Halos kalahating araw din ang kanilang naging byahe bago makarating sa Maynila. Tuwang tuwa ang tatlong dalaga nang matanaw nila ang daungan. "Narito na tayo sa Maynila!" nakangiting sambit ni Carla. Agad namangha si Celestine at Riessha sa natatanaw. Maraming tao ang nagkalat sa paligid at may dala dala ring mga bagahe. Natitiyak nila na ito'y bumyahe rin kagaya nila mula sa ibang lugar patungong Maynila."Kay raming tao..." natutuwang sambit ni Riessha. "Tiyak na magkakaroon tayo agad ng mga bagong kaibigan!" dugtong pa niya na siyang sinangayunan ng dalawang dalaga sa tabi niya.
Nang makababa sila sa barkong sinakyan ay natanaw ni Celestine ang isang lalaki na may pagkakahawig sa kaniyang ama. Sandali siyang napatitig sa lalaki at biglang nagtama ang kanilang mata. Nagulat ang lalaki at dali daling naglakad papunta sa kanilang direksyon. "Sino ba ang iyong tinatanaw diyan, Celestine?" tanong ni Riessha kay Celestine nang mapansing nakatulala ito at tila may katitigan sa bandang hilaga nang kanilang kinatatayuan. Agad na inayos ng dalaga ang tindig pagkatapos marinig ang boses ng kaibigan. "Ah wala naman." sagot niya.
"Sinabi ba ni tiyo Gustin kung sino ang susundo sa atin dito?" tanong ni Carla. Tumango naman si Celestine at agad sinagot ang tanong ng kaibigan. "Ang asawa raw ni tiya Martha ang susundo sa atin kasama ang kanilang unica hija."
Maya maya pa ay tumigil sa kanilang harapan ang lalaking nakatitigan niya kanina. "Celestine?" tanong nito sakaniya. Tumango ang dalaga. "Ako ang asawa nang iyong tiya Martha. Ang ngalan ko ay Robert. Ako ang inyong sundo at naghihintay sa aking sasakyan si Hillary, ang iyong pinsan." nakangiting pagpapakilala nito sakanila.
"Ikinagagalak ko ho kayong makilala, tiyo Robert." ani ni Celestine sabay akap sa tiyo. Sunod namang nagpakilala ang dalawa niyang kaibigan. "Ako po si Carla. Ikinagagalak ko pong makilala ang tiyo nang aking kaibigan. Maaari niyo po akong tawaging Lala kung inyong nanaisin." nagmano si Carla sa lalaking nasa kaniyang harapan. "Ako naman po si Riessha, ginoo. Rierie naman ang aking palayaw." tulad ng ginawa ni Carla, nagmano rin ito kay Robert at tsaka ngumiti nang pagkatamis tamis.
"Tara na? Baka nababagot na ang aking anak sa sasakyan." natatawang saad ni Robert at tsaka kinuha ang tatlong bagahe nang mga dalaga at nagsimulang maglakad. Sumunod narin ang tatlo hila hila ang kani kaniyang mga maleta.
Natanaw ni Robert si Hillary na nakatayo sa tapat ng kanilang sasakyan. Kumaway ito sa anak na agad naman napansin ng dalaga. Tumakbo papalapit si Hillary sa ama at tsaka nakita ang tatlong dalaga na nakasunod sa likuran nito. "Sino sainyo ang aking pinsan?" magiliw na tanong ng dalaga. Itinaas naman ni Celestine ang kaniyang kanang kamay upang ipagbigay alam sa kaniyang pinsan na siya ang hinahanap nito. "Wow, napakaganda mo, pinsan! Ako ay natutuwa sapagkat tayo'y nagkitang muli!"
Niyakap ni Hillary ang kaniyang pinsan at agad naman siyang niyakap ni Celestine pabalik. "Alam kong hindi mo na maalala ang ating unang pagkikita sapagkat ika'y apat na taong gulang pa lamang noon habang ako'y walong taon na." tinitigan ni Celestine ang kaniyang pinsan. Kamukhang kamukha nito ang kaniyang tiya Martha.
Ang dalaga ay may kulay asul na pares ng mata na namana sa kaniyang ama. May mahabang buhok na abot hanggang sa puwetan nito at may magandang hubog ng katawan. Ang kaniyang mga labi ay natural ang pagkapula at ang pilik mata'y mahahaba. "Kamukha mo ang tiya Martha kahit pa iba ang kulay ng iyong mga mata..." marahan at malumanay na pagkakasabi ni Celestine at unti-unting sumilay ang isang matamis na ngiti sa kaniyang labi. "Marami ngang nagsasabi niyan!" natatawang sambit ni Hillary sa kaniyang pinsan at tsaka hinarap ang dalawang babae sa kaniyang likuran.
"Maaari mo ba akong ipakilala sa iyong mga kaibigan?" tanong nito sa kaniyang pinsan na agad naman nitong sinangayunan.
Umawang ang labi ni Riessha nang makita ang kabuuang mukha ni Hillary na pinsan ng kaniyang kaibigan. Bumilis ang tibok ng puso nang dalaga sa hindi malaman na dahilan. Nang ngumiti pa si Hillary sakaniya habang ipinapakilala nito ang kaniyang sarili ay mas lalo pang bumilis ang pagtibok nito. "Anong nangyayari sa aking sarili?" tanong niya sa kaniyang isipan.

YOU ARE READING
The Art of Love
RomanceIsang masayahin at palangiting babae. Iyan ang isa sa mga katangian ni Celestine. Siya ay mayroong mataas na ambisyon para sa kaniyang sarili at sa minamahal na pamilya. Ngunit sa isang iglap, naglaho lahat ang kaniyang mga pangarap dahil sa isang k...