Chapter41: alive in spell

1.6K 48 1
                                    


Chapter 41: Alive in Spell

-------

Third Person POV

"Tutunganga ka nalang ba dyan mahal kong pamangkin ? Di ka ba nasasabik sa iyong mahal na ama ? Ang dahilan ng paghihiganti mo ?" mapanuyang sambit ni simon nang maramdaman ang malakas na awra ni cloud .

Walang nagawa si cloud kundi magpakita na lamang sa halip na patuloy na magtago sa likuran ng pinto.

Nang tuluyan syang makapasok at nakita ang mga binuhay ni simon ay pinanlisikan nya ito ng mga mata .

"Bakit pati ang ama ko ? nananahimik na sya ! bakit dinamay mo pa !" nang gagalaiting sigaw ni cloud . Agad na nagliyab ang mga kurtina sa paligid gawa ng pwersang hatid ni Cloud.

"Kasama to sa plano ko cloud . Di mo ba nakikitang mga makapangyarihan ang binuhay ko ? Panalo na tayo . Satin na ang buong mundo . " ani Simon saka humalakhak .

"Sa ayaw at sa gusto mo magaganap ang labanang tatalo sa mga pulpol na gangster na yun . Wala na silang laban satin , bukod sa marami tayong alagad , kaunti nalang sila . " pahabol pa ni simon saka muling humalakhak na animo'y tagumpay na sa laban .

"Meron kapang dapat malaman cloud . At sigurado akong ito ang magpapakumbinsi sayo para tapusin silang lahat." simon .

Nakunot naman ang noo ni cloud ,

"anu yun ?" tanong nito .

"May kapatid ka cloud . Yun ay ang ate mong walang kalaban laban nilang pinaslang . Nagtago ang ate mo sa korea ngunit nahanap parin nila . Ayaw na nilang may mabuhay pang fuentabella sa mundo , kung kaya ikaw mag iingat ka .. Mapanlinlang ang grupo nila , kahit pa ang babaeng minamahal mo ngayon ay maaaring ang pumatay sayo ." seryosong sambit ni Simon .

Kusang tumulo ang luha ni cloud dahil sa nalaman .

lingid sa kaalaman nyang pakana nanaman ito ni simon .

Muling nilalason nito ang isipan nya .

"Sa akin ka makinig cloud . Ako ang karamay mo simula pagkabata mo, hindi lang mga magulang mo ang paghihigantian mo pati na rin ang ate mo ." simon

Walang lumalabas na salita sa bibig ni cloud kung kaya't minabuti niya nalang na umalis doon at magkulong sa kwarto . Gumuhit ang mala-demonyong ngisi sa mga labi ni simon.

"I'm so good at acting. Clap clap for that." Bulong pa nito sa sarili ng tuluyang makalayo si Cloud . Agad niya itong sinundan ng palihim.

Nang makapasok sa kwarto si cloud ay binalibag nito ang lahat ng gamit nya at kung anu man ang makita nya sa loob ng kwarto .

"KAYO ANG DAHILAN NG LAHAT !! ANONG KASALANAN NG PAMILYA KO SA INYO! NAULILA AKO !! PINATAY NYO SILA NG DI MAN LANG BINIBIGYAN NG CHANCE NA MAGBAGO ! " pagwawala ni

cloud .

hanggang sa mapagod siya sa pag wawala ay tuluyan ng bumigay ang katawan nya at unti unting napaupo dahil sa labis na galit at lungkot .

"Simula ngayon, kakalimutan na kita Queen . Papatayin ko kayong lahat . " mahinang sambit ni cloud ngunit punong puno ng galit at kasiguraduhan .

Isang mala-demonyong ngisi ang gumuhit sa labi ni simon ng marinig ang pagwawala ng binata at ang mga binitawang salita nito .

Nagtagumpay nanaman sya sa paglason ng utak nito .

Agad na nagtungo sa opisina nya si simon at kinontak ang kapatid na si sulpico .

Special GangstersWhere stories live. Discover now