Keith's POV
Nakababa na kami ng kotse niya. Napatingin naman ako sa bahay and napatingin ako sa kanya.
"You should now get inside" sabi niya sa akin.
"Do you want to come in?" tanong ko. Ngumiti naman siya.
"Sure, thank you. Akala ko, ako na naman ang magpapasok sa sarili ko." sabi niya. Napangiti naman ako.
"Tara na" sabi ko at binuksan na ang pinto. Pumasok na kami sa loob. Nakiramdam lang ako at mukha walang katao tao.
"Boring as it is." sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Make a comment again, papalayasin kita ulit." sabi ko at naglakad na patungo sa hagdanan. Mag bibihis na muna ako.
Nakabihis na ako ng short at tshirt. Nasa sala siya nakaupo sa sofa habang umiinom ng juice.
"Here, pinabibigay raw ng Mom mo sabi ng yaya mo." sabay turo sa akin ng letter na nasa center table.
"Wag dito, sa terrace tayo." sabi ko at hinila siya patayo. Naiwan naman doon ang letter sa ibabaw smng center table.
Andito kami ngayon sa terrace. Umupo siya habang nakatingin sa akin.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Your Mom is gone now?" tanong niya. Tumango ako.
"Are you happy?" tanong niya. Nagkibit balikat ako.
"I don't know but it seems like iyong feeling na pag umaalis siya, walang pinagkaiba." sabi ko at umupo sa tapat niya.
"But this time, ikaw ang nagpaalis sa kanya and maybe she isn't coming back, anymore. You're fine with it?"
Nag iwas ako ng tingin. "I'm used to that she isn't around. I guess, I'm fine with it." sabi ko.
"But your Dad isn't here anymore and so is your Mom, still fine with it?" dahan dahan naman akong tumango habang tumutulo ang luha ko.
"Here" sabay abot niya sa akin ng panyo. Napatingin ako rito. Black handkerchief na may naka embroidered na letter D.H na kulay yellow na sinulid. I look at him.
"Familiar?" tanong niya habang nakangiti.
"You're the one who--"
Tumango siya sabay smile. "I was on the rooftop where you cried that time." sabi niya. Kinuha ko na ang panyo at pinunasan ang luha ko.
"At that time, I was still mourning my Dad's death."
"How about now?" tanong niya. Nagkibit balikat ako.
"Nung sinama mo ako sa Tagaytay. Walang bola pero I really thank you for that dahil medyo, kahit papaano ay nag enjoy ako at hindi lang ako lagi umiiyak sa bahay."
"But pinaiyak naman kita roon." sabi niya. Natawa naman ako ng konti.
"Yeah, and I hate you for that." sabi ko.
"I'm sorry." sabi niya habang nakatitig sa akin.
"Joke lang, but I will hate you na talaga pag pinaiyak mo ako ulit." sabi ko. Ngumiti naman siya sabay tango.
"Not gonna promise." sabi niya. Umirap naman ako.
"Oo nga naman pala, Mr. Cry-maker." sabi ko. Natawa naman siya ng konti.
"But I will, and really try to avoid making you cry, again." seryosong sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako.
"That time, balak ko lang tumambay sa rooftop ng library kasi mahangin and doon, ako lang mag isa."
