Keith's POV
Maaga pa, yes super aga kasi gusto ko ng fresh air sa rooftop ng library hehe. Andito na ako sa University. Papasok na sana ako ng gate ng...
"AY UNGGOY!" sigaw ko dahil sa gulat.
"WOW! Unggoy talaga ang pagmumukhang ito?" inis na sabi niya.
"Sorry naman. Nagulat ako eh." sabi ko. Ang lakas ba naman ng busina. Lalampasan sana siya ng hatakin niya ako.
"Oy bakit?"
Binuksan niya ang pinto ng kotse niya at pinapasok ako. Mabilis rin siyang sumakay roon sa driver seat at nagmaneho na.
"Oy hala bakit?"
"Isasama kita para may utusan ako." sabi niya. Napanganga naman ako sa sinabi niya.
"Mukha ba akong katulong?"
He glance at me then binalik na ang tingin sa daan.
"Hindi naman, pero may atraso ka sa akin."
"Alin?" Sabay cross arm ko.
"Ito" sabay pakita sa hintuturo niya na nakaband aid pa. Sorry naman.
"Grabe naman ang sugat ano." Sarcastic na sabi ko.
"Di rin."
"Hindi naman pala bat--"
"Para may uutusan ako kasi--"
"Excuse me, di ka lumpo noh." inis kong sabi sa kanya.
"Whatever" sabi niya. Napatingin naman ako sa dinadaanan namin. Kumunot ang noo ko.
"Saan mo ba ako dadalhin ng ganito ka aga?"
"Isasama kita sa Tagaytay." sabi niya. Namilog naman ang mata ko.
"Tagaytay?" Gulat na tanong ko. Tumango naman siya.
"Anong gagawin mo roon?"
"Malamang maliligo." bagot na sabi niya.
I rolled my eyes. "Aba malay ko ba kung taga roon ka o hindi." inis kong sabi.
Tahimik lang ako hanggang sa nakarating na kami sa isang bahay na malaki. Kanino ito? Sa kanya? Pumasok kami roon at nagpark na siya. Bumaba na siya and aba nang iwan, kaya bumaba na ako.
"Get my bag in the trunk " rinig ko na utos niya. Aba!
Hindu ko siya pinansin dahil nakatingin lang ako sa bahay ng pagtingin ko sa kanya. Nakataas ang kilay niya.
"Oo na, go open the trunk" utos ko rin sa kanya. Akala niya siya lang may alam mang utos, hmmp! Bumukas naman ang trunk at kinuha ko na ang traveling bag niya.
"Bakit pala may traveling bag kang dala?" takang tanong ko. Naglakad na siya habang nakasunod lang ako na dala ang traveling bag niya.
"Malamang ilang araw tayo roon."
Ano raw?
"Hoy!" Sabay baba ng traveling bag niya.
"Madumihan iyan." Sabay lingon sa akin.
"I don't care."
"Tsk!"
Aba tinalikuran ako. " Hoy ano kaba!"
Napatingin siya sa akin. "Call me Master." utos niya ulit.
Umirap ako. "Oh edi master, anong ilang araw at hello, kasama ako?"
"Malamang andito ka diba?" Pamilosopo niya.
"Hala! Ano na ngayon wala akong bihisan ng ilang araw ganun?"
