Kabanata 11

21 7 41
                                        


Nakangiting pumasok sa kanilang tahanan ang dalaga. Napatigil siya nang makasalubong sa sala ang kaniyang tiya Martha. "Narito ka na pala, hija. Kumusta ang iyong naging lakad?" tanong nito sakaniya habang pinapaypayan ng abaniko ang sarili. "Hindi mo naman siguro isinuko ang bandera nang Bataan sa lalaking iyon, ano?" pabulong pa nitong saad.

"Tiya!" suway ni Celestine sa kaniyang tiyahin.

"Binibiro lamang kita, hija. Alam ko namang matalino kang babae. Alam mo ang tama't mali. Halika, kwentuhan mo ako tungkol sa mga ginawa niyo ngayong araw. Ano ngang pangalan ng lalaking iyon?" ani nang kaniyang tiya Martha at saka iginiya siyang umupo sa isang mahaba't malambot na upuan.

Ikwinento ni Celestine ang kanilang ginawa ni Lucifer sa Intramuros. Mula sa kanilang paglalakad sa mga kalye, pagkain sa isang sikat na kainan na kung tawagin ay Ilustrado, mga kilos ni Lucifer na nagbibigay kilig sakaniya, at ang kanilang pamimili nang mga rekwerdo sa Silahis.

Ngiting ngiti ang dalaga habang ito'y nagkwekwento at hindi naman magkamayaw sa pagtili ang kaniyang tiya. Animo'y nagbalik ito sa kaniyang pagkadalaga. Marahan pa nitong hinahampas ang kaniyang pamangkin ng abanikong hawak. "Talaga?!" manghang tanong ni Martha.

"Oo, tiya. Napakalambot ng kaniyang palad..." saad ni Celestine habang nakahawak ang dalawang kamay sa kaniyang pisngi. Pumikit pikit pa ang dalaga habang inaalala ang mga sandaling magkahawak kamay sila nng binata.

"Ayy! Ganiyan na ganiyan rin ang aking naging reaksyon noong unang magkadikit ang aming mga palad ni Robert! hanggang ngayon ay naaalala ko parin iyon!" nakangiting saad ni Martha habang tinatakpan ang mukha gamit ang abanikong hawak.

Pababa na sana nang hagdan si Hillary nang kaniyang makita ang kaniyang ina at si Celestine sa sala na nagtatawanan. Dali dali siyang nagtungo sa silid nila Riessha upang ibalita sa mga ito na narito na ang kanilang kaibigan na kanina pa nila inaabangan ang pagdating.

Mabibilis na pag katok ang ginawa ni Hillary sa pinto nang silid nila Riessha. "Magmadali kayong dalawa riyan! Narito na si Celestine!" ani niya. Nagising ang natutulog na diwa ni Carla nang marinig ng sinabi nang kaniyang kaibigan. Dali dali itong bumangon at ginising si Riessha na ngayon ay natutulog rin. Binuksan niya rin ang pinto upang makapasok si Hillary.

"Nariyan na si Celestine?!" tanong ni Carla. Tumango tango naman si Hillary at tila sabik na sabik nang marinig ang mga ikwekwento ni Celestine sakaniya. Pagkatapos maghilamos ng dalawang dalaga ay sabay sabay silang tatlong bumaba sa hagdanan.

Muntikan pang matapilok si Carla dahil patakbo siyang bumaba dahil sa kasabikang nararamdaman.

"Celestineeee!" napalingon naman ang dalaga sa kaniyang likuran. Doon ay kaniyang nakita ang kaibigang si Carla na may malawak na ngiti sa labi at patakbong nagpunta sa kaniyang direksiyon. Kasunod naman nito sila Hillary at Riessha.

"Kumusta?!" agad na tanong ni Carla pagtapos nitong maupo sa tabi niya. "Ayos lang." tugon ni Celestine.

"Anong nangyari sa inyong lakad?" tanong ni Hillary.

"Anong ginawa niya sayo? Hinalikan ka ba niya? Niyakap?" tanong naman ni Carla.

"Saan kayo namasyal? Saan kayo kumain? Masaya ka ba sa naging lakad niyo ngayong araw?" hirit ni Riessha.

"Hep! Hep! Hep! Isa isa lang, mga hija! mahina ang kalaban." natatawang saad ni Martha. Ang mga dalaga ay nagmistulang mga pulis dahil sa ginagawang pag uusisa sa kanilang kaibigan.

Nagtawanan muna ang lipon ng mga kababaihan bago nagsimulang magkwento si Celestine. Maging si Martha ay nakisali sa naging usapan ng mga dalaga. Nakalimutan na yata nito na siya'y apatnapu't dalawang taong gulang na. Nagmukha tuloy silang isang grupo na naguusap at nagplaplano nang mga bagay na dapat nilang gawin sa kanilang samahan.

The Art of Love Where stories live. Discover now