Hindi matanggap ni Senor Gustin ang sinapit ng kaniyang panganay na anak sa Maynila. Sinisisi niya ang kaniyang sarili sa sinapit nito. Kung sana ay hindi niya pinayagan ang kaniyang unica hija na doon sa Maynila mag-aral, baka hindi nito sinapit ang kalunos lunos na pangyayari.
Kahit pa ilang buwan na ang makalipas mula nang mangyari ang insidenteng iyon ay hindi parin nakakausad ang kaniyang anak. Mula sa pagiging madaldal, malambing, at masayahin na dalaga ay naging ilap ito sa mga tao at palagi nalang nagkukulong sa kaniyang silid. Sa tuwing hinahawakan naman siya nang kaniyang ama ay lumalayo ito at sisigaw habang tumatangis.
"Anak," pagtawag ni Senor Gustin kay Celestine na ngayon ay tulalang nakatingin sa kaniyang bukas na bintana. Tanaw nito ang magandang hardin na may samu't saring bulaklak at mga nagsasayawang puno sa tuwing may preskong hangin na napapadaan.
Sinubukang hawakan ng Senor ang balikat ng anak ngunit tulad ng dati ito'y napasigaw sa gulat at nagmamakaawang tigilan na siya. "Wag! Tama na! Ayoko na!"
Hindi ugali nang Senor na umiyak sa harap ng mga tao lalong lalo na sa harap ng kaniyang asawa't anak ngunit hindi niya kayang pigilan ang mga luhang nais kumawala sa kaniyang mata sa tuwing naririnig ang pagmamakaawa nang anak." Celestine, anak, ako ito. Ang iyong butihing ama."
Napalingon sa kaniya si Celestine at kitang-kita sa mga mata nito ang labis labis na paghihirap na pinagdaanan at tila nagmamakaawa. "L-Ligtas na po ba ako, ama?" tanong niya. Tumango-tango naman ang Senor habang hinahagod ang kaniyang likod at pinapatahan ang pinakamamahal na anak. "Oo anak. Ligtas ka na. Nandito ang ama upang protektahan ka."
Hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang dating nobyo ni Celestine. Nang ihampas nito ang dalaga sa sementadong pader ng kaniyang bahay ay agad nawalan ng malay ang kaawa awang si Celestine at dumanak ang dugo sa sahig na nagmula sa ulo nito. Nanlambot ang tuhod ng binata sa sinapit ng kaniyang nobya kaya dali dali itong umalis sa kaniyang bahay at iniwan ang dalagang nasa bingit na nang kamatayan.
Sa tuwing naririnig ng Senor ang mga salitang "Patawad ho, Senor, ngunit hanggang ngayon ay hindi parin nadadakip si Lucifer Lucero." ay agad tumataas ang kaniyang dugo. Halos isumpa na nang mag-asawa ang ngalang iyon dahil sa ginawang pagdudungis sa ngalan at katauhan ng kanilang unica hija at dahil din sa lalaking iyon at nagbago ang pakikitungo sakanila nang anak.
"Nasan ho ang ina, ama?" tanong ng dalaga. "Nasa palengke siya kasama si manang Adelpa. Sila ay magluluto nang iyong paboritong putahe." lumingon muli ang dalaga sakaniya at unti-unti niyang nakita ang pagsilay ng isang munting ngiti sa labi nang kaniyang anak. Walang mapagsidlan ang saya ang Senor. Ngayon niya lamang ito muling nakita na ngumiti. Kahit pa hindi ito kalawak tulad ng dati ay masaya parin siya. "Talaga?" paninigurado ni Celestine sa kaniyang ama. Tumango naman ang Senor sakaniya.
Sabay silang napalingon ng may narinig silang tumikhim sa kanila likuran. "Hola?" nahihiyang tanong ng kaniyang kapatid na lalaki.
Siya si Chrysostom Aguilar. Sampung taong gulang na nakababatang kapatid ni Celestine.
"¿Qué estás haciendo aquí, hijo?" (What are you doing here, son?) tanong ng Senor. Ang bata ay nag-aaral sa Espanya kaya naman hindi ito sanay magsalita sa wikang kinalakihan ng kaniyang mga magulang at kapatid. "Solo quiero darle esto a mi hermana..." (I just want to give this to my sister...)
Inabot ni Chrysostom ang isang kulay puting teddy bear. "Ese es tu peluche, ¿verdad?"(This is your teddy, right?) tanong ng kaniyang ama. Tumango naman siya. "Este oso me hace feliz. Quiero que la hermana sea feliz, por eso le doy un peluche. Teddy es mi fuente de felicidad. Cada vez que estoy triste, solo abrazo a Teddy y él me hace feliz. Él hará que la hermana se sienta bien, papá." (This bear makes me happy. I want sister to be happy that's why i'm giving her teddy. Teddy is my source of happiness. Everytime i'm sad, i just hug teddy and he makes me happy. He will make sister feel good, papa.)
"Gracias, hermano" (Thank you, brother) nagulat ang kaniyang kapatid ng marinig itong magsalita. Sa tuwing dinadalaw niya ang kaniyang nakatatandang kapatid ay hindi siya nito iniimik at laging nakatulala sa bintana. "E-Estás hablando.." (Y-You're talking..) niyakap ni Chrysostom ang kaniyang ate Celestine. "¡Gracias a Dios! ¡Gracias a Dios!" (Thank God! Thank God!)
"H-hindi na ako makahinga.." tinapik naman agad ng Senor ang kaniyang anak na lalaki. "Tu hermana no puede respirar, hijo" (Your sister can't breathe, son) saway nito sabay tawa. "Lo siento, mi hermana. Estoy tan feliz. Todavía no puedo creerlo" (Sorry, my sister. I'm just so happy. I still can't believe it)
Mula sa baba ay rinig na rinig ang tawanan at kwentuhan nilang mag-aama. Narinig ito nang Senora kung kaya't dali-dali siyang umakyat papunta sa silid kung saan nagmumula ang ingay.
Naabutan niya ang tatlong tao na napakaimportante sa kaniyang buhay na nagtatawanan. Halos mapunit ang labi nang Senora sa lawak ng kaniyang ngiti.
"Ano ang inyong pinagtatawanan?" nakangiting tanong ng Senora. Agad namang napalingin ang Senor sakanya. "Mahal ko! Narito ka na pala!" bati nang Senor sabay halik sa kaniyang pisngi. Yumakap naman si Chrysostom sa kaniyang baywang.
"Kumusta, anak?" tanong ng Senora kay Celestine na ngayon ay papalapit sa kaniyang ina. "Mabuti naman po." nangingilid ang luha nang Senora dahil sa ngiti nang kaniyang anak. Sa wakas ay nagagawa na nitong ngumiting muli. Sa mga nakaraang buwan ay halos mataranta siya sa tuwing naririnig ang paghikbi at pagsigaw ng kaniyang anak.
Bumulong ang Senor sa kaniyang asawa nang kumalas ito sa pagkakayakap sa anak. "Maibibigay din natin ang hustisyang nararapat para sa anak natin, mahal ko." nilingon siya nang asawa at ngumiti nang pagkatamis tamis. "Hindi tayo susuko. Kailangang pagbayaran ng lalaking iyon ang kalapastanganang ginawa niya sa ating anak."
.
YOU ARE READING
The Art of Love
RomanceIsang masayahin at palangiting babae. Iyan ang isa sa mga katangian ni Celestine. Siya ay mayroong mataas na ambisyon para sa kaniyang sarili at sa minamahal na pamilya. Ngunit sa isang iglap, naglaho lahat ang kaniyang mga pangarap dahil sa isang k...