Chapter7: You're one of us

3.3K 103 7
                                    

Chapter 7:  You're one of us

Third person's POV

Bakas sa Mukha ni Kathie ang pagkabigla nang malaman na kilala pala ng mama niya ang babaeng nagiiba ang kulay ang mata at lalaking sobrang kalmado lang ng itsura.

Nasa kusina si kathie at habang nagtitimpla ng juice ay di maiwasang magisip ang dalaga kung sino at ano ba talaga ang pagkatao niya.

Naguusap na sila Queen,Fire at ang Former Special Gangster member na si Ice Queen .

"So paano niyo kami nahanap?" Tanong ni Myrna kay Queen at fire.

"Ilang buwan ko na rin minamanmanan ang anak niyo, kasi everytime na mapapadaan ako sa toy store kung saan nagtatrabaho ang anak niyo, ay may lakas at kakaiba akong pwersa na nasasagap sakaniya kung kaya lagi ko siyang sinusundan. " mahabang paliwanag ni fire,

"Bago pumanaw ang papa ni Kathie ay sinabihan niya ako na wag kong hayaang mahanap ng kahit na sinong kabilang sa Special Gangster at Sheneseii tribe ang unica hija namin, kung kaya mas lalo niyang dinevelop ang blocking Identity at pinalitan ito ng password. Nagpasya kaming magbagong buhay at nangako akong hindi malalaman ng anak ko kung sino at ano siya, kung kaya gumawa ang daddy niya ng isang chemical na makakapagbura ng alaala na nag training siya sa gangster academy, at dahil nga siguro yun ang nakatadhana sa anak ko, Nalaman parin ng matalinong si Mimi ang lahat ng passwords. Napakahusay ng iyong magulang . At dahil sa akala namin na tapos na ang lahat, hindi sinasadyang mapatay ni Mimi ang leader ng sheneseii, nagpasya kaming i-inject sa mga sarili naming anak ang chemical na yon para mamuhay kayo ng normal, pero di ko alam na pinagpatuloy pala ng mga magulang niyo ang pagtrain sa mga powers niyo at di kayo sinalinan ng chemical na makapagpapaalis sa alaala niyo." Mahabang Paliwanag ng mama ni kathie,

"Alam na po ba ni Kathie ang tungkol sa powers niya?" Tanong ni Queen,

Saktong pagtanong ni Queen ay nilapag ni Kathie ang pagkain sa lamesa at umupo sa tabi ng ina ,

"Mas mabuti po kung kayo mismo ang magpaliwanag sakaniya at kung ano ang misyon namin." Ani Queen at lumagok ng juice.

"Kahit wag na. Naririnig ko ang usapan niyo." Walang emosyon na bigkas ni kathie,

"Anak, patawarin mo ako. Di ko natupad ang pangako ko sa ama mo na mamumuhay tayo ng normal." Maluha luhang sabi ng mama ni Kathie,

"It's okay Ma. Bakit nandito kayo?" Sabi ni Kathie habang malamig na nakatingin kay Queen,

"We need you. You're one of us Ice Princess." Queen at animo'y nangungusap na sumama sakanila si Ice .

"Kailangan mong makasama sa grupo ng Special Gangsters para hindi na muling maulit ang nangyari 15-years ago. Naghihiganti na ang anak ng nakaraang leader ng sheneseii na napatay ng mga magulang natin." Mahabang paliwanag ni Fire.

"Maaatim mo bang marami nanamang madamay?" Pagpapatuloy ni Queen at  pinipilit na kumbinsihin si Ice sa pamamagitan ng pagtitig at nangungusap na tingin.

Kumunot ang noo ni Kathie at nagsalita, "magbabagong buhay na kami ni mama. Huwag niyo na kami guluhin pa." Malamig na sabi ni kathie,

Nagbago naman ang timpla ng mukha ni Queen at nakaramdam ng lungkot,

"But Ice .." -

"Sorry. Gusto kong mamuhay ng normal kasama ang mama ko. Don't worry, ano man ang nalaman ko ngayon totoo o hindi,  mananatiling sikreto." Sabi ni Ice at nagtuloy tuloy sa kwarto.

Lumungkot ang ekspresyon ng mukha ni Queen at Fire. Animo'y nabagsakan ng langit at lupa.

"Sorry, anak ko lang ang makakapagdesisyon nyan." Malungkot na sambit ng mama ni Ice ..

Special GangstersWhere stories live. Discover now