Keith's POV
Nasa Tagaytay kami, kaya pala sabi niya na malayo ang bibiyahiin namin at need na maaga kami.
Nakapag check in na kami and andito kami sa room suite na may two beds, thanks haha.
"Tara, bumaba na tayo." Sabi niya.
"Hmm?"
"Dinner, I'm starving." Sabi niya and hinila na ako.
We are having dinner at the dining hall with this night view and beach scenery. Natatawa naman ako na nakatingin sa kanya.
"Gutom na gutom ah." Sabi ko.
"Ikaw ba naman mag drive ng ganun kalayo."
Pang ilang plato na kasi niya iyon habang ako ay hindi pa nga ako nakakahalati sa pagkain ko. Well, wala naman akong ibang ginawa sa biyahe kanina, natulog lang talaga ako haha.
Done having dinner, and now nasa kuwarto kami dahil nagbibihis kami kasi magni-night swimming kami. Nasa banyo ako nagbibihis habang siya nasa labas ng banyo, inside sa kuwarto.
Suot ko ngayon ay swimming bra and panty short lang. Before I open the door ng banyo ay tinawag ko muna siya.
"Drake!"
"Oh?"
"Are you done?" Tanong ko. Baka kasi paglabas ko ng banyo ay nagbibihis pa siya noh.
"Yeah, kanina pa." He said, kaya lumabas na ako ng banyo but nakasuot ako ng bathrobe. Siya naman, topless at nakasuot ng summer short habang nag scroll scroll ng phone niya.
"Tara." Sabi ko. Tumingin naman siya sa akin at dala dala ang isang towel. Bumaba na kami. Konti lang naman ang tao sa swimming pool.
"Wait me here, order lang ako ng juice." Sabi niya. Umupo na muna ako sa isang lounge dito ng mapatingin ako sa isang lalaki na biglang umupo sa may tapat ko.
"Hi there." Bati niya sa akin. I smile at him. "Alone?"
Umiling ako. "I'm waiting at--"
"Friend?"
Sasagot sana ako ng may sumagot.
"Boyfriend." Sino paba ang sumagot. Napatingin kami kay Drake na nasa may likuran ko at may dala na dalawang juice.
Tumingin ako doon sa lalaki at ngumiti. He stands and nag excuse sa sarili niya. Ito naman si Drake ay sinundan talaga ng tingin iyong lalaki.
"Let's go swimming." Sabi ko sabay tayo at inalis na ang bathrobe. Lumingon siya sa akin at tinignan ako.
"Bakit?"
Umiling naman siya at nilapag ang juice na dala niya sa table. Hinila niya ako at akala ko magsu-swimming kami kasi hindi kami sa may pool pumunta.
"Drake."
"Dito tayo." Sabi niya and dinala lang naman niya ako sa kids pool. "Drake, really?"
"Wait me here." Sabi niya and may kinausap siyang resort staff and tumango naman ito. Bumalik si Drake sa gawi ko at ningitian ako.
"Let's hop in." Sabi niya and bumaba na sa kids pool. I look at the sign, 3 ft.
"Drake, bakit tayo nasa kids pool?" Takang tanong ko sa kanya.
"Solo natin dito."
"Malamang kasi walang kids na nasa swu-swimming ngayon gabi and dapat--"
Umiling siya. "No, not there."
Umupo ako at ang papa ko lang ang binasa ko.
"Dahil?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "That jerk is there." Sabi niya kaya napatango ako.
"I see."
He smiles at me. "Dinala kita rito para mag enjoy tayo hindi para may magpapansin saiyo."
Natawa naman ako. "Wow! Ganyan talaga pag maganda"
He smirk. "Keith, alam kong maganda ka, so?"
Nagkibitbalikat ako. "So, it means, normal lang na may magpapansin. Drake!" Wisikan ba naman ako ng tubig sa mukha.
"Sige na, swimming na beautiful." Sabi niya.
"Drake! No!" Hila hila niya ang paa ko para mahulog ako. "Drake!" Tinatawanan ba naman ako.
---
Drake's POV
Mamayang 1 pm na ang check out namin. Yes, short time lang kami rito kasi bukas, balik na kami sa University for some compliance for upcoming graduation.
Nakapag breakfast na kami. Now, patungo kami sa may beach kung saan andoon ang net ng volleyball.
"Let's play." Sabi niya sa akin. Kinuha ko ang bola ng volleyball na nasa may buhangin.
"One on one."
"Yeah, matalo siya ang magda-drive." Hamon niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Really? Why? Do you know how to drive?"
"Of course, wala lang akong kotse but I have my driver's license." She said, I nodded.
"Kaya mo kaya? Long drive?"
She rolled her eyes. "Can we just play, Mr. Hilton?"
"Fine, you have the honor, first serve." Sabay bigay ng bola sa kanya. Pumosisyon naman siya at nag serve na. Start na ang laro namin na one on one and natatawa kami pareho but I must say na palaban siya haha.
"Yes! Yes! I won." She celebrates sabay upo sa buhangin. Tumabi ako sa kanya.
"Hindi mo ba naisip na nagpatalo lang ako dahil kawawa ka naman kung ikaw magda-drive ng gabi and long drive pa." Sabi ko and napanganga naman siya.
"Really? Well, should I thank you then kasi ang sweet mo or sinabi mo lang iyan for you not to be ashame kasi natalo ka."
Tumango-tango ako. "Whatever you say."
Tumawa naman siya sabay patong ng ulo niya sa may shoulder ko. Nakatingin kami pareho sa beach.
"Someday, ganito rin ang eh ma-manage ko." Sabi ko. "Pero, of course, mas maganda pa dito."
"Really?"
"Hmmm, ano kayang magiging hitsura?"
"It will be a paradise for sure." Nakangiting sabi ko. "Kung saan ang mga tourist, they will not gonna feel na isang bakasyonan lang kundi, a place that has peace, fun, warm people, delicious and fantastice foods and drinks, good place to stay in a short time and it will be all worth it until they check out, that's my kind of paradise." Nagkatinginan kami and she smiles.
"I wanna be at your paradise." Sabi niya.
"You will." Sabi ko and ngumiti naman siya sabay tingin sa langit.
"Gusto ko sa paradise mo, there is an ocean blue color water that reflects the sky above." Sabi niya.
"Sabihin mo, gusto mo lang na may malinis na tubig." Biro ko and natawa naman siya.
"Thank you Drake, I had fun." Sabay tayo niya at nauna ng maglakad. Sumunod na naman ako sa kanya.
Ff.
Gabing gabi na kami nakarating sa bahay niya. Hindi na niya ako pinababa pa.
"Good night" she said and bumaba na. I waited for her na makapasok sa loob and nagtext siya sa akin na nakalock na daw niya ang pinto. So, I start the engine and drive at home.