Chapter22: danger

1.8K 64 0
                                    

Chapter 22: Danger
—-

Blake POV

"Wala ba kayong naaalala kahit isa sa RB Gang ?" Pagsira ni Sir Crale sa katahimikan .

Nandito kami sa sala at sama sama naming pinagiisipan ang posibilidad na password ng website na to  , ang di ko lang maintindihan ay kung bakit kasama rin namin ang Red Black Gang ? diba dapat wala silang malaman tungkol sa mga ability namin .

"I know how to read minds, Blake ." nagulat ako ng magsalita si Red, ang leader ng RB gang .

Tumingin ako sakaniya ng may pagtataka . Imbes na magsalita ako ay sinubukan ko nalang siya kausapin gamit ang utak ko .

"sino ba talaga kayo?" sa isip ko .

"nagaral din kami sa Magical Gangster Academy , di niyo man kami natatandaan pero kayo kilala namin, kayo pa nga ang top 6 na nagexcell sa buong batch natin eh. " tinignan ko si Red   . Sakaniya nanggagaling ang boses na naririnig ko sa isipan ko . He really knows how to talk by using the inner voice .

"guys.. share share ?" sabat ni Zayne .. alam niya siguro na naguusap kami ni Red gamit ang mga ability namin .

Kabatch namin sila sa academy ayon sa kanila . So ang ibig sabihin may mga powers and ability din sila ?

"oo blake.. tulad nyo, may mga pambihirang ability din ang RedBlack Gang .. di nga lang kasinglakas ng sa inyo." saad ni Sir Crale . 

"sino ang nakakaalam ng real name ng leader ng Sheneseii ?" pagiiba ng tanong ni Ms.stanley . I guess, may Hint na siya sa mga nangyayari ngayon .

natahimik kaming lahat at pilit na iniisip ang tanong ni Ms.Stanley.

Nabalot ng katahimikan ang buong bahay ni Sir Crale . Kakauwi lang namin galing bakasyon at Two days lang kami dun dahil kailangang madaliin ang pagbawi kay shahira , wala na kaming oras para magsaya pa . Hawak nila ang susi ng ikakasira ng mundo .

Inabot ng ilang minuto ang katahimikan at ni isa ay walang nakakaalam ng totoong pangalan ng leader ng Sheneseii . kahit nga ang codename niya ay walang nakakaalam  . Wala naman kasing kaaway na nagpapakilala ng totoong pagkatao niya diba .

"saglit guys .. kanino nga pala to?" pagsira ni Kathie sa katahimikan at nilabas ang isang panyong pula galing sa bag niya .

Tinitigan namin ang panyo . Anong kinalaman ng bagay na yan ? Bakit may iba akong nararamdaman . It's a black aura that giving me chills . What was that ?

binuklat ni Kathie ang panyo at pinagpag ito .

*sniff.sniff."

"hoy hadjie parang kang aso dyan na singhot ng singhot." pangaasar ni Mirasol . Tinignan ko rin kung ano ang ginagawa ni Hadjie. Sa bawat pag singhot niya ay siyang pagbabago ng kulay ng mata niya. Nagiging green ito .

"may iba akong naaamoy sa panyo na yan .." kunot noong sambit ni hadjie .

saglit na pumikit si Kathie at nagulat kami ng matapos niya hawakan ng mahigpit ang panyo ay agad siyang nawalan ng malay ..

anong meron sa panyo na to ?

kinuha ni Crissa ang panyo at siya naman ang kumilatis dito . This group is just amazing .

"There's a black energy in this handerchief , sobrang lakas ng pwersa." sambit nito .

I knew it. Naramdaman din pala nila.

kinuha ko sa kamay niya ang panyo at kinilatis ito ng maigi.
Habang hawak ko ito ay unti-unti akong nakakaramdam ng matinding sakit sa ulo . Agad ko tong binitawan . Nang tuluyan ko nang mailayo sakin ang panyo ay agad nawala ang kirot ng utak ko.

Special GangstersWhere stories live. Discover now