dala. Mabuti may hotel ang isang kaibigan ko kaya makaka-discount o baka naman free lang hehe.

Nakapagpark na ako rito sa basement parking. Ginigising ko siya pero wala tulog talaga. Bumaba na ako ng kotse. Binuksan ko ang pinto ng passenger  at inalis ang seatbelt. Binuhat ko na siya and naglakad na patungo sa elevator.

Andito kami ngayon sa isang suite na nasa 18th floor. Hiniga ko na siya sa kama and kinumotan. Natingin naman ako sa kanya dahil pulang pula ang ilong niya, lalo na ang pisngi niya. Malakas pala ang pagsampal ng Mama niya sa kanya. Mukhang namaga tignan. Nagtingin ako baka may towel roon para basain ko at inilagay muna saglit sa loob mini ref tsaka ko pinatong sa pisngi niya.








----







(Door Bell)





"Hmmm" I groan dahil sa ingay ng door bell. Bumangon na ako sa sofa and naglakad patungo sa pinto habang naka half-sleep pa. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang isang hotelier.

"Good Morning Sir Drake, it's 8 o'clock and ito na po ang nirequest niyo."

Oo pala, kagabi palang ay nag request na ako ng breakfast for today and binilin ko na eh serve nila mga eight ng umaga na dahil maaga pa sa akin ang ala syete pero ngayon, maaga pa rin pala ang eight o'clock sa akin hehe.

Binuksan ko ng maluwag ang pinto at tinulak na niya ang rolling tray. Inayos rin niya ang mga ito sa ibabaw ng lamesa. Kumuha ako ng cash sa wallet ko sa binigay sa kanya pang tip.

"Thank you Sir." tumango lang ako at umalis na siya. Sinarado ko na ang pinto at naglakad patungo sa sofa para humiga ulit.

"Drake, oy Drake, gising"

I groan and dinilat ko ang isang mata ko.

"Hmmm?"

"Drake."

Tinignan ko siya ulit. "Keith"

"Asan tayo?" takang tanong niya.

"Nasa Hawks Hotel tayo." sabi ko at pumikit ulit. Anong oras naba?

"Hotel, nag stay tayo sa hotel?" tumango naman ako habang nakapikit ang mga mata ko.

"Bangon na diyan, kanina pa ako nagugutom." sabi niya.

"May pagkain diyan, kumain kana." sabi ko habang nakapikit pa rin.

"Sabayan mo kaya ako." sabi niya.

"Antok pa ako Keith." sabi ko. Hinawakan naman niya ang wrist ko at pinipilit akong bumangon.

"Sabayan mo na ako, andito ka naman. Tsaka kain kana rin." sabi niya. Bumangon na ako at tinignan siya. "Ayaw ko kumain mag isa." Sabi niya.

"Now you're smiling." sabi niya. Nagkibit balikat naman ako at naglakad na patungo sa may dining.

Bumangon na ako at lumapit sa kanya. "Hey, you're now okay?" tanong ko. Tinignan naman niya ako at nagkibit balikat siya. Hinawakan ko ang chin niya and pinaharap ko siya sa akin.

My Crying LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon