Chapter13: Land Prince

2.2K 73 5
                                    

Chapter 13: Land Prince

Fire POV

Nagulat kaming Lahat ng sipain ng pamilyar na babae si Land prince ng sobrang lakas na agad kinatalsik nito.

Yung babaeng kaaway ni Land Prince, sobrang pamilyar niya sakin.

Yung galaw niya pag nakikipaglaban ..

Yung pangangatawan .

Bilis ng kilos . At ..

Yung singsing.

Hindi maaari.

Hindi pwedeng si Queen yon! Nawawala nga siya diba? Tsaka bakit niya naman magagawang kalabanin ang huling bubuo sa Grupo niya?

Pinuntahan ko si Lander kung saan siya tumilapon . Inabot ko ang kanang kamay ko sakaniya para tulungan siyang makatayo.

May mga dugo ng lumalabas sa bibig niya . Malakas nga talaga ang pagkakasipa sa kaniya.

"ang Lakas niya .." saad ni Land at ngumiti .

Pilit na hindi indahin ang sakit sa sikmura . Pinapakita niyang karapat-dapat nga talaga siya sa grupong 'to.

Inalalayan ko siya sa pag tayo at nang tuluyan na siyang nakatayo ay biglang sumulpot ang babae sa likod ko at akmang susuntukin ako ng biglang may mga sanga at ugat ng puno ang pumulupot sa mga kamay ng babae ,

"haist. I'm Fucking serious now ." iritadong saad ni Land Prince at hinila ang mga sanga na nakapulupot sa kamay ng babae . Lumabas ang mga ito sa mismong mga kamay niya. Nice .

Natumba saglit ang babae dahil sa nawalan ito ng balanse .

Pinalibutan namin siya nila Ice,Water at Land .

"No..." saad ni Ice at umiling iling .

Agad kaming napalingon kay Ice.

Takot na takot ang ekspresyon niya habang nakatingin sa iisang direksyon.

Sa kamay nung babae . Nakita niya rin pala.

Third Persons POV

Napukaw ang atensyon ng tatlo ng magsalita si Ice , kung kaya napalingon sila dito .

Pero .. maling inalis nila ang tingin nila sa babae , dahil sa isang iglap ay nawalan ng malay si Fire,Ice,Water at Land ..

"Nice Job Queen." Saad ng isang lalaki habang nakatutok sa Tablet niya kung saan siya ang kumokontrol kanina habang nakikipaglaban si Queen .

Nagmistulang Application Game si Queen dahil sa ginagawang pagkontrol niya.

"nice Game Hijo. " saad ng kanang kamay niya at naglagay ng isang tasang kape sa side table nito.

"Naisip ko nga na hindi ko na pipindutin ang green Button na 'to. Mas gusto kong ako ang magsisilbi niyang utak na kumokontrol sa lahat ng gagawin niya. " malamig na sambit ng lalaki at humalakhak ng malademonyo .

Agad naman itong sinang-ayunan ng Kasama niya.

Sa Kabilang Banda ..

Makalipas ang isang oras ay naunang nagising si Fire Prince at nakita niyang nakahandusay parin sila Ice,Water at Land sa bermuda grass .

Nilibot niya ang paningin niya at madilim na rin at sila nalang ang nasa loob ng Zoo .

Ginising niya ang mga kasama niya sa pamamagitan ng pag alog sa mga balikat nito.

"where are we? " tanong ni Water Princess habang pinapagpagan ang Mga braso na may mga lupa at damo.

Saglitang pumikit si Ice ..

Special GangstersWhere stories live. Discover now