"Magandang umaga ho, tiyo Robert.." bati ni Celestine sa kaniyang tiyuhin na kasalukuyang nagbabasa nang dyaryo sa balkonahe nang ikalawang palapag. "Magandang umaga. May kailangan ka ba, hija?" tanong nito sakanya at tsaka ibinaba ang binabasa. Inanyayahan niyang maupo ang dalaga sa tapat nito bago sumimsim sa kaniyang kape."Magpapaalam ho sana ako sainyo kung maaari kaming magpunta nila Hillary sa paliparan upang sunduin ang nobyo nang aming kaibigan na si Carla."ani ni Celestine na hindi makatingin ng maayos sa kaniyang tiyuhin at namamawis ang mga kamay. Nangangamba siya na baka hindi sila bigyang pahintulot ng kaniyang tiyo Robert.
"May nobyo na si Carla?" nakataas ang kilay nito at tila ba hindi makapaniwala sa sinabi nang kaniyang pamangkin. Tumango naman ang dalaga bilang kasagutan. "Sige, mag iingat kayo. Sabihin mo sa nobyo ni Carla na kami ay mag-uusap mamaya pagdating niyo." nanlaki naman ang mga mata ni Celestine sa mga huling salitang binigkas ng kaniyang tiyo. Kailangan niyang sabihan si Elio na ihanda ang sarili dahil sa tingin nito'y magiging seryoso ang kanilang usapan ng kaniyang tiyuhin. Nagpasalanat ang dalaga at tsaka tumayo. Bago pa man siya tuluyang makaalis sa balkonahe ay humirit pa nang isang tanong ang tiyo Robert niya. "Nga pala, anong ngalan ng nobyo ni Carla?"
Nilingon ni Celestine ang tiyuhin at nakita niyang ito'y nakatingin rin sakanya at hinihintay ang kaniyang sagot. "Elio. Elio ho ang ngalan ng nobyo ng aking kaibigan." sagot niya. Tinanguan naman siya nito bilang senyales na makakaalis na siya. Nakahinga nang maluwag si Celestine pagkalabas niya sa balkonahe.
Magtutungo na sana siya sa kwarto nila Carla ngunit halos humiwalay ang kaluluwa ni Celestine sa kaniyang katawan dahil sa gulat nang makita ang tatlong kaibigan sa kaniyang harapan at agad siyang pinaulanan nang sunod sunod na tanong.
"Anong sabi ni ama?" tanong ni Hillary.
"Pumayag ba ang tiyo Robert, Celestine?" tanong ni Carla.
"Anong nangyari sa inyong naging usapan? Ayos naman ba?" tanong naman ni Riessha.
"Kumalma kayo!" saway niya sa mga kaibigan at tsaka iwinasiwas ang dalawang kamay upang palayuin nang kaunti ang tatlong babae. Hindi siya makahinga nang maayos dahil halos idikit nila ang kanilang mga mukha sa mukha si Celestine dahil sa panguusisang ginawa.
Tulad ni Celestine ay kinakabahan ang tatlong dalaga lalong lalo na si Carla dahil ito'y medyo namumutla at may malalaking butil ng pawis na namumuo sa kaniyang noo. "Pumayag ang tiyo—" hindi na natapos ni Celestine ang kaniyang sasabihin dahil agad na lumundag at tumili nang walang boses si Carla dahil sa tuwa. Maging ang dalawa pa niyang kasama ay nakilundag na rin. "Sandali nga lang! Makinig muna kayo sa akin, maaari ba?" saad ni Celestine. Bakas sa tono nang dalaga ang medyo pagkainis at pag aalinlangan dahil hindi niya alam kung paano sasabihin sa kaibigan na nais makausap ng kaniyang tiyo ang kaniyang nobyo.
"Carla..." hinawakan ni Celestine ang mga kamay ni Carla at tsaka tinignan ito nang deretso sa mga mata. "Pumayag ang tiyo ngunit ito'y kanyang kakausapin." nanlaki ang mga mata ni Carla dahil sa sinabi nang kaniyang kaibigan. "B-Bakit daw?" nauutal na tanong nito. Tanging kibit balikat lamang ang isinagot ni Celestine sakaniya.
"Huwag kang mag-alala, Carla. Mabait ang aking ama. Siguro ay may tatanungin lang siya sa iyong nobyo o di kaya ay may ibibigay na mga payo." sumingit na si Hillary sa usapan ng dalawa dahil nakita nitong lumungkot ang mukha nang kaibigan. Kilala niya ang kaniyang ama at natitiyak niyang wala itong gagawing masama sa nobyo ni Carla. "Oo nga.." pag sangayon ni Riessha at tsaka ipinulupot ang kamay sa braso ni Hillary at humilig sa mga balikat nito.
Bumyahe ang apat na dalaga papuntang paliparan pagkapatak ng alas onse ng umaga. Si Hillary ang nagmamaneho nang sasakyan na regalo ng kaniyang ama noong ika-labing walong kaarawan niya. Sa byahe ay tahimik lamang si Carla ngunit bakas sa mukha nito ang pagkasabik na makitang muli ang minamahal.

YOU ARE READING
The Art of Love
RomanceIsang masayahin at palangiting babae. Iyan ang isa sa mga katangian ni Celestine. Siya ay mayroong mataas na ambisyon para sa kaniyang sarili at sa minamahal na pamilya. Ngunit sa isang iglap, naglaho lahat ang kaniyang mga pangarap dahil sa isang k...