Keith's POV
Nagising na ako and hindi ko alam kung anong oras naba. Bumangon na ako at naghilamos. Teka? Nasaan ako? Lumabas na ako ng kuwarto at nakita ang asawa ng Coach ng mga Lions.
"Good morning Hija." nakangiting bati niya sa akin ng makita ako.
"G-good morning ho." nahihiyang bati ko. Andito kami sa bahay nila? Kailan kami dumating?
"Halikana at kumain kana. Nakaalis na ang ibang kasamahan mo." sabi niya. Oo nga, ako nalang mag isa eh.
Andito na kami ngayon sa dining area nila at nahihiya naman akong umupo.
"Upo kana Hija, sabayan mo na ako." sabi niya. Gosh, sasabayan ko siya kumain? Mas nakakahiya. Tumango nalang ako at umupo na sa tapat niya.
"Dito po pala kami nakatulog?" tanong ko. Ngumiti naman siya.
"Nakatulog kayo sa bus palang and mukhang pagod talaga kayo kaya pina stay nalang muna namin kayo sa guestroom."
"Sino po ang mga kasama kong natulog rito, Ma'am?"
"Naku nakalimutan ko ang mga name nung mga girls."
Tumango ako. "Ayos lang po." sabi ko habang kumukuha ng pagkain.
"Kayo lang kasi ang hindi hinatid ng ibang boys." sabi niya. Tumango naman ako. Hindi rin naman nila kami ka ano-ano.
"Ayos lang po, hindi naman po talaga kami magkakilala. Si Captain Lance lang po talaga ang nag invite sa amin at iyong girlfriend niya." sabi ko. Tumango naman siya.
"Nag enjoy naman kayo?" tanong niya.
"Opo, hindi nga lang po nasulit eh." Sabay ngiti ko.
"Next time ulit."
Tumango lang ako sabay kain.
"Ano nga pala pangalan mo Hija?"
"Keith po."
Ngumiti naman siya. " Tita nalang tawag mo sa akin Keith ha."
"Sige po, T-tita." Tumango naman siya at kumain na kami ulit.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng matigilan ako.
"Oh Drake" rinig ko na sabi ni Tita. Yumuko lang ako habang kumakain. Napansin ko na lumapit siya at bumeso kay Tita. "Kumain kana ba?"
"Hindi pa po Tita, sinadya ko lang po talaga na pumunta rito dahil may pagkain." rinig kong sabi niya.
"Ikaw talaga, oh siya kumain kana rin at magbibihis na ako dahil may lakad pa ako." rinig kong sabi ni Tita. "Keith." tawag ni Tita sa akin. Napatingin ako sa kanya.
"Kumain ka lang ng marami ah." sabi niya.
"Sige po Tita." nakangiting sabi ko at umalis na siya. Nawala naman ang ngiti ko ng mapatingin sa unggoy na baboy na ito. Umupo siya sa tabi ko at kumuha rin ng pagkain.
"Tapos na ako." sabi ko at tumayo na.
"Keith" tawag niya sa akin.
"Alis na ako, pakisabi kay Tita na salamat." sabi ko at mabilis ng naglakad palayo roon.
Naglalakad ako ngayon dahil nasa loob ng subdivision itong bahay nina Tita at malayo pa ang gate pero bahala na.
Napatingin naman ako sa kotseng huminto sa may gilid ko. Bumaba siya at naghilot sa sentido niya. Naglakad ako ng hawakan niya ang braso ko kaya napahinto ako.
"Usap muna tayo." sabi niya. Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.
"Paano kung ayaw ko" sabi ko. Bumuntong hininga naman siya.
"Look, I just want to explain what I really meant to say that time and also, I'm sorry." sabi niya habang nakayuko. Hmmm?
Huminga ako ng malalim. "Okay, sabihin muna."
He looked at me. "Iba ang turing ni Chua kay Justinne dahil ayaw niya rito bilang fiance niya. Di naman kasi maganda kung makikita or nakikita ni Justinne na okay na okay si Chua pagdating sa ibang girl habang sa kanya hindi nga mabuti makitungo si Chua sa kanya tapos---."
"Okay, I get it, pero sana yan ang sinabi mo sa akin kahapon hindi iyong ganun ganun. You sound like na parang ano eh basta nakakainis ka talaga non." inis kong sabi.
Saglit kaming dalawa na natahimik ng kalabitin niya ako.
"So, are we okay?" tanong niya. Nagkibit balikat ako.
"I don't know." sabi ko. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto.
"Sakay na, hatid na kita." sabi niya.
"Okay" yan lang ang sagot ko. Sumakay na ako tutal free ride haha. Tsaka mukhang iba naman siya ngayon.
"Let's be okay." Sabi niya.
"Okay, just don't do that again." Sabi ko and tumango naman siya. Baka mang utos na naman ito sa susunod dahil okay na kami. Naku naman, wag sana kami magkita sa monday.
Nakarating na kami sa namin and pagkababa ko ay bumaba rin siya. Tinaasan ko siya ng kilay?
"Bakit ka bumaba?" takang tanong ko. Nakatingin siya sa bahay namin tapos sa akin na naman siya tumingin.
"Di mo ako papasukin?" tanong niya.
"Aba, bakit naman kita papasukin?" nakapameywang kong tanong.
"Ganyan kaba pag may naghahatid saiyo?"
"Excuse me, di uso sa akin ang magpahatid, okay? Kaya ko sarili ko but total nagpresenta ka naman so nagpahatid ako but to tell you ikaw palang ang naghatid sa akin noh." sabi ko and kumunot naman ang noo ko ng ngumiti siya. What?
"Luh! Anong ngiting yan?" tanong ko sa kanya.
"Wala ka pang boyfriend?" tanong niya. Namilog naman ang mata ko sabay iwas ng tingin.
He smile. "Wala pa noh?"
"So?" sabay lampas sa kanya.
"Wala rin bang nangliligaw saiyo?" tanong niya. Napahinto naman ako at tinaasan siya ng kilay. Di ko talaga alam paano magtaray.
"Aba may problema ka? Wala nga akong problema diyan eh." sabi ko. Napangiti naman siya.
"Mabuti naman kung ganun." sabi niya. Ha? Lumapit ako sa kanya kaya napahinto siya sa paglalakad.
"Mabuti? Thankful ka na walang nagkakagusto sa akin? Excuse me, maganda ako noh at sexy tsaka mabuti st mabait akong babae." sabi ko. Mas napangiti naman siya.
"Really? Hmm, yeah but Iyakin nga lang." sabi niya at nilampasan na ako. Aba!
"Oy! Makapasok ka ah, bakit bahay mo ito?" habol ko sa kanya dahil naka pasok na siya ng bahay ko, nauna pang pumasok.
"Oy labas ka, 'di naman kita pinapasok ah." Sabi ko and he smile playfully.
"Ako na mismo nagpapasok sa sarili ko, nakakahiya naman saiyo." sabi niya. Ano raw?
Nagbihis ako rito sa loob ng kuwarto ko. Oo pala, may naiisuot ako nung nasa Tagaytay kami. Binilhan niya ako ng summer short na nasa souvenier shop and pinapasuot niya sa akin ang kanyang tshirt, undergarments ko, swimsuits.
