Isang linggo na ang nakalipas mula nang mamasyal sina Celestine at Lucifer sa Intramuros. Ang pangyayaring iyon ang naghatid sa dalawang nilalang upang maging mas malapit sa isa't isa.Tuwing papasok sa eskwelahan ang dalaga, lagi niyang naaabutan ang binata na nag aabang sakaniya. Kapag nakita na siya nito, lalapit agad ito sakaniya upang batiin siya nang magandang umaga at saka kukunin ang kaniyang napsak at dala dalang libro.
Ganito ang palaging tagpo nilang dalawa kada umaga. Magsisimula pa lang ang klase nang dalaga ngunit buo na agad ang araw nito sa tuwing nakikita ang lalaking iniibig niya. Naging isa si Lucifer sa mga rason ni Celestine upang mas lalo niyang pag igihan at pagbutihin ang pag aaral.
Sa halip na mainis siya't magreklamo sa dami nang mga proyekto't takdang aralin na kailangan niyang ipasa at gawin, laging nakangiti ang dalaga habang gumagawa siya nang kaniyang presentasyon sa kaniyang kandungan (laptop) at nagtitipa nang mga letra sa kaniyang teklada (keyboard).
Hindi niya alintana ang ngalay at pagod sa haba nang oras na siya'y nakayuko't nakaupo sa harap ng mesa. Para kay Celestine, mas mahalagang matapos niya ang mga gawain na konektado sa kaniyang pag aaral dahil bukod sa makakakuha siya nang mataas na marka, matutuwa rin sakaniya ang kaniyang mga magulang at syempre, si Lucifer.
"Ano ang tipo mo sa lalaki, Celestine?" tanong sakaniya nang binata habang sila'y naglalakad sa labas ng kanilang unibersidad na pinapasukan.
Alas tres y medya na nang hapon. Maagang natapos ang klase ni Celestine at Lucifer kaya naman napagisipan nilang maglakad lakad muna habang hinihintay ni Celestine ang kaniyang mga kaibigan.
"Hmm, ako? Ang tipo ko sa lalaki ay iyong may takot sa Diyos. Lalaking marunong rumespeto, gumalang, at may pangarap sa buhay. Isa rin sa mga tipo ko ay iyong lalaking marunong magluto't tumugtog ng instrumento!" nakangiting saad ni Celestine. "Ikaw ba? Anong tipo mo sa babae?" tanong pabalik ng dalaga kay Lucifer.
"Simple lang. Yung maganda ang hitsura't hubog ng katawan, mabait, masunurin, at binibigyang halaga ang kanilang pag aaral." tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Celestine. Nabalot siya nang lungkot dahil alam niyang wala siyang magandang mukha at magandang hubog ng katawan. Ngunit, nabigyang pag asa naman siya nang marinig ang huling sinabi ni Lucifer.
Araw ng Sabado ngayon at nag iimpake na nang kaniyang mga gamit ang dalaga. Dalawang pares lamang ng damit ang kaniyang dala bilang pamalit dahil dalawang araw ang kanilang itatagal sa barkong sasakyan. Mayroon naman siyang damit sa kanilang bahay sa Guimaras.
Binalot narin niya ang mga regalong kaniyang nabili noong nakaraan linggo at saka isinilid ito sa isang maleta upang walang makahalata't makakita.
"Para kay ina..." wika nang dalaga at saka isa isang tinignan ang mga regalong nakalatag sa kanilang higaan. Sinisigurado niyang mabibigyan niya nang aginaldo ang lahat ng taong importante sa kaniyang buhay. "Narito na!" magiliw na saad ni Celestine nang makita ang regalong kaniyang ibibigay sa pasko sa kaniyang ina.
Pagtapos niyang ayusin ang kaniyang mga gamit na dapat dalhin pauwing San Francisco, nakatanggap siya nang mensahe mula kay Lucifer. Agad siyang napangiti nang makita ang ngalan ng binata sa kaniyang telepono.
Mula kay: Lucifer
Disyembre 16, 2010
4:34 pmMagandang hapon, Celestine. Nagmeryenda ka na ba?
Inihiga nang dalaga ang kaniyang sarili sa kama at saka nagpagulong gulong. Kinikilig na agad ito kahit pa tinanong lang siya nang lalaki. Haaay, napakalakas ng epekto nang bawat kilos at galaw nito sakaniya. Mukhang tinamaan nga siyang tunay sa binata.

YOU ARE READING
The Art of Love
RomansaIsang masayahin at palangiting babae. Iyan ang isa sa mga katangian ni Celestine. Siya ay mayroong mataas na ambisyon para sa kaniyang sarili at sa minamahal na pamilya. Ngunit sa isang iglap, naglaho lahat ang kaniyang mga pangarap dahil sa isang k...