Chapter6: Who am I?

3.6K 109 2
                                    

Chapter 6: Who am I?

Kathie POV

O_____O

Ba---bakit ganon yung mata nong babae? Bakit nung tinitigan niya ako na parang kriminal ay mabilis na nag switch color yung mata niya?

Di naman ganun kabilis magpalit ng contact lenses diba ?

Waaaaaaaaah!!!!

Mu--multo ba siya? Juskopo takot ako sa multo. Mama 😭

Tapos after ng incident na nangyare kanina sa Toy shop after non ' may mga naririnig akong nag uusap, pero nung hinanap ko kung san nanggagaling yung mga boses na yon, di ko naman makita.

Do I need a psychologist naba?

I'm going crazy.

Babawasan ko na nga ang pagkakape .

--

Pagkauwe ko galing sa part time job ko ay agad akong dumeretso sa kwarto ni mama at doon nakita ko siyang tinitignan nanaman ang litrato ng namayapa kong tatay, haaaaay -.- nalulungkot nanaman ang mama ko.

"Oh anak. Nandyan kana pala" sabi ni mama habang nagpupunas ng luha sa pisngi.

Tinabihan ko siya sa kama at marahan na hinablot ang litrato,

"Ma, akin na po yan. Sigurado po akong hindi gusto ni papa na makita ang asawa niyang umiiyak sige ka." pang aasar ko.

10 years old palang ako ng mamatay ang papa ko, nandoon ako nang bawian siya ng buhay.

Pero nakalimutan ko na kung paano namatay ang papa ko, dahil sobra akong natrauma kaya pinasok ako sa hospital at doon ako isang taon inobserbahan para makarecover at makalimot sa pagkamatay ng papa ko, mabuti ngayon at okay nako.

Pero si mama naman, gabi gabi umiiyak.

"Anak, kung may malaman ka tungkol sa pagkatao mo, wag ka magalit sakin ha.. yan ang nakatadhana sayo." Sabi ni mommy,

ano pa bang di ko nalalaman bukod sa pagiging maganda ?

kumunot noo ako at nagsalita, "kahit kelan ma, di ako magagalit sayo. Tayo na nga lang ang nandito tapos mag aaway pa tayo."

"Salamat sayo anak, mahal na mahal ka ni mama." Niyakap nya ako ng mahigpit, naramdaman ko naman ang pagpatak ng luha nya sa balikat ko.

"Mahal na mahal din po kita Mama." Tugon ko.

"Maghahanda lang ako ng pagkain anak ha, pagtapos mo magbihis bumaba kana. "

Tumango lang ako bilang sagot saka ngumiti.

Ang mama ko, siya nalang ang meron sakin, di ko hahayaang masaktan siya ng kahit na sino pa.

Ako si Kathie Monterro, 17years old at nangangakong kahit hindi kami mayaman, basta magkasama kami ni mama gagawin ko lahat wag lang siyang masaktan .

at kung sino man magtangka ..

isusumbong ko sa pulis . amp !

Napahawak ako sa ulo ko nang bigla itong kumirot ,

'Ugh.'

what was that ?

Ano tong nagfaflash sa utak ko?

Lalaki ..

Papunta siya dito sa bahay!

Mukhang di siya gagawa ng maganda,

My god! Ang bilis niya maglakad at nasa tapat na siya nang bahay!

Bakit ako nakakakita ng mga ganito ?

Special GangstersWhere stories live. Discover now