Chapter36: alive

1.8K 59 2
                                    


Chapter 36: Alive

Third Person POV

Agad na nagtungo ang lahat kung saan ginanap ang huling hantungan nina Hadjie at Mirasol ilang oras pa lang ang nakakalipas . Yun din ang lugar kung saan nagtago sila Lander nung panahong wala sa katinuan si Queen at kasalukuyan sila nitong hinahabol.

"Ako lang ang may kakayahang makabalik sa ilalim ng lupang to. Mag hintay lang kayo dito." Queen

"P-pero buhay paba sila? " tanong naman ni Ice . Bakas parin dito ang pag aalala sa mga kaibigan .

"I don't know but I feel strong presence here." Queen . tinuro niya ang lupang inaapakan niya .

--

"tol .. ayos naba ang sugat mo?" tanong ni Lander sakaniya .

Tumango lamang si luke bilang sagot , ngunit di parin maiaalis dito ang sakit na nararamdaman.

Maging si Lander na tinamaan ng dagger sa sikmura ay unti unti ng nakarecover dahil sa tulong ng mga puno at ugat na animo'y may buhay .

Ito ang gumamot kay Luke at Land.

Si Land Prince ang pinakapinuno ng lahat ng halaman at kalupaan kung kaya nakokontrol nya ito at tinuturing siyang Hari ng kalupaan.

Malawak ang pinamalagian nila sa lupang ito .

merong mga puno na maraming prutas kung kaya't sa dalawang araw na pamamalagi nila ay di sila nagutom .

May nadiskrube din si Lander ng inikot nila ang ilalim ng lupa .

isang palasyo .

walang mga tao ngunit may mga punong nagsasalita na nagsisilbing bantay dito .

maraming dyamante at mga ginto sa lugar na ito ..

hindi umaalis sa pwesto ang mga puno ngunit nagagawa nilang pagsilbihan ang prinsipe nila sa pamamagitan ng pagpapasahan ng pagkain at inumin hanggang sa makarating ito sa prinsipe pati narin kay Luke .

Kung maaari lang silang dito na tumira ay gagawin nila dahil sa sarap ng buhay dito ngunit nakaka buryong katahimikan naman . Walang mga makabagong teknolohiya gaya ng nasa ibabaw.

"Mahal na prinsipe .. aalis napo kayo?" puno

"ou .. kailangan nilang malaman na ayos kami. Malamang ay nag aalala na sila ." land

"pero kumikirot pa ang sugat ko. alam mo namang tagusan ang saksak e. Grabe, akala ko talagang mamamatay na ako e. Buti nalang at magagaling ang mga alagad mo dito Lander. Galing mag gamot." luke

"oh sige .. di na muna tayo aakyat ngayon . Pero bukas sigurado na. Tsk! gusto mo lang magpakasarap dito e." Land

napakamot sa ulo si Luke ,

tama nga ang hinala nito na nagpapakasarap lang siya dahil maraming pagkain at nagsisilbi sakaniya, yun nga lang ..

hindi tao ang mga ito pero ugaling mga tao naman.

Pinikit ni Lander ang mga mata niya hanggang sa tuluyan na itong nakatulog .

--

*shing!*

*blag*

"Waaah! Lander di kapa ba gigising??"

"WAAAH!!!! WAG KA LALAPIT!"

"LANDER NANDITO NANAMAN SI QUEEN!"

halos mahulog sa higaan si Land ng marinig ang sigaw ni Luke na binigkas ang pangalang Queen .

Special GangstersWhere stories live. Discover now