MCL 18

46 4 0
                                    

Keith's POV











Nagising na ako, pag tingin ko sa kabilang side ay wala siya. Asan na iyon?

Napatingin ako sa oras at mag aalas nyube na pala. Bumangon na ako at sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri ko.

"Drake" tawag ko sa kanya. Asan na ba iyon?

"Drake" sabay katok sa pinto malapit lang sa walk-in closet niya. Wala naman akong naririnig na ingay sa loob.

"Drake" tawag ko ulit. Magaling na ba iyon? Asa na siya?

Lumabas ako ng kuwarto. Asan nga ulit ang patungo sa hagdanan?

Lakad lang ako ng lakad ng mapahinto ako dahil may narinig akong nabasag. Hindi ako iyon ah.

"DRAKE!!!!" sigaw ng isang babae. Tumakbo ako ng mapahinto ulit ako sa hindi pa ako nakakarating sa may hagdanan. Nakatingin ako ngayon sa baba kung saan siya.

"GET OUT NOW!" bulyaw niya doon sa lalaki. Kumaripas naman ng takbo palabas ang lalaki.

"DRAKE! WHY DID YOU PUNCH HIM? HE DIDN'T DO ANYTHING---"

"CAN YOU PLEASE STOP MOM! NAKAKASUKA KA."  bulyaw niya sa ina niya.

"Hindi kita pinalaki ng walang modo Drake." galit na sabi nito. Nag smirk siya at matalim na nakatingin sa ina niya.

"Ikaw? Nagpalaki sa akin? Talaga?"

"DRAKE, MALI IYONG GINAWA MO!"

"HINDI MOM, MALI ANG GINAWA MO. YOUR SLEEPING DIFFERENT YOUNG GUYS. MINSAN KA EDAD KO, MINSAN BATA PA SA AKIN NG ILANG TAON O DIKA'Y MATANDA SA AKIN NG ILANG TAON, REALLY MOM?" sinampal naman siya ng ina niya.

"WALA NAMAN AKONG PAKIALAM SA IYO. ANG AKIN LANG, WAG MONG PATUNG-TUNGIN SA PAMAMAHAY NI DAD ANG MGA LALAKI MO. KAHIT SA GATE PA IYAN."

"Can you please stop talking about your Dad. Wala siya rito."

"Wala nga, ang laging tanong ko naman sa inyu is, asan siya? Mom, gusto ko lang makilala ang ama ko."

"Give it up Drake."

"Yan lang ang sasabihin mo sa akin Mom? Really? Ilang taon na ba ako? Hindi pa naman siguro siya patay ano? Mom, gusto ko lang siyang makilala o di kaya'y makita."

"I SAID, GIVE UP DRAKE. "

"MOM, IYAN LANG ANG GUSTO KO. BAKIT BA ANG HIRAP HIRAP SAIYO? HE IS STILL MY FATHER AND I'M HIS CHILD, I DESERVE TO MEET HIM. BAKIT? MAY IBANG PAMILYA BA SIYA? OKAY LANG, MAHILIG NAMAN AKONG MAKISAWSAW SA PAMILYA NG IBA. JUST TELL ME MOM!"

I pity him.

Hindi ko na alam kung bakit pero wala, tumakbo na ako patungo sa kanya. I hug him and hindi okay sa akin na umiiyak siya. Yes, he is crying. Drake Hilton is crying.

"Sino naman ang babaeng ito?" tanong ng Mom niya. Magsasalita sana ko ng ibaba ni Drake ang kamay ko na nakayakap sa kanya at humarap sa Mom niya.

"Bakit niyo tinatanong? At least ako matino ako."

"Drake!"

"Ma'am wag--"

"Don't talk to her." sabi niya sa akin. Tumingin siya sa ina niya. "Andito lang naman siya para alagaan ako dahil may sakit ako while kayo, andoon sa mga sugar baby niyo." sabay sampal ng ina niya sa kanya ulit.

"Ma'am tama na po." sabi ko. Hinawakan ni Drake ang kamay ko at hinila ako palabas ng bahay nila.

"Sakay" sabi niya. Hindi na ako nagsalita pa at sumakay nalang. Agad naman siyang nagmaneho and napapatingin ako sa pisngi niyang namumula.

