MCL 11

43 4 0
                                        

Keith's POV







Isang linggo na rin na hindi ko nakikita ang Drake Hilton na iyon. Mabuti naman, pero sa isang linggo rin na iyon, everyday may umiiyak and sino paba ang dahilan? edi siya.

Wala na akong ibang naririnig kundi pangalan niya. Si Drake raw may pinaiyak na naman. Si Drake daw ganito, ganyan. Siya nalang ang bukam-bibig ng mga girls rito sa university. Umaga hanggang sa mag uwian.

Ito ako ngayon nakatingin sa panyo na nakita ko sa loob ng bag ko. Ito iyong panyo na nakita ko nalang na nasa ibabaw ng bag ko nung nasa rooftop ako ng library.

D.H

Hmmm? di kaya'y Drake Hilton?

"Keith" napatingin ako sa tumawag sa akin.

"Hi Dan." bati ko rito. Si Danielle, girlfriend ni Grey Samson, na kaibigan ng unggoy na baboy na iyon. Naging kaibigan ko siya doon sa Tagaytay.

"Mabuti nakita kita" sabay lapit niya sa akin.

"May kailangan kaba?"

"Isasama sana kita bukas."

"Saan?" takang tanong ko.

"May sakit kasi si Raven and diba, you're a friend of her too and balak ko sana siyang bisitahin bukas, sama ka?"

Tumango naman ako agad. "Oo ba."

"Sige, pahingi na ng number mo para bukas." kinuha ko naman ang cellphone niya na inabot niya sa akin. Sinave ko na ang number ko and ganun rin siya.

"So, bukas ha, text nalang kita." sabi niya. Tumango naman ako at naglakad na siya palayo.








-----







Nakabihis na ako ngayon. Ang napag usapan namin kagabi sa text ay mga almost lunch na kami pupunta. Sakto naman dahil nagpaluto ako kay yaya ng sabaw para kay Raven.

Napatingin ako sa bumusina na kotse na nasa labas.

"Ma'am Keith, ito na po." sabay bigay ni yaya sa akin ng paper bag.

"Thanks yaya." lumabas na ako ng bahay and naglakad patungo sa kotse at sumakay na.

"Ano yan?" tanong ni Dan habang nakatingin sa bitbit ko na paper bag.

"Sabaw para kay Raven." sabi ko. Tumango naman siya at nagmaneho na.







-----







Nakarating na kami kina Raven and wow, mansion. Malaki rin naman ang bahay namin pero hindi ganito kalaki. Sabagay, mayayaman ang mga Lions.

"Keith, tara" sabi ni Dan sa akin at pumasok na kami sa loob. Ito naman si Dan hindi makapaghintay.

"Ah may kasama pala ako." Rinig ko na sabi niya and sakto na kakapasok ko lang.

"Hi Spencer. Ito pala may dala akong sabaw. Maraming gulay yan kaya healthy yan para kay Raven." Nakangiting sabi ko. Tumango naman si Spencer sa akin.

"Manang, pakikuha itong dala ng bisita " tawag niya rito. Lumapit si Manang sa akin kinuha ang dala ko at ngumiti naman ako.

"Salamat Keith. Puntahan niyo nalang si Raven. Natutulog siya eh. Kanina lang yan nag iiyak at takot na takot" sabi niya.

"Hala! Nagkokombulsiyon ba siya? Sabagay, ganyan naman talaga pag mataas ang lagnat." Sabi ko.

"O.A ka " singit na naman nitong unggoy na baboy na ito. Andito rin pala ito? Ay, andito din pala ang ibang Lions. Wait, ngayon ko lang narinig ulit boses niya at ngayon ko lang din siya nakita ulit.

My Crying LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon