Chapter47: All in Battle

1.5K 38 0
                                    

Chapter 48: all in battle


----------


Third Person POV



"Kailangan na natin samantalahin hangga't di pa tuluyang nababawasan ang pagkabilog ng buwan ."



Bakas sa boses ng matanda ang labis na panghihina at pinipilit parin na magpakatatag upang maisagawa ang orasyon sa pangalawang pagkakataon .




Tila umaayon sa kanila ang panahon at ala-una na ng madaling araw ay bilog parin ang buwan .



"Kaya niyo po ba? " alalang tanong ni Myrna .



Tumango lamang ang matanda at ngumiti ng pilit .



Napagpasyahan ng lahat na bantayan ang life master habang sinasagawa ang orasyon na makapagpapawala ng bisa upang di na sila kalabanin ng mga kapamilyang napasailalim ng spell.




Pumunta sila sa unang lugar na ginawan ng orasyon at nandun parin ang bilog na ginawang pangguhit ang uling at nakapalibot dito ang mga dugo na galing sa puting manok .


May mga sindi parin ang mga kandila at nasa gitna naman ang libro .


Bakas sa mukha ng lahat ang pagkamangha ng makita ang mga nakapalibot na kandila sa labas ng bilog . Hindi parin namamatay ang mga sindi nito sa kabila ng walang tigil na paglakas ng hangin . Halos hindi rin ito natutunaw.




Tahimik ang buong lugar at tanging kuliglig lamang at hampas ng hangin sa mga dahon ang naririnig.


Napapalibutan sila ng mga malalaking puno .



Pumwesto ang matanda sa gitna ng bilog at nilapag ang tungkod nito sa tabi niya .



Alerto naman ang lahat sa maaaring maging dahilan ng pagdistorbo sa orasyon.



"Nyebe nalang ang kulang " sambit ng matanda at humarap kay Ice .



Tumango naman si Ice at marahan na pumikit upang makapagconcentrate .



Hindi naman nahirapan ito na magpaulan ng nyebe dahil makalipas lamang ang limang minuto ay umulan na ng nyebe .



"Alerto. May paparating." saad ni Blaze ng may marinig ng mga pag apak sa mga tuyong dahon kung kaya lahat ay nagmamasid sa paligid.



Hindi rin nila lubos maisip kung nasaan na si Wind at kung anu na ang nangyari dito . Makailang ulit nilang nilibot ang kagubatan ngunit di nila ito mahanap.




Bumubuka na muli ang bibig ng matanda ngunit walang tinig na lumalabas dito.


Unti-unting lumalakas ang nyebe at kasabay nito ang gayun ding paglakas ng tinig ng matanda na halos ay pasigaw na . Nakataas din sa ere ang dalawang kamay nito na parang nagsusumamo .




Kumidlat ng napakalakas at ang nyebe ay nagmistulang bagyo .



Napukaw ang atensyon ng lahat ng may sunod-sunod na pana ang tumama sa mga puno at ang iba ay nag aapoy .


Mabuti nalang at nakapagpahinga na ang lahat kahit saglit kaya handa na ulit silang makipaglaban sa di nauubos na kalaban.



Nagkamalay na rin si Master G at maayos na rin ang pakiramdam ni Sky .



"Protektahan ang life Master. Red , Water at Ice . Maiwan kayo dito." ma-awtoridad na utos ni Master G.



"I'm coming with you. Si Master Mortress nalang ang maiwan dito. Nangako ako kay Dad na mananalo tayo . " walang emosyon na sambit ni Water kung kaya't walang nagawa ang iba at pumayag na lamang .

Special GangstersWhere stories live. Discover now