Chapter30: Where to go

1.6K 49 6
                                    

Chapter 30: Where to go

------

Wind Prince POV

Agad na sinalpak ni Blake ang tape na nakita ko sa labas kanina, dapat nga di ko pupulutin yun pero parang may tumulak sakin na damputin to .

Kaya pala .

Pero di namin maintindihan kung bakit ganito ang video .

si Mirasol at Queen naghahabulan sa isang isolated place . Parang pamilyar nga ang lugar eh.

Malaki na talaga ang pinagbago nïya ..

ibang iba na .

"NO! MIRA!" napalingon kaming lahat kay sheryne na umiiyak . Hagulgol na ito ng makita ang kinahinatnan ng kaibigan.

Patay na si Mirasol .

Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit ito pinatay ni Queen . Mas lalong nagpagulo sa sitwasyon kung bakit pinadala pa ang video tape na to. Nakalagay pa ang 'Before it's too late' samantalang patay na si Mirasol sa video. Umaga na ngayon at sa video ay madilim pa.

wala naman akong natatandaan na may ginawang masama si mirasol kay Queen. Depende nalang kung may nag utos dito.

"shit! " mura ni Hadjie .

Halos lahat kami ay di makapagsalita ng maayos at gulat na gulat parin sa pangyayaring nasa video .

nandoon pa kaya ang katawan niya?

"Fucksht! she said sheryne's the weakest!" Blake

Napalingon kaming lahat sakaniya at di maintindihan kung bakit yun lumabas sa bibig niya . Anong alam niya ?

Sigurado akong pag nalaman to ni Red ay magaapoy siya sa galit .

nalagasan siya ng miyembro ..

di lang basta miyembro sa grupo nila, kundi kapamilya .

hindi dapat to makarating muna sakaniya dahil hanggang ngayon ay namomroblema parin siya sa kapatid nyang di parin nagigising .

"What? what do you mean by that Blake?" kunot noong untag ni Chelsea .

Nilabas ni blake ang cellphone niya saka tahimik na pinabasa samin isa isa .

[Let's play hide and seek . I'm gonna kill the intruders one-by-one , from weakest to strongest. I want to play chasing and drag them to death. Say Goodbye to the RBG and make them hide for the last time. ]

Anu to?

bakit ganito? Intruders . Ang RBG nga iyon. Iniisip nila na nakikialam ang grupo na yun dahil tumutulong ito sa amin.

"Sht. si mira ang pinakamahina samin .. !" luke

From weakest to strongest,

sino ang susunod ?

"sino sa tingin niyo ang sunod?" Lander

Nagkatinginan naman ang mga miyembro ng RBG .

ang natitira nalang dito ay si Luke,hadjie,sheryne at zayne . Samantalang nasa ospital naman sina Crissa at Red.

"sino?" tanong ni blake.

Sigurado ba silang di nila alam kung sino ang lamang sa grupo nila?

Malamang na si Red ang Strongest, kaya nga leader eh.

"di namin alam. Kasi para sa amin walang mahina sa grupo namin. " saad ni Sheryne na naguguluhan .

"but your're wrong . Mirasol is dead. Sa tingin mo mamamatay siya kung malakas nga siya?" chelsea

Special GangstersWhere stories live. Discover now