Chapter18: Instinct

2K 79 1
                                    

Chapter 18: Instinct

**

Kathie POV

**Kriiiiiiiing.Kriiiing*

Natapos ang buong araw namin eto' at uwian na namin . Tapos na ang klase.

Ilang oras na ang nakalipas pero wala pa rin si Shahira na lumabas kanina , nagpaalam siya kay ma'am Sulpico na Science Teacher namin na mag c-CR lang daw siya pero nagdismiss na't lahat si Ma'am pero di pa siya bumabalik .

Sa totoo lang , madami na akong napapansin sakaniya simula nung bumalik siya galing sa pagkawala niya ng dalawang araw nung sinugod kami ng Sheneseii .

Yung galaw niya .

At yung ekspresyon niya .

Alam kong natural na kay Queen ang pagiging maldita at suplada , pero ngayon iba talaga ang mga emosyon niya.

She's not that cold before , pero ngayon bakit parang wala na siyang pinapakita na emosyon . Laging blank expressions at kung magpapakawala man ngiti ay nakakakilabot na . Parang laging may mangyayaring di' maganda everytime na ngingiti siya.

Lagi narin siyang tahimik at halos di kami pinapansin .

Kasalukuyan kaming naglalakad dito sa hallway papunta sa parking Lot ng tumabi sakin si Blake at damang dama ko ang nakapalibot na itim na awra sakaniya . Ramdam ko na agad ang malakas na presensya niya. Gawa na rin siguro ng maramdaman ko ang pagtaas ng temperatura sa paligid dahil sa apoy na kapangyarihan niya.

"Napansin mo rin pala yun ." sabi niya ng mahinahon . He already know what I'm thingking earlier. He's a Mind Reader, ofcourse.

Marahil ay di napapansin nila Chelsea yun dahil bago palang nila nakakasama si Queen , pero kami .. sa ilang linggong hinahanap namin ang ibang miyembro ay nakilala ko na siya .

Mabait pero madalas masungit, hilig niya rin hadlangan sa tuwing may suhestyon si Blake pag nagsasalita na ito . Madalas ang bonding namin lalo na pag naglalaro ng online games .. pero ngayon di na namin nagagawa yun.

"Kanina pa nawawala si Shahira. saan naman nagpunta yon?" saad ni Wind habang nakasandal sa Van .

Nagtataka na rin pala sila .

Napagpasyahan naming hintayin nalang si Shahira dito sa parking lot , tinext na siya ni Chelsea na diretso na siya dito .

Si butler simon naman ay nasa loob ng van at hinihintay nalang kami na pumasok para makaalis na at makauwi sa Headquarters.

Hindi magandang pagdudahan si Queen pero .. di ko maiwasan ..

"Ikaw ha .. di ko alam may lihim ka palang pagtingin sakin .. *wink*" napalingon ako nung marinig ang boses ni Lander na nangaasar .

Agad naman umirap sakaniya si Chelsea .. "In your wildest dream dude. " iritadong sabi ni Chelsea kay Lander ..

Napailing nalang ako sa kanilang dalawa .. sus halata namang gusto nila ang isa't isa .. nasa in Denial stage pa tong mga to ..

Third Person POV

Habang nasa parking ang lahat at hinihintay si Queen ay isang malakas na kabog ang dibdib ang naramdaman ni kathie at ganun' din ang biglaang pagkirot ng sentido niya at kasunod nito ay ang napakaraming imahe na namuo sa isip niya.

Agad siyang napakapit sa ulo ng makita ang isang itim na karayom na tinusok sa katawan ng isang babae .

"anung nakikita mo Kathie?" tanong ni Blake .

Special GangstersWhere stories live. Discover now