Chapter28: hide and seek

1.6K 62 2
                                    

Chapter 28: Hide and seek

**

Fire Prince POV

Ang hirap pala ng ganito pag wala ang nagbibigay ng lakas sayo.

si Dad na palagi kong inaaway noon at si shahira na di ko pa inaamin kung gaano siya kahalaga sakin simula bata palang kami .

Paano kami makakatakas sa ganitong gulo?

akala ko kaya kong gawin ang lahat. kaya kong talunin ang kahit na sino . Pero mali ang hinala ko. Ako parin ang Blake na mahina mula noon hanggang ngayon. Talong talo ako pagdating sa emosyon.

Pinapakita kong isa akong matatag sa harapan nila para di sila matulad sakin na pinanghihinaan na ng loob.

Di ako makakapayag na muli nilang kunin ang nagiisang pamilya ko . Kung kinakailangang buhay ko ang kapalit ay walang pakundangan ko itong bibigay . Ganyan ako magmahal .

Nandito kami ngayon sa invisible na Headquarters namin. 

Kitang kita ko ang sobrang mangha na mukha nila maliban sa mga kagrupo ko. 

Muling pinaayos ni Sir crale ang mansyon niya at sa tingin ko ay aabutin pa ito ng ilang buwan kaya nagpasya muna kaming dito tumuloy habang di pa natatapos ang matinding problema . Bwiset na website na yan . Patibong pala. Mabuti nalang at mabilis nagawan ni Lander ng paraan. Gumawa lang naman siya ng Higanteng Sphere na gawa sa bato . Pero dahil sa lakas ng pagsabog ay nawarak din ito dahil hindi ganun katatag ang pundasyong ginawa ni lander. Ang pag gawa ng Sphere shield ay kinakailangan ng 30seconds and above na preparation para talagang matibay ito. Pero ayos na rin atleast di kami masyadong napuruhan. Maliban kay Crissa, di namin nakita ang pagtama sakaniya ng bakal. Masyado kaming nataranta dahil sa 5seconds timer na nakaset dun .

"Dude ang astig . Invisible sa labas pero dito sa loob parang pangkaraniwang bahay lang." manghang sambit ni Zayne.

Masasabi kong kahit na sinong makapasok dito ay maluluwa ang mata dahil high-tech ang lahat ng gamit dito.  karamihan ay gawa sa robot na nagsisilbi naming katulong.

"hi robita . would you please get me some drinks? I'm so exhausted. Need to refresh." utos ni Ice sa babaeng robot na agad naman nito sinunod .

"One more thing, kapag maguutos kayo sa lahat ng robots dito ay dapat English speaking. Dahil yan lang ang nakaprogram na language . " ako

Napakagaling ng imbento ni Master G , dahil alam niyang rich kid kami ay nagimbento siya ng ganito para may tagalinis tagalaba,tagaluto , in short .. HOUSE MAID.

Nagpahinga na sila sa mga kwarto, madami namang kwarto dito kaya kasya kami .

Kami nalang ni Land ang natira dito sa couch, nagpahinga na silang lahat . Ramdam naming lahat ang pagod. Kailangan parin namin ng pahinga , baka biglang bumigay ang katawan namin dahil sa stress.

"isa palang patibong yung website na yon . Pinagtataka ko lang ay kung paano nila natanim ang ganong karaming bomba sa bahay ni sir ng ganung kabilis?" lander

"Sigurado akong marami sila kaya nagawa nila yun ng ganun kabilis at sinamantala nila nung mga panahong walang tao sa bahay na yun." ako

teka ? may naalala ako lang ako bigla.

Yung password ay ang buong pangalan ng Nerd na yon.

Ngayon alam ko na ang purpose niya sa pagpapanggap bilang  isang inosenteng nerd ..

yun ay para lituhin kami .

Si cloud at kent ay iisa ..

Siya nga kaya ang Leader ng Sheneseii?

Special GangstersWhere stories live. Discover now