Kabanata 6

22 10 31
                                        


Maagang nagising si Celestine dahil ngayon ang unang araw ng kanilang klase. Hindi pa sumisikat ang araw ay mulat na ang kaniyang mga mata.

Nasa hardin ngayon ang dalaga upang tumulong kay Flora magdilig ng mga halaman na kasing edad niya lamang. "Bakit nga pala hindi ka na nagpatuloy sa pag-aaral? Sayang naman, Flora." tanong niya sa kasambahay.

Napatigil sa pagdidilig si Flora. "Mahirap lamang ang aming pamilya, Tine. Naisin ko mang mag-aral ng kolehiyo, ngunit hindi namin kakayanin ang gastusin." bumuntong hininga si Flora bago nagsalitang muli. "May sakit ang aking itay at tanging si inay lamang ang bumubuhay sa amin kaya naisipan kong makipagsapalaran dito sa Maynila upang tulungan ang aking inay."

"Mahal ang mga gamot na kinakailangan ni itay. Ang pag-aaral ay makakapaghintay ngunit iisa lang ang buhay ni itay." aniya at tsaka lumingon kay Celestine ay pilit na ngumiti. "Nalulungkot akong marinig kasalukuyang sitwasyon ng iyong pamilya." saad ni Celestine at tsaka humawak sa balikat ni Flora.

"Hayaan mo, ang aking ama ay may kaibigang doktor. Maaari ko siyang kausapin upang matulungan ang iyong ama." ani nang dalaga at tsaka ngumiti sa kaniyang kausap. "Nako, hindi mo naman kailangang gawin iyan, Tine." pagtanggi nang dalaga. Gusto niyang tanggapin ang alok ng bagong kaibigan ngunit nahihiya siya.

"Ano ka ba naman, Flora. Magkaibigan na tayong dalawa. Hayaan mong makatulong ako sayo kahit sa ganitong paraan. Wala pa akong sariling pera at trabaho kaya kay ama nalang ako makikiusap." nakita ni Celestine na nangingilid na ang luha ni Flora kaya naman ito'y kaniyang nginitian. Agad na yumakap sakaniya si Flora at umiyak sa kaniyang balikat. "M-Maraming salamat, Tine! Maraming salamat!" ani nito at hinagod naman ng dalaga ang likod ng kaibigang tumatangis upang patahanin ito.

"Walang anuman.. Tumahan ka na, Flora." agad pinunasan ni Flora ang kaniyang mga luha at inilayo ang sarili kay Celestine. Muli siyang nagpasalamat dito nang paulit ulit. "Ano ka ba, ilang beses ka nang nagpapasalamat sa akin." ani nito at tsaka tumawa. "Batid kong nais mo pang makasama ang iyong ama nang mahabang panahon. Huwag kang mag-alala, gagaling din siya." saad nitong muli at tsaka nginitian ang kaibigan. Ngumiti rin ito pabalik sakaniya at tsaka pinagpatuloy ang pagdidilig sa mga halaman habang nagkwekwentuhan.

Mahaba haba rin ang kanilang naging usapan ni Flora dahil may araw na nang pumasok siya sa loob ng bahay. Hindi na niya kasamang pumasok si Flora dahil isinama siya ni manang Rosa sa pamilihan. Naabutan niya si Hillary na pababa pa lang sa hagdan habang natanaw niya naman sila Carla at Riessha na tinutulungan ang mga kasambahay sa paghahanda nang almusal.

"Magandang umaga, Hillary." bati niya sa kaniyang pinsan na naguunat unat pa habang humahakbang pababa. Nginitian lamang siya nito at tinanguan. "Ang aga mo palang nagising, Ce." saad ni Hillary na tinawanan lamang ni Celestine at sabay silang nagtungo sa hapag kainan.

"Magandang umaga!" magiliw na bati ni Celestine sa kaniyang mga kaibigan. Binati siya nang mga ito pabalik at tsaka muling nagtungo sa kusina upang kuhain ang mga plato at kutsara. Tapos na silang magluto at nakalatag narin sa lamesa ang kanilang mga kakainin.

"Ako na ang maglalatag nito, hija." saad ng isang kasambahay at tsaka kinuha kay Carla ang hawak hawak nitong plato't kutsara.

"Ako na rin dito. Umupo na kayo." magiliw na saad ng isa pang kasambahay at tsaka kinuha kay Riessha ang mga hawak nitong baso. Tumango na lamang ang dalawa at tsaka umupo.

Pagkatapos mailagay isa isa sa mesa ang mga baso, plato, at kutsara ay bumalik na rin sa loob ng kusina ang mga kasambahay. Napuno nang katahimikan ang buong hapag kainan habang hinintay ang pagbaba nang mga magulang Hillary.

Maya maya pa ay bumaba narin ang mag-asawa. Agad na lumapit ang kanilang anak at binati sila nang magandang umaga.

"Magandang umaga. Magsikain na tayo at baka mahuli pa kayo sa unang araw ng inyong klase." tumango ang mga dalaga at tsaka nagsimulang sumandok ng kanin at manguha nang ulam.

The Art of Love Where stories live. Discover now