Chapter45: Monster

1.5K 39 1
                                    


Chapter 46: Monster


--------


Third Person POV


"Kayo na ang bahala .." sambit ni Simon saka lumakad na muli pabalik sa Mansyon .



100 meters ang layo nito mula sa kinatatayuan ni Master G .



"Bakit simon ? Di mo ba ako kayang labanan kung kaya't inuutos mo sa mga alagad mo?" sigaw ni Master G nang makababa siya mula sa sasakyan .



Nilibot niya ang tingin niya at napangisi na lamang siya nang makitang napakaraming sheneseii ang nakapalibot sakaniya , at lahat nang ito ay may hawak na panang nag-aapoy at ang iba naman ay mga espada at handa na syang salakayin .



Natigil si simon at cloud sa paglalakad ,



"Talunin mo muna ang mga alagad namin bago mo kami harapin." makahulugang saad ni Cloud saka muli ay sabay silang naglakad ni Simon sa mansyon .



"Your wish is my command." saad ni Master G saka agad na pumasok sa sasakyan upang kumuha ng espada na may bigat na 50Kilos .



-------



Sumulyap si Queen sa orasan at napangiti nang makita kung anung oras na.



"oras na para wakasan ang lahat ." malamig na sambit ni Queen saka sinuot ang singsing at sinukbit sa tagiliran ang katana. Nilagay niya rin ang Knuckles niya sa kaliwang kamay .



Suot ang itim na Leather Jacket at jeans na hapit sa kanyang buong katawan ay nangingibabaw ang balingkinitang hubog ng katawan nito . Nakadagdag naman sa pagiging hot niya ang boots na may 3inch ang heels . Nakatali din ng paitaas ang kanyang buhok upang di makasabal sa oras ng labanan .



(A/N: Paki-imagine yung suot ni Queen, yung parang sa Charles angels XD)



Agad siyang nagtungo sa isa pang kwarto at bumungad sakaniya ang mga kaibigang handa na rin na sumugod .



Gaya ng suot niya ay mga naka-itim na leather din ang mga ito, mapababae o lalaki .



Maganda nga naman talaga gumalaw kapag komportable ang suot mo .



Lingid sa kaalaman nilang may mas nauna pa sakanilang sumugod at iyon ay ang ama niyang si Master G .



"Sheryne at ang sampung natitira sa Mortress Tribe maliban sa leader nila ay maiiwan dito . Kailangang may matira dito dahil paniguradong may susugod na sheneseii upang manggulo. Protektahan niyo ang mga tao . " ma-awtoridad na sambit ni Queen



"sama na ako. Kaya ko naman eh." pagmamaktol ni Sheryne na handa na sanang sumabak .



"Kailangan parin ng mga tao ang magamot . Isa pa , mas mapo-protektahan mo sila laban sa sheneseiis . Makakasama mo naman ang mga taga-Mortress." Queen



Wala nang nagawa pa si Sheryne kundi ang pumayag labag man sa kalooban nito .



"Let's Go. The Monsters are waiting for us ." Sambit ni Hiro saka nagtipon sila at gumamit ng teleportation upang makarating sa Mansyon na una nilang pinuntahan ng mabihag sila .



------



"Shafira, lock the target . Attack them one-by-one using your laser."



pagcommand ni Master G kay shafira habang nakasakay sa loob nito ,

Special GangstersWhere stories live. Discover now