Nakarating na kami sa bahay ko. Walang nagsasalita sa aming dalawa, bumaba na kami at pumasok na sa loob.

"Yaya, magluto ka ng kahit ano at damihan niyo na po" sabi ko. Tumango naman siya at naglakad na patungo sa kusina. Naglakad naman ako patungo sa terrace kung nasaan siya ngayon.

"Drake"

"Bababa lang naman sana ako para kumuha ng tubig but I just bump into a young guy na lumabas galing sa kuwarto ni Mom. And ano ba ang ginagawa sa loob ng kuwarto?" sabi niya habang nakatalikod sa akin.

"Bakit, nasa iisang kuwarto din naman tayo--"

"Pero wala tayong ginawa Keith." sabi niya sabay lingon sa akin. "You saw naman na naka bathrob pa ang ina ko."

"Drake, you must be--"

Umiling siya. "Lalaki ako Keith, kahit wala pa akong karanasan sa ganyan. Alam ko naman ang mga signs na galing kayo gumawa ng ganyan." sabi niya. Tumango naman ako, ayaw ko na siyang questionin.

"Wala akong pakialam kung anong gagawin niya sa sarili niya. Ang akin lang respetuhin niya ang pamamahay ni Dad."

"Bahay ng Dad mo iyong tinitirhan niyo?" tumango siya.

"Lolo said, doon nag live-in sina Mom and Dad, but hindi sila nagpakasal."

"Kahit picture lang ba, hindi mo nakita ang Dad mo?" tanong ko. Tumangosiya.

"Kahit nga pangalan niya hindi ko alam." malungkot na sabi niya. Bumuntong hininga siya tsaka ngumiti ng pilit sa akin.

"Sensya na, umiiyak pa ako sa harap--" umiling ako at niyakap na siya ulit.

"I'm sorry, how can I make you feel better?" tanong ko habang yakap siya.

"Just hug me and don't let me go." sabay yakap niya sa akin ng mahigpit. Napangiti naman ako.

"I'll let you go 'coz I can't breathe of course." sabi ko. Kumalas naman siya sa pagyakap sa akin. Nakaangkla pa ang kamay ko sa leeg niya.

"Hanggang ngayon, mapula parin ang pisngi mo." sabi ko habang nakatingin sa pisngi niya.

"Oo nga eh, hindi pantay ang blush on." sabi niya. Napatawa naman ko. Nagagawa pa niyang magbiro.

"Blush on? You know about make up?"

Umiling siya. "No, but naririnig ko naman iyon at nakikita sa mga cosmetic advertising." sabi niya. Napangiti naman ako. Hinahaplos ko ang pisngi niya na namula.

"Does it hurt?" tanong ko. Umiling naman siya.

"Makapal ang mukha ko Keith." napatawa naman ako ng konti dahil sa biro niya. "But, dito masakit." sabay lipat niya sa kamay ko sa may left chest niya.

"Bakit ba ang sasama ng mga ina natin?" Takang tanong niya.

Napangiti naman ako. "Baka magkapatid sila." Biro ko.

"If magkapatid sila, hindi pala pwede maging tayo." sabi niya habang nakatitig sa akin. Napalunok naman ako.

"Bakit? Possible ba na maging couple ang taga paiyak ng mga babae at ang iyakin?" tanong ko sa kanya. Napangiti naman siya.

"Possible ngang maging friends, couple pa kaya?" napangiti naman ako sa kanya.

"Alam mo, magaling kana nga." sabay hawak sa noo at leeg niya. "Luto na siguro iyong mga niluto ni yaya. Kain na tayo." sabi ko at naglakad na.

Couple?

Kahit naman ano pa ang image niya sa campus. Iba naman siya sa personal talaga. Mabait siya, joker and walang sense ka usap minsan but ayos naman kami bilang magkaibigan, sa ngayon.

I don't know kung magiging maayos ba kami pag naging kami. Tsaka isa pa, Hindi pa kasi ako ready sa ganyan. Tsaka ano naman ang kakahantungan kung magiging kami ni Drake. Baka kung maging kami ay baka maging impossible.

Baka masira pa kung anong friendship na meron kami sa isa't isa. Ayaw ko ma, bago kung ano sa amin ni Drake. I want to be this way.

My Crying LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon