Kabanata 1

57 18 15
                                    

Ala sais pa lang ng umaga ay gumising na si Celestine. Binuksan niya ang bintana sa kaniyang kwarto at agad siyang sinalubong ng hangin. "Magandang umaga, mga maririkit na bulaklak! Matatayog na puno! Mga ibon, paruparo at bubuyog!" bati niya sa kanilang hardin.

Ang kaniyang kwarto ay nakapwesto sa unang palapag ng kanilang bahay at ito ay nakatapat mismo sa kanilang hardin. Ito ay hiniling mismo nang dalaga sapagkat siya ay mayroong labis labis na pagmamahal sa kalikasan. Nais niyang makita ang mga nag gagandahang bulaklak sa pagmulat ng kaniyang mga mata.

Pagkatapos tupiin ang kumot at pagpagan ang kamang kaniyang tinutulugan, nagunat-unat muna ang dalaga at nagtungo sa kaniyang palikuran upang maligo. Ngayong araw gaganapin ang kanilang pagtatapos sa sekondarya at sa susunod na pasukan ay kolehiyo na ang dalaga. Pagkatapos maligo at magbihis ay lumabas na rin ito sa kaniyang kwarto at agad nagtungo sa kusina kung saan nagluluto nang umagahan ang kaniyang butihing ina na si Senora Celesa.

"Magandang umagaaaa, ina!" magiliw na bati ni Celestine sa kaniyang ina. "Magandang umaga, anak. Batid kong ikaw ay nasasabik na para sa araw ng inyong pagtatapos." isang matamis na ngiti ang iginawad ng ina sa kaniyang unica hija na tinugon siya nang dalawang tango. Maya-maya pa ay nakita niyang bumaba na rin ang kaniyang ama sa hagdan.

"Magandang umagaaaa, ama!" sinalubong ng dalaga ang kaniyang ama sa sala at niyakap ito. Animoy hindi sila nagkita nang matagal na panahon. Natawa naman ang Senor Gustin sa inasal ng kaniyang panganay na anak. Kahit pa malaki na ito ay hindi parin nawawala ang kaniyang pagiging malambing. Bagay na kaniyang ikinatutuwa. "Magandang umaga rin sayo, Celestine."

Pagkatapos magluto nang Senora ay nagsimula na rin silang kumain ng almusal. Nasa Espanya naman ang kaniyang bunsong kapatid dahil doon ito nag-aaral kasama ang ibang pinsan nito kung kaya't hindi ito makakadalo sa graduation ng kaniyang ate. Naiintindihan naman ni Celestine ang kaniyang kapatid dahil alam nitong mahalaga ang bawat araw ng klase sapagkat may iba't-ibang bagay tayong natututunan sa bawat araw na nagdadaan.

Bago pa man sumapit ang ika walo nang umaga ay agad na nagtungo ang pamilya Aguilar sa eskwelahan upang pumila dahil sila'y magmamartsa pa. Agad naman nakita ni Celestine ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan na si Riessha. "Magandang umaga, Rie!" bati niya.

"Ikaw pala, Cece. Magandang umaga rin saiyo. Napakaganda mo naman, kaibigan!" papuri ng kaibigan nito na siyang naging dahilan sa pamumula nang kaniyang pisngi. Kaunting kolorete lang naman ang inilagay niya sa kaniyang mukha ngunit di niya inaasahang magiging agaw pansin ito dahil mula nang pumasok siya sa gate nang paaralan ay kaliwa't-kanan na ang mga naririnig niyang papuri sakaniya.

"Ikaw talaga, Rie. Hindi naman. Mas maganda ka parin." natawa naman ang kaniyang kaibigan sa kaniyang sinabi. Sa tuwing pinupuri niya talaga ang kaniyang kaibigan ay tinatawanan lang siya nito. Napapaisip tuloy siya kung inaakala nang kaniyang kaibigan na nagbibiro lang siya kahit pa totoo naman ang kaniyang sinasabi.

Agad pumwesto ang pamilya Aguilar sa unahan ng inanusyo nang isang guro na magsisimula na ang seremonya. Ang panganay ng mag-asawang Aguilar ang valedictorian kung kaya't tuwang-tuwa sila sa karangalan at tagumpay na nakamit ng anak.

"Aguilar, Celestine Vien G." pagtawag sa kaniyang ngalan. Umakyat ang pamilya Aguilar sa entablado at halos ungusan na nang mga kamay na walang humpay sa pagpapalakpak ang musika na pinapatugtof sa tuwing may mag-aaral na aakyat sa entablado. Kilala si Celestine sa buong paaralan dahil sa taglay nitong katalinuhan. Kahit saang patimpalak ay sumasali ito at maraming beses na nanalo. Maging sa iba't-ibang paaralan ay inilalaban din siya na siyang naging dahilan sa pagiging matunog ng kaniyang pangalan sa buong bayan at eskwelahan.

Kinamayan ng dalaga ang kaniyang guro, punong guro, at ang alumni nang kanilang paaralan. Magiliw namang nginitian ni Senor Gustin at Senora Celesa ang bawat panauhin na bumabati sakanila.

The Art of Love Where stories live. Discover now