Drake's POV
Nagpaalam na kami kay Hawkins. Andito ako ngayon sa labas ng bahay ng makita ko siya na nakatanga lang.
"Nakaalis na sina Dan at Samson. Sa akin kana sumabay." sabi ko at pinagbuksan siya ng pinto. Tinignan niya ako.
"Si Raven ba, maayos na?" tanong niya.
"Kumalma na siya kanina, sa ngayon nagpapahinga na siya ulit." sabi ko. Tumango naman siya.
"Get in." sabi ko. Sumakay na naman siya at napatingin ako kay Hawkins sa may bintana. Nagtanguan naman kami. Sumakay na ako sa kotse at nagmaneho na.
"You okay?" tanong ko habang nagmamaneho. Napapansin ko kasi na tahimik siya habang nakayuko.
"Walang lagnat si Raven, diba?" tanong niya. Umiling naman ako.
"Ano iyong kanina?" takang tanong niya. Wala siyang alam sa kung ano ang nangyari kay Raven.
"Mahirap i-explain." sabi ko. I glance at her and takang tinignan niya ako. "Have dinner with me and sasabihin ko saiyo." sabi ko.
Napatingin naman siya sa phone niya ng nagring. She turns it off and tumango sa akin. Kahit naman nagtaka ako sa ginawa niya, hindi na ako nagtanong.
Andito kami ngayon sa Chen-licious Restaurant. Kumakain lang ako habang siya ay kanina pa tumitingin sa akin na parang sinasabi na magkuwento na ako. Nilunok ko muna ang nasa bibig ko tsaka ako nagsalita.
"Raven got harassed in the university parking area." sabi ko. Nanlaki naman ang singkit na mata niya.
"Iyong parent na andoon, parent iyon ng lalaki na nangharassed kay Raven."
"Bakit sila andoon?"
"To question Hawkins kung bakit nasa hospital ang anak nila. Bugbog at may mga police pang nakabantay sa labas ng hospital room."
Nanlaki ulit ang mga mata niya. "Bugbog?"
"Ginulpi ni Hawkins, tsaka pina arrest ni Captain sa police." sabi ko.
"Kaya pala nagwawala siya kanina. She had a trauma from it." sabi niya then sumubo ng pagkain.
"Teka, kung sa university nangyari bakit, ano."
"Hindi na issue? 'Coz Captain clean the mess."
Tumango siya. "Good thing, anak siya ng may ari ng school kaya natakpan niya ang nangyari kasi kung na issue iyon. Grabenc scandal iyon sa name ng University." I nodded to agree.
"Alam ni Dan?" tanong niya. Tumango naman ako.
"Yeah, she was the one who took good care of Raven habang kami, nakabantay naman kay Hawkins."
"Why?"
"Baka mapatay niya." sabi ko. Nabilaukan naman siya. Agad agad siyang uminom at tinignan ako.
"Stop making jokes." sabi niya. Umiling naman ako.
"I'm not joking." seryosong sabi ko. Nag ayos naman siya sa pagkakaupo niya.
"Drake, hindi mabuting magbiro ang ganyan." sabi niya. Tumitig ako sa kanya.
"I guess this isn't the time that you'll know about it." sabi ko at kumain na ulit. Takang tinignan naman niya ako.
"Kain na, hatid na kita sa inyo." sabi ko. Kumain na siya ulit sabay tango.
Tapos na kaming kumain and pasakay na ako ng kotse ng mapatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatayo lang.
"Gusto mo pagbuksan kita ulit ng pinto?"
![](https://img.wattpad.com/cover/225505926-288-k783803.jpg)