Keith's POV
Andito ako ngayon sa kuwarto ko habang nakatingin ako sa sarili ko dito sa human size mirror ko.
Nakabihis ako ngayon dahil sabi ni Drake may pupuntahan raw kami. Hindi ko alam pero napapadalas na ang paglabas namin ni Drake. Pagmay nakakita sa aming magkasama ay inaakala nila na couple kami. Pabiro naman kami na magsasabi na oo, couple kami haha. Trip rin namin.
Sa simula para sa akin, wala lang iyon pero ngayon gusto kong mag react pero pag nagreact naman ako, may part sa akin na sana hindi nalang ako nag react.
"Keith" rinig kong tawag niya. Andiyaan na siya. Lumabas na ako ng kuwarto at bumaba na.
"Hi" bati ko sa kanya.
"Hey, nagpaganda ka yata." sabi niya. Ngumiti naman ako.
"Maganda na ako Drake." sabi ko at ngumiti naman siya sabay tango.
"Can't argue with that dahil totoo naman. So, tara na?" Tumango naman ako.
Lumabas na kami ng bahay at pinagbuksan naman niya ako ng pinto. Sumakay na kaming dalawa at nagmaneho na siya.
Pumunta lang naman kami sa Lions Bar and first time ko rito. Nakahawak kamay lang siya sa akin. Kasi bukod sa maraming tao, may mga lasing na din. Napapatingin ako sa paligid and sobrang dami ng tao. Andito kami ngayon nakaupo sa VIP Lions spot raw nila.
Kami lang dalawa ang andito. Sabi niya mukhang busy raw ang mga kaibigan niya ngayon. Tumayo naman siya at hinila ako patungo sa dancefloor.
"Sasayaw ka?" tanong ko.
"Let's just have fun." sabi niya at umiindak na kasabay ang music. Napapangiti naman ako sa kanya. Sumabay na ako sa pag indak niya at tumatawa pa kami sa isa't isa. Wala namang pakialamanan eh haha.
----
Nagising na ako and suot ko pa ang damit ko kagabi. Bumangon na ako at pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo, pumunta ako sa walk-in closet ko ng tumunog ang phone ko.
"Drake" sabi ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tama nga ako, siya nga ang nagtext. Nagtext siya na may sakit siya pero hindi para sa akin ito, na wrong send siya.
Pumasok ako ulit sa walk-in closet ko at nagbihis. Bumaba na ako, andito ako ngayon sa dining area kumakain. Naiisip ko naman ang unggoy na baboy na iyon. Kumain na kaya iyon?
"Yaya"
"Ma'am?"
"Pwede po bang magluto kayo ng sopas." sabi ko.
"Ngayon na po Ma'am?"
"Oo may sakit si Drake, dadalhan ko lang." sabi ko. Tumango naman siya at pumunta na sa kusina. Nasapo ko naman ang noo ko. Dadalhan? Hindi ko nga alam saan nakatira iyon.
Napatingin naman ako sa phone ko. Kinuha ko ito at tinawagan si Dan. Tinanong ko sa kanya kung alam ba niya kung taga saan si Drake. Hindi raw niya alam pero tatanungin raw niya si Grey at itetext nalang sa akin ang address.
Habang nagluluto pa si yaya ng sopas. Andito ako ngayon sa sofa, nakaupo, naghihintay. Matapos ang ilang minuto, tapos na si yaya. Nagtawag na rin ako ng taxi. Dumaan pa kami ng pharmacy para bilhan ko siya ng gamot tsaka naman kami nagtungo sa address na tinext ni Dan sa akin.
"Here, thanks." nakapagbayad na ako and bumaba na ng taxi. Bumungad sa akin ang malaking gate. Magdo-doorbell sana ako ng bumukas ang gate. Naglakad na ako papasok and namangha naman ako dahil kasing laki rin ng mansion nina Raven ito.
Napatingin ako sa lumabas na babae na nasa mga 40s at masayang yumakap at humalik sa...binatang lalaki? Sumakay na sila sa kotse at umalis.
"Good Morning Ma'am, sino ho sila?" napatingin ako sa isang katulong.
"Hi po, I'm a friend of Drake, my name is Keith. Andiyaan po ba siya?"
"Pasok na muna kayo Ma'am and tatawagin ko si Sir." sabi niya. Tumango naman ako at sumunod sa kanya papasok and wow, ang ganda ng bahay nila.
Nakatayo lang ako habang naghihintay then bumaba na ulit ang maid.
"Ma'am may sakit ho si Sir."
"I know, kaya ako andito hehe. May dala akong sopas para sa kanya." sabay pakita sa paperbag na dala ko.
"Akin na ho, ihahanda ko lang po." binigay ko naman sa kanya ang paper bag.
"Pwede ba akong pumunta sa kanya ngayon?" tanong ko. Tumango siya at sinabi sa akin ang direksyon kung saan ang kuwarto ni Drake.
Umakyat na ako sa itaas and grabe, ang laki ng bahay nila. Andito na ako ngayon sa harap ng pinto. Ito naman ang sinabi nung maid eh. Kumatok na ako at naghintay ng walang sumagot. Kumatok ako ulit then wala parin. Kumatok ako ulit at nagulat ako ng bumukas ang pinto.
"Hi, galit ka?" tanong ko kasi naman ang sama ng tingin niya.
"Akala ko kung sino." sabi niya at tumalikod na. Nakaluwag naman pagbukas ng pinto kaya pumasok na ako.
"Nice room" sabi ko. Tumango naman siya at humiga ulit sa kama niya.
"Ma'am" napatingin ako sa maid. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang tray na dala niya.
"Nasa kusina lang po ako Ma'am, pag may kailangan kayo." tumango naman ako at sinarado na niya ang pinto.
"Kain ka muna." sabi ko sabay lapag ng tray sa side table niya. Umupo naman siya sa kama niya at sumandal sa headboard ng kama.
"Why are you here?" tanong niya.
"Na wrong send ka." sabi ko.
"Sorry, nahihilo kasi ako habang nagtetext kanina. Tinawagan ko si Anderson kaso busy at the moment raw kaya tinext ko nalang." sabi niya. Tumango ako.
"Here, I brought sopas and medicine." sabi ko.
"Subuan mo ako." sabi niya.
"Drake"
"Sige na, sinubuan mo na ako doon sa Tagaytay."
"May atraso ako saiyo noon, pero ngayon, meron ba?" umiling naman siya. I look at him and mukhang hindi talaga siya okay. Hinawakan ko ang noo at leeg niya. Ang init niya.
"Fine, susubuan na kita and later, iinom kana ng gamot." sabi ko. Ang init kasi niya. Sinubuan ko na siya and napangiti naman ako dahil naubos niya ang sopas. Pinainom ko na rin siya ng gamot.
"You need anything?" tanong ko. Umiling naman siya at humiga na ulit.
"Kailan ka nilagnat?" tanong ko.
"Kanina-kanina lang, akala ko masakit lang ang ulo ko pero hindi pala, mainit ako at ang bigat bigat ng katawan ko."
"Anong oras kana nakakain at nakainom ng gamot? Kung hindi ako pumunta, siguro hindi kapa nakakain at nakainom ng gamot, ano?" Ngumiti naman siya.
"Thank you." sabay hawak niya sa kamay ko.
"Ang init mo talaga." sabi ko.
"Kasi hindi ako malamig." nakangiting sabi niya. Napailing naman ako habang nakangiti. May sakit na nga may pamilosopo pang nalalaman.
