Chapter44: The King and Queen's Downfall

1.7K 41 3
                                    

Chapter 44: The King and Queen's downfall

_____

Third Person POV

"I can't believe this is happening ! Mas grabe ang nangyayari ngayon kaysa sa dalawang nakaraang digmaan." di makapaniwalang sambit ni Hiro habang nililibot ang paningin sa buong gymnasium ng underground.

"Kung sakaling hindi ginawa ang Underground na to , saan nga kaya natin dadalhin ang mga walang kalaban labang mga taong 'to." mahinahong pahayag ni Blaze.

Nasa gymnasium ang mahigit isang Libong tao na sinagip nila mula sa kaguluhan sa syudad.

Nagmistulang evacuation center ang dating pinag gaganapan ng mga nagte-training sa Academy.

5,000 na katao ang capacity ng buong gymnasium kung susumahin . May mga High-Tech din na mga kagamitang nakahanda sa lugar na ito kung kaya ay di problema ang pag gawa ng pagkain para sa mga tao .

Kung hindi nila naimbento ang mga ito ay siguradong kanina pa nagwawala ang mga taong nagugutuman na .

Lahat ay inaasikaso ang mga tao pati na rin ang mga doktor ay minabuting pumunta sa gymnasium upang gamutin ang mga sugatang gawa ng mga sheneseiis .

"Nasa ilalim tayo ng lupa diba? ang galing naman ." Manghang sambit ng bata sa doktor na nasa 10 taong gulang na ginagamot dahil sa natamo nitong pagkauntog ng nagtatakbuhan na ang napakaraming tao.

ang ibang miyembro ng SG at RBG ay minabuti rin na tumulong sa pagbibigay ng pagkain at iba pang pangangailangan ng mga tao maliban lamang kanila Queen at Red .

Si Queen ay nasa kwarto kung saan di parin nagigising ang ina at gaya ng dati ay napakarami paring kung anung aparato ang nakakabit dito .

Kabaligtaran naman kay Red na hanggang ngayon ay nakatitig sa bangkay ng kapatid na si Crissa at sa kaibigang si Luke .

Walang paglagyan ang poot at pagnanais ni Red na mahanap kung sino ang gumawa nito sa kanila. Sa huling pagkakataon ay hinagkan ni Red ang napakalamig na kamay ni Crissa kasabay ng pag agos ng mga luha niya ,

"C-cris , patawad at wala si kuya para iligtas k-ka h-ha? *sob*" sambit ni Red na halos di na makapagsalita dahil sa sakit ng lalamunan sanhi ng kakaiyak simula ng matagpuan ang mga bangkay ng mga ito sa labas ng academy.

"Basta tandaan mo , di man tayo magkadugo , tinuring parin kitang totoong kapatid. Mahal na mahal ka ni Kuya. he-he n-nilalamig kana yata , s-sige kukumutan kana ni kuya ahh. *sob*" nanginginig ang mga kamay ni Red habang tinatakluban ng puting kumot ang mukha ni Crissa .

Sunod naman na pinuntahan ni Red ay ang matalik na kaibigang si Luke na tulad ng kapatid ay nakataklob ng puting kumot ang buong katawan.

"Hoy luke *sob* b-bantayan mo kapatid ko dyan ha .. Pag may nalaman akong may nangyari kay crissa di ako magdadalawang isip na sumunod kung nasaan man kayo." binuksan ni red ang kalahati ng kumot at sapat na para makita ang mukha ng napakalamig at maputlang bangkay ni Luke .

Muli ay napakapit nalang si Red sa bibig upang mapigilan ang tunog ng hagulgol niya ng makita ang puro pasang mukha ng kababata .

Ngunit , kahit nahihirapan ay minabuti niya paring mag iwan ng mensahe dito kahit alam niyang wala nang tyansa pa para marinig siya nito .

"t-tanginang mukha y-yan .. P-pre wag ka mag alala , g-gwapo ka parin kahit may mga nag u-ube kang pasa sa mukha m-mo . Haaay ! sayang ka pre , di mo na napakalat ang magandang lahi mo." napangiti nalang ng pilit si Red saka muling tinakloban ang mukha ni Luke .

Hindi napansin ni Red na nasa likod niya lamang si Sheryne at impit na humihikbi dahil sa mga iniwanang mensahe ni Red sa dalawa .

"Sis, Pasabi s-sa bitch na si Mirasol miss k-ko na siya ha .. tsaka pakisabi na bawasan niya ang pagkamaldita kasi nakakahiya kay Bro . *sniff* A-ang daya niyo." hagulgol na sambit ni Sheryne ngunit di magawang lapitan ang bangkay ni Crissa .

Special GangstersWhere stories live. Discover now